The End of Us - Chapter 26

576 8 0
                                    

Umaga na at nagka-abot si Maya at Vernon sa kusina habang hindi sila nagpapansinang dalawa.

Lumakad si Vernon sa ref at kumuha ng isang pitsel ng malamig na tubig at nagsalin sa baso. Habang umiinom siya, nagbabasa naman ng magazine si Maya at pasimple itong naka tingin sa pinsan niya na tila ba parang uhaw na uhaw. Hanggang sa... "Pumunta kahapon si Alex sa office mo." Sabi ni Maya habang nagbabasa siya ng magazine.

Bumagal ang pag-inom ni Vernon at sinabing, "ano namang pakielam ko sa kanya?"

"Hinahanap ka niya... buti na lang wala ka."

"Bakit niya 'ko hinahanap? Sa tingin mo ba natatakot ako sa kanya? Baka siya ang magpasalamat dahil wala ako dun at hindi kami nag pang-abot."

"Parang mas galit na galit ka na ata sa kanya?"

"Oh, please. You know Alex so damn well."

Sinara ni Maya ang magazine na binabasa niya at nagbuntong hininga at sinabing, "kaya ka niya hinahanap kahapon, yun ay dahil kay Julien." Nag smirk si Vernon na tila ba parang natutuwa siya balita na binabahagi ni Maya sa kanya.

"What about Julien?" Tanong ni Vernon.

Sumandal si Maya sa kinauupuan niya at nag halukipkip.

"You tell me." Sabi ni Maya habang nagpapaka ate ito kay Vernon. "Wag mong sabihin na hanggang dun ay wala ka pa ring alam? You should know what you did... at malamang may reason kung bakit kokomprontahin ka ni Alex ng ganun ganun lang. Alam mo ring 3 hours ang layo ng opisina niya sa opisina mo."

"So what's the problem here?"

"Alam mo Vernon... mahirap bang umamin? Kitang kita ko kasi sayo na hirap na hirap kang sabihin ang totoo. Which of you is telling the truth?!" Nagtaas ng boses si Maya sa huli niyang tanong.

"Ano ba kasing sinabi ni Julien kay Alex?" Litong tanong ni Vernon dahil sobra siyang nag-iingat.

"Bakit hindi mo na lang harapin si Alex? Since tinutukan mo na rin naman ng baril si Julien. Matapang ka diba?"

Nagulat si Vernon. "Oo... tinutukan ko siya ng baril dahil kayang kaya ko siyang patayin."

"My gosh, Vernon. Anong nangyayari sayo? Papatay ka ng tao? What if it's not Julien who did it?"

"Well... malamang may alam siya kung sino ang gumawa nun, at pag sa oras na nalaman ko kung sino ang totoong may gawa nung istupidong article na yun, baka tuluyan ko na."

Hindi na nakapag salita si Maya sa sinabi ni Vernon, dahil sobra siyang natakot sa maaaring gawin ni Vernon kay Alex. Ang malala pa dito, parang hindi na niya kilala ang sarili niyang pinsan at mas lalo pa siyang natatakot dito. At sa takot niya, hindi niya nasabi kay Vernon na dadalo si Alex sa reunion this Friday.

Samantala, kung kokomprantahin man ni Vernon si Alex, ang katotohanan ay manggagaling mismo kay Alex at hindi galing kay Maya.

Ngayon ay Huwebes, at bukas ay Biyernes na kung saan merong reunion na magaganap sa batch nina Alex nung high school. Meron nga lang isang problema. Hindi niya pa nasasabi kay Nathalie ang tungkol dito na bukas na ang reunion. Sasama talaga si Alex at hindi na niya ito aatrasan dahil gusto rin niyang makita at maka harap si Vernon at Brent.

If ever na malaman na ni Nathalie, wala namang dahilan para ikagalit niya ito. Kung ayaw ni Nathalie ang sumama kung sakaling malaman niya na may reunion, maaaring wag na lang siyang isama ni Alex.

The End of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon