Chapter 41

2.1K 76 8
                                    

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Kinuha ko ang phone ko sa side table at tinignan ang oras. 8:27 palang ng umaga.

Tulog na tulog pa sila Seeya at Shanum na nakayakap sa isa't isa. Napangiti ako habang pinagmamasdan sila. Para silang magkapatid na ayaw mahiwalay sa isa't isa.

Sinulyapan ko ang tatlong unggoy. Tulog na tulog din silang tatlo. Nakaharap si Kiu sa kabilang direksyon kaya hindi ko makita ang kanyang mukha. Parang patay naman si Haji na nakatuwid lang ang higa habang si Azul ay bahagyang nakanganga.

Dahan dahan akong bumangon sa kama upang hindi magising sila Seeya. Kumuha ako ng damit na susuotin ko at tuwalya. Napagpasyahan kong maligo muna sa isa sa mga guest rooms, baka kasi makalikha pa ako ng ingay at magising ang mga prinsesa at prinsipe.

I'll go to the mall today. Ako nalang siguro muna. Gustuhin ko mang isama sila, ayaw ko naman silang istorbohin sa pagtulog at baka manibago sila sa paligid. Baka magfreak out pa sila kapag may nakitang kung ano. Masama na.

Pagkatapos kong maligo at mag ayos ng sarili ko ay bumaba na ako at nagpunta sa kusina. Naabutan ko doon si Manang na naghahain sa hapag. Nang makita niya ako ay ngumiti siya at bumati.

"Magandang umaga, anak. Saan ang punta mo?" tanong niya.

Naka simpleng floral top ako at naka shorts. Dala ko rin ang purse ko kaya siguro niya nasabing may pupuntahan ako. Nginitian ko siya.

"Sa mall lang po, manang. May importante lang na aasikasuhin."

Importanteng malaman ko ang laman ng ATM ni dad dahil dito nakasalalay ang kinabukasan naming anim. Natawa ako sa naisip ko. Mabuti nalang pala at may mga naitabi akong pera noon. Yun nalang siguro ang gagamitin kong pambayad ng pamasahe at panglakwatsa na rin.

"Kung ganoon ay kumain ka na. Hindi mo ba isasama ang mga kasama mo?"

Umiling ako. "Kayo nalang po ang bahala sa kanila. Pag hinanap po ako, sabihin niyong may pinuntahan lang saglit. At wag na wag niyo po silang papalabasin. Mga taong bundok ang mga iyon, baka mawala pa sila. Sa mall nalang po ako kakain."

Kumunot ang noo ni manang sa sinabi ko. Nginitian ko nalang siya.

Akmang aalis na ako nang mahagip ng mata ko ang mga nakahain sa mesa. Nanlaki ang mga mata ko nang may makita akong isda at mga hipon.

Paniguradong hindi ito kakainin nung lima at baka masindak pa sila kapag nakita ang mga ito. Hindi nga pala sila kumakain ng lamang dagat. At ako naman, never na ding kakain. Pumasok nanaman sa isip ko yung mga panahon na kumakain ako ng seafoods. Para ko na ring kinain ang sarili ko. Nakakasuka.

"Manang? Pwede niyo po bang tanggalin ang mga seafoods na nakahain? Ano po kasi... Allergic po sa mga lamang dagat ang mga kasama ko. At kung maaari po, huwag na po kayong maghain ng kahit anong lamang dagat sa amin." wika ko.

Nagtataka siyang tumingin sa akin. "Lahat sila may allergy?"

Lumunok ako bago sumagot. "Opo. Sige po, manang. Aalis na po ako."

Agad akong lumabas ng bahay. Baka malaman pa ni manang na nagsisinungaling ako. Pumara ako ng taxi at nagpahatid sa mall. Hindi naman naging matagal ang byahe dahil malapit lang ito.

Its been a while mula nung huli akong lumabas ng ganito. Dati, halos laman kami ng ni Daph ng mall. It's like a tambayan to us.

Pagkapasok ko ay agad akong nagpunta sa ATM machine. Medyo mahaba ang pila kaya matagal pa akong naghintay. Nagpalinga linga ako sa paligid, baka sakaling may makita akong kakilala ko, kaso wala. Ilang minuto pa ang lumipas hanggang sa ako na. Kahit sana may isang daang libo lang dito, ayos na. Natawa ako sa aking isip.

The Mermaid's Tale (COMPLETED)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें