The End of Us - Chapter 15

613 8 0
                                    

Fourth year high shool lang sila nung nangyari ang mga bagay na yun kay Nathalie. Nung gabing umalis na siya sa bahay ni Ms. Torres, hindi na niya alam kung saan siya uuwi. Pero wala siyang ibang nagawa, dahil ang mga paa niya ay tila ba parang kusang naglakad pabalik sa bahay ng kanyang tito at tita. Sa isip isip niya, mas gugustuhin na lang niya ang mag tiis dito hanggang sa makamit na niya ang kapayapaan at kasiyahan na gusto niyang maabot. Pero mukhang malabong mangyari 'yon kapag hawak siya ng kanyang tito at tita sa leeg. Para siyang isang ibon na naka tali, at may mabigat na kadena sa kanyang magkabilang balikat, at ang mundong ito ay isang malalim na tubig. Kung ganun, matagal tagal na rin pala siyang lumalangoy... lumalangoy sa walang hangganang pagsubok.

Pagbalik niya sa bahay ng kanyang tito at tita, napansin niyang may mga naka tambay sa labas ng bahay nila na nag-iinuman. Pero kahit ganun, parang bale wala na lang ito sa kanya dahil tulala si Nathalie habang naglalakad.

Samantala, napansin siya ng mga nag-iinuman sa labas na parang balisa ito. Kaya hindi siya kinibo ng mga ito, kundi nag bulungan na lang sabay nagtawanan.

Dahan dahan ang lakad ni Nathalie papasok ng bahay ng kanyang tito at tita, at sa kanyang pagpasok, nakita siya ng kanyang tita na naninigarilyo habang naka pamewang.

"Andito ka?" Tanong ni Cynthia.

"Nakakahiya na po kasi kay Ms. Torres." Sagot ni Nathalie habang may nanunuyong luha sa kanyang magkabilang pisngi.

"Nakakahiya... ang sabihin mo pinalayas ka na niya kasi ang laki na ng gastos niya sayo. Hmp!"

Pagtapos siyang pagsalitaan ng kanyang tita, dumiretso siya sa banyo at nag hilamos dahil nanlalagkit siya sa natuyong luha sa mukha niya. Tapos nun, pumasok na siya ng kanyang kwarto at umiyak siya ng tahimik.

Matapos siyang pagkaisahan nina Vernon at Brent, habang nanonood si Alex, mas ginusto na lang niya ang wag na silang makita habang buhay dahil ayaw na niyang maalala silang lahat. Kaya simula nung makabalik na siya sa kanyang tito at tita, nag decide siya na ayaw na niyang mag-aral. Hindi dahil tinatamad na siyang matuto, kundi dahil iyon sa mga taong naka paligid sa kanya sa tuwing papasok siya para mag-aral.

At simula nun, hindi na bumalik si Nathalie sa eskwelahan, at naging pabor naman ito sa kanyang tito at tita dahil wala na silang gastusin masyado. Kaya... hindi na siya nakita ng mga tao sa eskwelahan maski si Ms. Torres. Nung nangyari yun, may mga nagsisi sa ginawa nila sa kanya, at may balitang nagpakamatay na siya. Ang totoo niyan, buhay siya... buhay na buhay... pero parang patay na.

Kaya siguro ganun na lang magsisi ang mga taong nang-api sa kanya, lalo na si Alex.

Ito namang mga kaibigan ni Alex na sina Brent at Vernon, parang mga walang konsensiya, at patuloy pa rin sa pagiging masiyahing tao. Pero pag tinanong naman tungkol kay Nathalie, para silang mga pipe at yung mga mata nila, hindi alam kung saan titingin. Habang si Alex naman ay ilang araw nang parang hindi ngumingiti. Nagtataka tuloy yung mga kaibigan niya nung araw na yun, pero hindi na lang siya kumikibo kapag tinatanong siya kung anong problema kahit na kating-kati siyang magsalita sa nangyari kay Nathalie.

Kung gagawin naman niya 'yun, naisip niya ulit ang kanyang sarili dahil kasama siya nung gabing ginahasa nila si Nathalie. Although hindi siya naki sali, pero wala siyang ginawa para matulungan man lang ang kaawa-awang si Nathalie na humihingi ng tulong sa kanya.

Mga hindi sila natahimik nung hindi na nagpakita sa kanila si Nathalie. Ang masama nun, wala silang alam sa nangyari sa kanya matapos siyang hubaran sa harapan ng school nila. Ang buong akala lang nila ay, yun ang pinaka dahilan kung bakit tumigil na siya sa pag-aaral. Malamang isa na rin yun sa dahilan, pero may mas malala pa.

Nawala na ang puri ni Nathalie nung siya ay sampung taon pa lang. Dahil iyon sa kagagawan ng kanyang tito, at simula nun, sunod sunod na ang pang-aabuso sa kanya... hanggang sa may ibang tao pa pala ang gagawa ulit ng ganung bagay sa kanya.

Ilang ulit nagtangkang magpakamatay si Nathalie, pero natatakot siyang gawin ito. Siguro may paraan pa para makuha na niya ang kalayaan at kasiyahan na matagal na niyang gustong makamit. Siguro hindi pa talaga niya oras at hindi pa siya nababaliw para tuluyan na niyang putulin ang sarili niyang buhay. Kung iisipin, nasa matinong pag-iisip pa si Nathalie sa kabila ng mga nangyari sa kanya. Paano ba siya naging matatag para humantong siya sa ganito na kaya niyang mag-tiis?


------------------------------------------------------------------------------

Thanks for reading my story, and don't be afraid to vote or write a comment. I truly appreciate it. Thank you. ^_^

You can now proceed to the next Chapter. :)

The End of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon