Chapter 24

2.1K 80 2
                                    

Seeya Petronova

Alam ko, at ramdam kong hindi totoo ang mga ipinakita ni Azul kanina. Maging ang paghingi niya ng tawad ay halatang labag sa kanyang loob. Nakita ko iyon sa kanyang mga mata. Mukhang ginawa niya lang iyon para kila Renee at Shanum. Sabagay, sino ba naman ako para makipag ayos siya? Ang tanga ko lang dahil pinaniwalaan ko ang sinabi ni Shanum kanina na maaari kaming maging malapit at magkaibigan. Hindi na sana ako umasa. Dahil nang makita ko ang mukha niyang tila naiirita kanina ay nais ko nalang lumangoy palayo.

Hindi ko alam kung bakit ko ito pinoproblema ngayon gayong meron kaming misyon na dapat kong pagtuunan ng pansin. Siguro nga tama sila Renee at Shanum. May gusto na ako sa kanya ngunit ayaw ko itong tanggapin sa sarili ko. Hindi ko alam kung saan o kailan nagsimula, ngunit isa lang ang alam ko ngayon. Gusto ko na siya at hindi ko na iyon maitatanggi.

Nakakatawang isipin na sa dinamidami ng sirenong nakilala ko ay sa kanya pa ako nagkagusto. Sa kanya pa na malas sa buhay ko. Sa kanya pa lagi kong nakakaaway. He's the reason why I'm broken, yet he's also the reason why I'm complete. I don't know. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Minsan na ngalang ako magkagusto, sa sirenong ayaw pa ako. Kumikirot ang puso ko habang tinitignan niya ako kanina ng para bang nandidiri. At para akong sinaksak ng direkta sa puso nang marinig ko ang sinabi niya kila Kiu at Haji na hinding hindi niya ako magugustuhan. Para akong sinampal ng paulit ulit. Kahit na iba ang sinabi niya nang nagtanong si Renee ay alam kong ako ang tinutukoy niya. Dun ko napagtanto na may gusto na talaga ako para sa kanya. Dahil hindi naman ako masasaktan ng sobra kung wala.

Sa totoo lang, ako sana ang magpriprisintang magpaiwan kanina ngunit naunahan niya ako. At hindi ko na ito sinalungat pa dahil parang may bumara sa lalamunan ko kanina at hindi ko nagawang makapagsalita. Ni hindi manlang ako nakapagpaalam sa kanya at hindi ko manlang siya nasabihang mag ingat. Kanina ko pang gustong gusto na bumalik ngunit pinipigilan ko lang ang sarili ko. Nag aalala ako para sa kanya. Paano kung may biglang umatake sa kanya doon? Paano kung may mangyari sa kanya?

Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga. Hindi ko na alam ang nangyayari sa sarili ko. Puro nalang siya ang naiisip ko. Azul dito Azul diyan. Kung noon siguro nangyayari ito sa akin ay malamang nandiri na ako. Ngunit iba ngayon. Nag aalala talaga ako sa kanya. Parang hindi ako matatahimik hanggat hindi ko siya nakikita. Kung maaari lang sanang bumalik ay kanina ko pa ginawa.

Bakit ba kasi kailangan pang may maiwan sa amin? Ano bang balanse ang sinasabi nitong si Geyenna? Mukhang isa lang naman itong kweba na puno ng salamin. Sa totoo lang, wala akong tiwala kay Geyenna. Dahil mukha niya palang ay hindi na katiwatiwala. Ang kanyang mukha ay kulubot na parang isang matanda. Kulay puti ang kanyang mga mata at ang mga tainga ay malalaki at patulis. Maging ang ilong niya ay patulis din at ang kanyang buhok naman ay pula. Ngunit ang pinakabumabagabag sa akin ay ang kanyang buntot. Kulay itim ito at sa tana ng buhay ko, ngayon lang ako nakakita ng sirena na itim ang buntot. Kaya labis talaga akong nahihiwagaan sa kanya. Ang tanging pinanghahawakan ko nalang ngayon na wala siyang gagawin na masama sa amin ay ang sinabi niyang hindi na siya makakalaban sa sobrang katandaan at wala siyang dala na kahit anong sandata.

Muli kaming tumigil pagkatapos ng halos tatlong minuto na paglalangoy mula sa kinaroroonan ni Azul. Mukhang alam ko na kung ano ang mangyayari.

"Kailangan uli na may maiwan na isa sa inyo sa parteng ito ng kweba. Maaari na kayong mag usap usap kung sino ang maiiwan." sambit ni Geyenna habang nakatingin sa amin. Nagtipon tipon kaming lima upang makapag usap.

"Sino sa atin ang maiiwan ngayon?" tanong ni Shanum.

Nagkatinginan silang lahat.

"Ako nalang." sambit ko.

The Mermaid's Tale (COMPLETED)Where stories live. Discover now