The End of Us - The Last Chapter - Part 1

Magsimula sa umpisa
                                    

Tumango si Selmo, pero... "Sigurado ka? Kapatid mo yun."

"Wala na 'kong pakielam." Sagot ni Alan.

Maya maya pa, naglakad palayo si Selmo kay Alan at may tinawagan ito.

Apat ang patay nung gabing nangyari ang insidenteng hindi inakala ng lahat. Marami pa rin ang takot at wala sa kanila ang naka tulog ng mahimbing kahit naka uwi na sila ng ligtas sa kanilang mga bahay.

Nung nahanap ng mga pulis ang bangkay nung dalawa sa loob ng hotel kung saan ginanap ang reunion, una nilang nakita si Vernon na may isang tama ng bala sa ulo at namatay siya agad pagka baril sa kanya. Si Brent naman ay nahanap malapit sa banyo ng mga lalaki kung saan sinundan ito ni Nathalie nung nagpaalam siyang magbabanyo lang siya saglit. Pero hindi talaga banyo ang punta niya, kundi si Brent. Tinawag ito ni Nathalie habang naka talikod. Nagulat si Brent sa kanyang nakita at sinabihan ni Nathalie na wag siyang maingay, dahil pag nag ingay siya, papatayin niya si Brent.

"Oras na para unahin na kita." Sabi ni Nathalie.

"Wag... please." Sabi ni Brent.

Kahit ano pang makaawa ni Brent, hindi siya pinakinggan ni Nathalie, kahit pa na hindi siya nag ingay. Dahil ang plano talaga ni Nathalie ay ang patayin ang mga taong nanakit sa kanya noon.

Nung hindi naman nahanap ng mga pulis ang suspek na si Nathalie, agad nag patrol ang tatlong kotse ng pulis habang tig apat ang sakay nito. Hanap sila ng hanap kung saan maaaring mahanap si Nathalie o kung saan siya maaaring dumaan. Pero nabigo sila sa halos 12 hours na paghahanap sa suspek.

Alas otso ng umaga, may isang balita sa telebisyon kung saan binalita ang nangyari sa Carson Hotel. Lumabas din ang buong pangalan ng suspek na si Nathalie pati ang dalawang biktima niya. Si Alex ay hindi rin mahanap ng mga taong nagmamahal sa kanya. Isa na dun ay si Maya. Pero mga ilang saglit pa, biglang may nagsabi sa balita na si Alexander Buencamino ay patay na rin.

"Ano?" Tanong ni Maya. "Pati si Alex?"

Walang ibang naramdaman si Maya kundi ang magalit at ang malungkot. Anong ginawa mo kay Alex, Nathalie? Sa isip isip niya habang lumuluha.

Sa sobrang pangit ng balita, pinatay na lang niya ang T.V. at humiga sa kanyang sofa habang yakap yakap ang isang unan.

Bakit? Sa isip isip ni Maya. Bakit?

Pero wala siyang alam sa naging desisyon ng dalawa.

Ang sisi ay walang katapusan, dahil hindi alam ng mga tao kung saan nagmula ang problema, kung sino ba talaga ang maya kasalanan ng lahat, na kung bakit umabot sa puntong ganito na kailangan marami ang masasaktan.

Nagulat si Julien nung mabalitaan niyang wala na ang kanyang boss. Gusto rin niyang malaman kung may kinalaman siya sa mga biglaang pangyayari, dahil ang huling pagkikita nila ay nung nag sumbong siya sa kanyang boss tungkol sa ginawa sa kanya nung dalawa. Meron din siyang alam kung saan maaaring nagmula ang lahat, ngunit walang nagtatanong sa kanya, kaya mas pinili na lang niyang tumahimik at ang makiramay. Hinding hindi rin niya makakalimutan ang kabaitan sa kanya ni Alex.

Dati pa niya pinapanalangin na sana makahanap na si Alex ng babaeng magmamahal sa kanya, dahil mag isa lang ito sa buhay. Nung nakahanap na siya, bigla naman silang nawala ng pareho. Pero para kay Julien, masaya na rin siya kahit papaano na natagpuan din ni Alex ang babaeng matagal na niyang hinahanap, at magkasama na silang dalawa habang buhay... kahit pareho na silang patay.

The End of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon