The End of Us - Chapter 11

663 9 0
                                    

Sa bahay nina Maya, siya ay madalas na nag-iisa. Matagal nang hiwalay ang kanyang mga magulang nung siya ay apat na taon pa lamang. Siya ay tumira sa kanyang mga pinsan na walang ibang ginawa kundi ang... suportahan siya sa kanyang mga ginagawa. Isa na dito si Vernon, ang pinsan niyang buong puso siyang tinutulungan sa bawat desisyon niya sa buhay. Samantala, kabarkada ni Vernon si Alex, noon. Matagal tagal na rin silang hindi nagkikita at nag-uusap. At nang dahil yun sa isang malaking pagkakamali nila. Si Alex na kasi ang lumayo, matapos ng ginawa nila kay Nathalie. Tama, isa si Vernon sa mga umapi kay Nathalie noong high school pa sila. Ang tanong lang dito ngayon ay... kung pinagsisihan na ba ni Vernon ang mga nagawa niyang kasalanan sa kapwa niya? Lalo na kay Nathalie?

Nung araw na nawala ang diary ni Nathalie at nung araw na nakita niya si Alex at Maya na magka holding hands, wala na siyang ibang hinangad kundi ang magpakamatay na lang. Ilang araw na rin siyang hindi nagpapakita sa school at nagkukunwari lang siyang pumapasok pag andun ang tito at tita niya sa bahay. Pag aalis sila, hindi na siya umaalis ng bahay at andun lang siya sa kanyang kwarto, nagkukulong. Delikado ang ginagawa ni Nathalie, pero wala naman na siyang magagawa kung lahat ng tao maski mga kasing edad niya ay ayaw sa kanya. Ni wala siyang kaibigan na isa, as in... siya lang talaga ang nag-iisa. Yung tito at tita naman niya, binabale wala siya, obvious naman.

Habang siya ay nasa kwarto niya at walang ginagawa, marami ang tumatakbo sa kanyang isipan, dahil hindi na niya malaman kung ano nang nangyayari sa kanyang buhay. Lagi niyang tanong sa kanyang sarili ay kung bakit na lang siya laging sinasaktan at nasasaktan. Sana wala na lang akong pakiramdam. Lagi niyang sinasabi sa kanyang sarili. Minsan, nagpapatay malisya na lang siya at nagkukunwaring wala siyang nararamdamang sakit. Pero ang totoo, hindi niya maiwasan 'yon kaya lagi na lang siyang lumuluha, lalo na sa gabi.

Dalawang linggo na siyang hindi pumapasok. Dalawang linggo na rin niyang naitatago yun sa kanyang tito at tita. Pero... sa kasamaang palad, dumating ang araw na may mas nagpahinto pa sa kanyang mundo.

Siya ay naka uniform at naglalakad lakad sa isang gusali at hindi alam kung saan pupunta. Ang hindi niya alam, huli na siya ng kanyang tito at tita dahil tinawagan na sila ng eskwelahan. Hindi na daw pumapasok si Nathalie, nagtataka sila kung ano nang nangyari sa kanya.

"Sa buong linggong 'to hindi siya pumapasok?" Tanong ni Cynthia kay Bernard.

"Parusahan mo." Sagot naman nito.

Sa sobrang galit ni Cynthia, hinanap niya si Nathalie kung sansan. Wala siyang cellphone kaya nag tiyaga silang hanapin ito lalo na si Cynthia. Hindi niya natanggap na naloko siya ng kanyang pamangkin.

Nung nakita niya si Nathalie sa isang gusali na naka tayo lang, hinila niya ito sa braso at pinasakay ng tricycle at sinabing ideretso daw sila sa school nito. Pag baba nila sa eskwelahan ni Nathalie, saktong uwian na. Siya ay hinila palabas ng tricycle at tinulak sa harapan ng maraming tao, sa harapan mismo ng eskwelahan niya na kung saan wala na siyang mukhang maihaharap.

"Lolokohin mo pa kami?! Hayop kang babae ka!" Sigaw ni Cynthia habang naka tingin lang ang mga estudyanteng lumalabas ng gate.

Parami na ng parami ang mga lumalabas hanggang sa sinadya ni Cynthia na itulak si Nathalie sa sahig kung saan siya ay nagkaron ng maraming gasgas at sugat. Sinabunutan siya ni Cynthia habang walang magawa yung mga tao. Sa sitwasyon na yun, walang tumatawa, pero walang nangingielam para tulungan siya.

Hanggang sa... hinubaran niya si Nathalie sa harapan ng maraming tao.

Walang nagawa ang kawawang Nathalie kundi ang umiyak.

Wala na siyang suot kahit na may mga naka tingin pang tao sa paligid nila. Tuwang tuwa si Cynthia na pinapahiya niya ang kanyang sariling pamangkin at walang ibang maririnig kundi ang hagulgol ni Nathalie. Mas lumakas pa ito nung makita niya si Maya na naka kapit sa isang braso ni Alex habang kasunod naman nila ang mga barkada nito. Nakita nila ang nangyayari kay Nathalie, napahinto sila at hindi nakapag salita.

The End of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon