The End of Us - Chapter 1

2.1K 38 0
                                    

          Nagdadrive ng kotse si Alex at siya ay pauwi na galing trabaho ng biglang nag ring ang kanyang cellphone at hinanap ito. Nung nakita na niya, tinry niyang abutin ito sa sahig, at hindi niya namamalayan na wala na ang kanyang paningin sa kalsada. Hindi rin siya matahimik hangga't hindi niya nasasagot ang tumatawag sa kanyang cellphone, kaya naman kahit alam niyang delikado ito, tuloy pa rin siya dito.

Hanggang sa... may isang babae ang biglang tumakbo at bigla niya itong iniwas at bumangga ang kanyang kotse sa isang putol na sanga ng puno. Naramdaman niyang medyo nahilo siya at hindi makapaniwala na bumangga siya. Dahil para sa kanya, para lang itong isang panaginip.

Natagalan siya sa paglabas ng kotse dahil sumakit ang kanyang balikat habang naipit ng konti ang kanyang kanang binti. Inalis niya ang kanyang seatbelt at binuksan ang pinto para makalabas siya palayo ng kotse.

"Ugh..." Sabi ni Alex sa sakit na kanyang nararamdaman.

Lumakad pa siya ng konti palayo ng kanyang kotse para alamin kung napano ang babaeng muntikan na niyang masagasaan. At doon, nagtagpo sila sa gitna ng kalsada habang ang babae ay nanlalaki ang mga mata sa takot, na halos maluha na rin siya.

"A-ayos ka lang?" Tanong ni Alex sa babae, ngunit hindi ito sumasagot dahil sa takot at gulat.

Tinatry ni Alex ang pakalmahin ang babae, dahil bakas sa kanyang mga mukha ang namumuong takot sa kanya.

"Pasensiya ka na... kasalanan ko ang lahat. Nasaktan ba kita?" Tanong ni Alex.

Pagka tanong niya nun, tumingin sa kanya yung babae na mas seryoso pa na parang may gusto siyang sabihin. Pero hindi siya nakapag salita.

"I'm sorry..." dagdag ni Alex.

Lumakad ng konti si Alex palapit sa babae habang lumalayo ito ng konti. "Ako nga pala si... si..." Napahinto si Alex at tumitig ng husto sa babae.

"N-Nathalie?" Sa pagtanong ni Alex, mas lalong natakot ang babae hanggang sa napatakbo ito.

"Teka sandali!" Sabi ni Alex sa kanya habang tinatary niyang habulin ito. Tumakbo ng tumakbo si Alex, at ganun din ang babae. Sa sobrang takbo ni Alex, nadapa siya dahil sumakit lalo ang kanyang binti na may sugat.

"Nathalie!" Sigaw ni Alex.

Huminto ang babae kahit malayo na siya kay Alex.

Nakita siya nung babae habang naka luhod siya sa sahig, at nagka titigan silang dalawa.

Halata sa kanya na nagdadalawang isip siya kung tutulungan niya ba si Alex o hindi. Pero... mas pinili pa rin niya ang tumakbo palayo sa kanya.

Mag isa na lang sa buhay si Alex. Hindi na rin niya kasama sa tirahan ang kanyang mga magulang at wala siyang kapatid. Mga tatlong taon na rin siyang naka bukod.

Sa tuwing uuwi siya, wala pang naka handang pagkain, meron siyang taga laba, taga plantsa, sa lababo isa o dalawang plato lang ang kanyang huhugasan, at higit sa lahat, hindi siya marunong mag luto. Kaya madalas, take out sa fastfood ang kanyang mga kinakain kahit sawang sawa na siya. Pero ngayong gabi, bumili siya ng isang tatlong can ng beer at umupo sa sofa at nilaklak ito.

Samantala, may benda na ang kanyang kanang binti dahil wala nang ibang magdadala sa kanya sa ospital kundi ang kanyang sarili. Kaya bago siya maka uwi, siya ay nagpagamot na matapos siyang bumangga. Yung kotse naman niya ay sira, kaya nag uber muna siya pauwi sa kanyang condo.

The End of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon