Chapter 8

3.4K 111 9
                                    

"Renee, wake up." naramdaman kong may yumuyugyog sa akin.

"Mmm." yan nalang ang naisagot ko.

I'm still sleepy. Akala ko maaga na akong makakatulog kagabi but I'm wrong. Sa sobrang inis ko kagabi ay hindi ko nagawang makatulog ng maayos. Tapos ngayon may nang iistorbo sa pagtulog ko.

"Hey, Renee. You'll wake up or I'll tickle you?" napamulat ako sa sinabi ng panibagong boses.

Pagbukas ko ng mga mata ko ay mukha agad ni Seeya na nakangisi ang bumungad sa akin. Katabi niya si Shanum na nakangiti.

What are they doing here?

"At last! You're awake! Kanina ka pa namin ginigising. Kailangan ka pang takutin para magising." saad ni Seeya.

If I could only see the position of the sun or if I only have a phone or watch to know what time is it. Babatukan ko talaga silang dalawa pag nalaman kong masyado pang maaga.

"What's the problem? Why are you here?" takang tanong ko sa kanila.

Umupo sila sa magkabilang bilang gilid ko. Bale ako yung nasa gitna nilang dalawa.

"Nothing, we're just wondering if we could bond. You know, tayong tatlo ang mga prinsesa ng iba't ibang kaharian, though may mga iba pa,  kaya naman naisip namin na dapat maging close tayo at kilalanin ang isa't isa." sa lahat ng sinabi ni Shanum ay yung 'mga iba pa' ang tumatak sa isip ko.

Anong ibig niyang sabihin? May mga ibang prinsesa pa bukod sa amin?

"May mga ibang prinsesa pa ba maliban sa atin?" tanong ko kay Shanum pero si Seeya ang sumagot.

Well, hindi niya ata kayang hindi magsalita sa matagal na panahon. Ano pa nga bang aasahan ko.

"There are four. Well, five kung isasali yung anak ni Azura. One is Shanum's little sister at yung babaeng triplets na kapatid ni Haji. I haven't seen them yet pero excited na akong makita sila. In addition to that, I have a younger brother so as that ugly Azul. Nagkaroon na kami ng getting to know each other session nung wala ka pa kaya medyo marami na rin kaming alam sa isa't isa. You see, kaming mga panganay ang ipinadala sa misyong ito dahil balang araw ay kami rin ang mamamahala sa aming mga kaharian." mahabang paliwanag niya.

Hindi ko akalaing may mga kapatid pala sila. At hindi ko maiwasang mainggit. All my life, I wished to have my own brother or sister dahil ang lungkot mag isa. Tapos akala ko pa noon wala na akong ina at lagi pang busy si Dad. Good thing I have friends to depend on.

So Shanum has a sister, Haji has triplets sister, Seeya has a brother and so as Azul. How about Kiu? Gusto ko sanang magtanong sa kanila kaso baka may iba pa silang isipin. And it's not like I'm interested to him or whatsoever. I'm just curious. Yes, just curious.

"What about Azura's daughter? Do you know something about her?" I asked.

Napahawak pa sa kanyang baba si Seeya na parang nag iisip.

"All we know is that, ka edad lang natin siya. She also has this gray hair and tail just like her mother. Kahit na kaedad lang natin siya at kapwa prinsesa ay hindi ko papangaraping makipag kaibigan sa kanya. Masasama ang mga sireno at sirena sa Agua at hindi ko gugustuhing makilala ang sinuman sa kanila." Seeya said na may kasama pang irap.

Sabagay, kung ako din naman ay hindi ko rin gugustuhing mapalapit sa isa sa kanila. Dahil sa kanila nanganganib ngayon ang karagatan. Dahil sa kanila nawala si Dad. Dahil sa kanila nahiwalay ako kila Daph at Jacob. I will never forgive them.

Nagkwentuhan kaming tatlo at marami akong nalaman tungkol sa kanilang dalawa. 18 years old din sila tulad ko.

Seeya's father is so strict. Wala siyang kalayaang gawin ang kung anong gusto niya. Meron daw isang beses na nakipaglaro siya sa mga kapwa niya batang sirena pero nakita siya ng kanyang ama. Ikinulong siya nito sa kanyang kwarto bilang parusa. Nalaman din niya na sinabi ng kanyang ama sa buong kaharian na walang sino mang normal na sireno o sirena ang maaaring makipaglaro o lumapit sa kanya. I pity her. She didn't experience what a normal kid should experience. But I'm amazed by her because despite of what happened, she still managed to become the Seeya we know today. The jolly and playful one. She said that her reason why she accepted this mission was to escape from her miserable life even just for a short period of time.

The Mermaid's Tale (COMPLETED)Where stories live. Discover now