The End of Us - Chapter 9

725 13 0
                                    

Sa kwarto ni Nathalie, agad siyang nag bihis kahit basa pa ang kanyang buhok habang naka talikod si Alex na tumutulong mag impake ng mga gamit niya. Nagmamadali silang dalawa, lalo na si Alex habang may hawak siyang bag at nilalagay niya yung mga damit ni Nathalie na galing cabinet.

Pagkabihis ni Nathalie, kumuha pa siya ng isang bag at kumuha pa ng ibang gamit. "Sundan mo lang ako kung saan ako tatakbo palabas. Okay?" Sabi ni Alex.

Tumango si Nathalie.

Pagkatapos nilang mag impake, binuksan ni Alex yung pintuan ng kwarto ni Nathalie at tumingin muna sa paligid bago tuluyang makalabas, hanggang sa sinenyasan niya si Nathalie na tumakbo na sila na tila ba para silang mga sundalo.

Nauuna si Alex at nasa likod niya si Nathalie. May tag isa silang bag na bitbit habang tumatakbo palabas ng bahay patungong kotse ni Alex. Pagdating sa kotse niya, agad silang pumasok dito at nag drive palayo.

Sa kotse, hinihingal pa sila ng konti dahil sa pagtakbo nila, at dahil dun, nagka tinginan silang dalawa ngunit hindi sila nag kibuan. Halatang takot pa rin si Nathalie dahil tumitingin siya sa likod ng kotse kung may sumusunod sa kanila. Samantala, napupuna ito ni Alex kaya nagtanong siya ng, "ayos ka lang?" pero hindi sumagot si Nathalie.

Ilang minuto lang ang naka lipas, medyo malayo na sila sa kanilang pinang galingan, tahimik pa rin silang dalawa at hindi nagsasalita, lalo na 'tong si Nathalie na hindi mapakali sa kinauupuan niya kaya lumingon na lang siya sa bintana. Sa harapan kasi siya naka upo malapit sa driver na si Alex habang pasimple siyang tumitingin sa kamay nito na nasa manibela. Ngayon lang din niya narealize na nakita siya ni Alex na naka hubad kanina, kaya mas lalo siyang nahihiya. Gusto niyang magsalita, may gusto siyang sabihin, kaso hindi niya alam kung pano sisimulan kaya hindi na lang siya magsasalita talaga.

Yun nga lang, may isa ring hindi mapakali, at wala nang iba kundi si Alex.

"Kung hindi pala kita sinundan papunta ng bahay niyo... baka natuluyan ka ng tito mo." Biglang sabi ni Alex habang nagdadrive at hindi naka tingin kay Nathalie, kundi sa kalsada lang.

Napalingon si Nathalie sa sinabi ni Alex at nagsalita. "Salamat... at pasensisya nga pala sa--" napahinto si Nathalie.

"Bakit ka nagpapasensiya? Ako nga dapat ang humingi ng pasensiya sayo..." sabat ni Alex, "pagtapos ng lahat." Dagdag nito.

Hindi nanaman nakapag salita si Nathalie sa sinabi ni Alex, at napangiti na lang ito ng hindi nakikita ni Alex.

Sa palagay ngayon ni Nathalie, mukhang nabawasan na yung takot niya dahil kay Alex; dahil una sa lahat, muntikan na siya at buti na lang dumating si Alex para iligtas siya. Pangalawa, meron na siyang kasama kahit papaano, at higit sa lahat, may pakiramdam siyang magiging safe siya sa piling ni Alex kahit na wala naman silang relasyong dalawa. Baka naman, gusto lang talaga maka tulong ni Alex at maka bawi sa mga nagawa niya kay Nathalie noon.

Yun nga lang din, hindi pa masyadong komportable si Nathalie kasama si Alex, dahil hindi pa niya binibigay ang buong tiwala niya kay Alex kahit na may mga nagawa na siyang maganda para sa kanya. Dahil nung dating nag tiwala siya kay Alex na mabait siya at hindi siya katulad ng iba, nagkamali siya at nasaktan ng husto.

Sa ngayon, kailangan lang talaga ni Nathalie ang magpaka wais bago niya tuluyang makamit ang gusto niya, ang maging masaya habang buhay.

Pinatuloy ni Alex si Nathalie sa kanyang condo ulit at ipinakita sa kanya ang kanyang magiging kwarto pansamantala... oo yun ang sabi ni Alex, "pansamantala" kahit na, gusto niyang alokin si Nathalie na pwede siyang tumira na magkasama silang dalawa. Hindi dahil gusto niyang magkaroon sila ng relasyon, kundi ang maka bawi sa lahat ng nagawa niyang mali kay Nathalie at bigyan ng chance ang isa't isa para maging mag kaibigan sila. Kung iisipin, naka bawi na siya, kaso parang may kulang pa, hindi sapat ang lahat para sa kanya.

Buti na lang, dalawa ang kwarto ng condo ni Alex. Binigay niya muna kay Nathalie yung isa pang kwarto, na dapat nagsisilbing bodega niya sa condo na ito, kung saan doon niya tinatambak ang mga bagay na hindi niya ginagamit. Hindi naman ganun kagulo or mabaho. Sa tutuosin pa nga, malinis at maganda ito para sa isang bodega.

Nagustuhan naman ito ni Nathalie, at kahit nahihiya siya kay Alex, hindi na siya tumanggi sa mga offer niya. Dahil... mas paiiralin pa ba niya ang kanyang pride kung wala naman na siyang uuwian?

May isang comforter na kinuha si Alex sa cabinet ng bodega na ngayo'y kwarto na ni Nathalie at nilapag muna sa sahig dahil wala naman siyang ekstrang kama na pwedeng gamitin ni Nathalie. Yung mga unan naman ay galing sa kwarto ni Alex, at binigyan si Nathalie ng dalawa.

"Pinalitan ko na yung punda niyan." Sabi ni Alex pagka abot niya nito sa kanya.

"Salamat." Sabi ni Nathalie ng walang ngiti sa kanyang mukha.

Bakas pa rin sa kanya ang takot kahit na naka layo na siya sa kanyang tito at tita, at kahit kasama na niya ang nag tanggol sa kanya... mukhang hindi maiiwasan ang makaramdam ng takot. Alam din niya na hindi magagawa ni Alex ang ginagawa sa kanya ni Bernard. Kaya sa ngayon, kailangan niyang mag relax at kalimutan ang lahat ng nangyari.


---------------------------------------------------------------------

Thanks for reading my story, and don't be afraid to vote or write a comment. I truly appreciate it. Thank you. ^_^

You can now proceed to the next Chapter. :)

The End of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon