The End of Us - Chapter 21

563 8 0
                                    

Nasa kusina si Alex habang naka titig lang siya sa invitation na binigay ni Maya. Hindi rin siya mapakali dahil may nagsasabing kailangan niya ngang pumunta ng reunion para naman may mukha siyang maiharap at hindi siya mukhang guilty sa nangyari noon. Lalo na't naglabas siya ng isang article laban sa dalawa niyang kaibigan dati. Pero kahit ganun pa, ready naman siyang umamin kung saka-sakaling mabubuking nga siya nina Vernon at Brent. Kung oras na malaman man nila ang katotohanan, wala na siyang dapat pang itago sa kanila.

Sa sobrang curious ni Alex, hindi na niya napigilan ang buksan ang invitation.

Pagbukas niya nun, nakita niya ang kanyang pangalan na siya nga ay invited, at kung saan gaganapin ang reunion ng batch nila.

Welcome, Alex! You are invited to attend the reunion this coming Friday (7 p.m. - Carson Hotel). We're looking forward to see you there!

Napa buntong hininga si Alex sa nabasa niya at hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang gawin. Di niya alam kung pano siya mag rerespond sa invitation na 'to.

Simple lang... wag siyang pumunta.

Pero kung hindi ako pupunta... ano na lang ang iisipin sakin ng dalawang hayop na yun? Tanong ni Alex sa sarili niya. At hindi lang yun ang dapat na tanungin niya. Pano na rin yan kung mag kita kita sila doon sa reunion itong Biyernes?

Samantala, nakita niya si Nathalie na dumaan sa harapan niya, at agad niyang tinago ang invitation na yun.

"Marunong ka palang mag-luto ng chicken soup?" Sabi ni Nathalie.

Chicken soup? Sabi ni Alex sa isip niya.

"Ah... yan ba? Hindi ako nagluto niyan."

"Sino?"

"Si Maya... nung pumunta siya dito."

Tumango si Nathalie at hindi na nagsalita.

Habang naka tayo lang si Nathalie, iniiwasan niya ang tumingin kay Alex. Pero si Alex ay naka titig lang kay Nathalie na parang may gusto siyang sabihin dito.

"Nathalie." Biglang tawag ni Alex na ikinagulat ni Nathalie.

"Huh..."

Inurong ni Alex palabas ang upuan malapit sa kanya, na isang senyales para umupo si Nathalie sa tabi niya.

Nakuha agad ni Nathalie ang ibig sabihin nun, at kahit ganun pa, nag dahan dahan siya sa pag lapit kay Alex para umupo.

Pagka-upo niya, halatang naiilang si Nathalie dahil hindi maalis alis ang tingin ni Alex sa kanya. Bakit kaya?

"Kung may reunion na gaganapin ang batch natin... what can you say?" Tanong ni Alex.

Nag-isip si Nathalie bago siya sumagot. "H-hindi ko alam... malamang hindi rin naman ako imbitado dun if ever na may reunion nga."

"Bakit naman hindi? E pano kung invited ka... pupunta ka?"

Ang tagal bago maka sagot si Nathalie.

"Siguro?" Tipid na sagot ni Nathalie. "Pero... alam mo naman kung sino sino ang mga pupunta dun, diba?" Ang ibig sabihin ni Nathalie, ay sina Vernon at Brent, at yung iba pa na ayaw sa kanya.

Baka akala ni Alex, nakalimutan na rin ni Nathalie yung hinubaran siya sa harapan ng school nila, at saksi si Alex dun pati yung mga kaibigan niya. Tsaka, karamihan sa mga naka kita nung pangyayari, yun ang naka tatak sa kanila at huling ala ala nila kay Nathalie bago siya tuluyang mawala sa eskwelahan.

Maraming bagay na naaalala si Nathalie, at sa tuwing naaalala niya ang mga yun, feeling niya... paulit ulit nangyayari ang mga bagay na yun sa kanya, at hindi rin niya maiwasan ang mahiya kahit nakaliapas na ito.

"What if kung... dalawa tayong pumunta sa reunion?"

"Akala ko ba... ilalayo mo na 'ko sa mga bagay na ayaw ko nang maalala? Pano na pag nakita ko sila... silang lahat dun... lalo na yung dalawa?"

Smart. Sa isip isip ni Alex.

Matalino talaga si Nathalie, at nasa isip na rin naman ni Alex yun, na kung pano na kaya yan kung makita ni Nathalie ang dalawang yun sa reunion. Nagtry lang din naman siya kung ano ang magiging sagot ni Nathalie, at kahit ano pa yun, rerespetuhin na lang niya ang desisyon nito.

"I know... I'm sorry." Sabi ni Alex.

"Bakit? May reunion ba talaga?"

"Ah... pinag-iisipan pa lang naman." Sabi ni Alex kahit ayaw na niyang mag sinungaling kay Nathalie.

"Pasensiya ka na kung nasabi ko sayo yun. Natatakot lang kasi talaga 'ko na makita silang lahat ulit."

"Okay lang. I understand."

Ngumiti si Nathalie ng konti kay Alex. Hanggang sa...

"Nathalie." tawag ni Alex. "May nakapag sabi na ba sayo na... sobrang bait mo?" Tanong ni Alex na medyo nag blush si Nathalie.

"Wala lang... pero... I think you're really nice." Sabi ni Alex ulit na parang nakikipag flirt na siya kay Nathalie. Kaya naman, mas lalo pang nag blush ito.

Sa hiya ni Nathalie, hindi na siya nakapag salita. Tsaka, ano bang balak ni Alex at bigla siyang nagsalita ng ganun?


------------------------------------------------------------------------------


Thanks for reading my story, and don't be afraid to vote or write a comment. I truly appreciate it. Thank you. ^_^

You can now proceed to the next Chapter. :)

The End of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon