Special Chapter 1

3.5K 130 14
                                    

Daphne Cortez

"Daph, ano sa tingin mo ang mangyayari sa atin kapag hindi nangyari ang lahat ng ito? Kung hindi ko nalaman na isa pala akong prinsesa at nanatili lang mabuhay ng normal?"

"I'm sure you'll keep on pestering other people's life." natatawang sagot ko.

"Hey, I'm serious!"

"And I'm serious too."

Honestly, ilang beses ko na din yan naitanong sa sarili ko. Paano kung nanatili nalang kami sa mundo ng mga tao? Paano kung namuhay nalang kami ng normal?

Siguradong masaya kami ngayon. Hindi naman sa hindi kami masaya kasama sila Shanum, iba lang talaga yung saya na naramdaman ko noon sa lupa kasama sila ni kuya.

At isa pa, kung hindi nangyari ang lahat ng ito, siguradong kasama pa namin siya ngayon. Yung lalaking pinaka mamahal ko.

Kaya hindi ko magawang magalit kay Shanum kahit na siya ang dahilan kung bakit nawala si kuya ay dahil siya ang prinotektahan nito bago siya nawala. Kahit na hindi pa rin ako makapaniwala na kapatid niya si Shanum, alam kong mahal niya ito gaya ng pagmamahal niya sa akin.

Si kuya na ang pinakamabait at pinakaperpektong kapatid. At kailanman ay hinding hindi siya mawawala sa puso ko. Hinding hindi ko siya makakalimutan.

"Namimiss ko na sila Shanum. Kailan kaya natin sila makakasama ulit?" malungkot na tanong niya.

"Kasama mo lang sila noong isang araw. Wag ka ngang OA." may bahid ng inis na sagot ko.

Hindi dahil ayaw ko sa mga kaibigan niya. May isang sireno lang talaga akong ayaw makita.

"Umamin ka nga sa akin, Daph. Matagal ko na itong gustong itanong sayo pero hindi lang ako makahanap ng tamang tiyempo. I think now is the right time."

"What is it?"

Kung ano man ang gusto niyang malaman, sasagutin ko iyon ng buong katotohanan. She's my best friend. Dapat hindi ako naglilihim sa kanya. Kaya naman hanggang ngayon ay naguiguilty pa rin ako dahil hindi ko sinabi sa kanya kung sino at ano talaga ako.

"You and Azul... Is there something going on between the two of you? Pakiramdam ko kasi ay matagal mo na siyang kilala."

Huminga ako ng malalim. I knew it, she will definitely notice that. Lalo na dahil sa tuwing nagkikita kami ng lalaking yun ay wala na kaming ibang ginawa kundi ang mag-away.

Napangiti ako. Kahit na sobrang naiinis ako sa kanya, hindi ko maitatanggi na malaki ang parte niya sa buhay ko. At alam kong ganun din ako sa kanya.

"Matagal ko na siyang kilala. Bago pa kita makilala, bago ko pa makilala si Shanum, kilala ko na siya." panimula ko.

Mariin akong napapikit habang inaalala ang mga nangyari noon.

--

"Kalum. Sigurado ka bang kaya mong gawin ang misyong ito? Delikado sa mundo ng mga tao. At masyado ka pang bata para dito. Hindi biro ang sirenong kailangan mong patayin. Baka mapahamak ka lang." nag-aalalang sabi ni ama.

Pinipilit ni kuya na siya nalang ang tumapos sa sirenong nagtraydor sa kaharian. Pero tama si ama, masyado pa siyang bata. Sampung taong gulang palang siya, at dating mandirigma ang kakaharapin niya.

"Huwag kayong mag-alala, ama. Sisiguraduhin kong matatapos ko ng tama ang misyong ito. Magtiwala lang kayo." puno ng determinasyong sabi niya.

The Mermaid's Tale (COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin