The End of Us - Chapter 20

597 9 0
                                    

"Vernon, what's going on?" Tanong ni Maya habang palakad lakad siya sa harapan ni Vernon habang hindi nila alam ang gagawin sa takot. "Did you see na maraming tao ang against sayo? Bakit kailangang ngayon pa mangyari 'to?" Dagdag ni Maya.

"Hindi ko rin alam, okay? Nagulat na lang ako bigla nung lumitaw yun... at hindi ko alam kung sino ang gumawa ng kahayupan na yan."

Hindi nakapag salita agad si Maya dahil biglang may pumasok sa isipan niya na hindi nagustuhan ni Vernon.

"Bakit kasi ginawa niyo pa ang bagay na yun kay Nathalie?"

"What?"

"I mean... totoo naman yun diba? So why bother?"

"Alam mo... simula nung naglabas ng totoong impormasyon ang kompanya nina Alex tungkol sayo... gusto mo rin ata na masira kami?"

"Hindi naman sa ganun... it's just... it's all too much for me, Vernon. Sawang sawa na 'kong mag pretend na parang walang nangyari. Alam ko ang totoong nangyari kay Nathalie, alam ko kung ano ang ginawa niyo. And honestly speaking... I'm scared of you since then." Naiiyak na si Maya.

"Natatakot ako sayo simula nung gumawa ka ng ganung bagay na hindi ko akalain. Alam kong hindi dapat ako matakot sa sarili kong pinsan... pero why? Why, Vernon? Why Nathalie? Bakit niyo siya ginanon?!" Sa sobrang lito ni Maya, hindi na niya napigilan ang umiyak ng sobra, at ang mapasigaw sa galit.

Nag aalala lang naman siya para kay Vernon. Tao lang din naman si Maya at merong puso, konsensiya at utak na nagsasabing... ang mali ay mali, at mas magandang gawin ang tama.

"Babae rin ako, Vernon. And I don't personally like Nathalie... pero ever since... walang tao ang naging concern sa kanya. So I did tried my best para hindi ko rin siya masaktan at hindi ako sang-ayon sa mga kagaguhan niyo. And you are so naïve, Vernon! Manhid ka! Wala kang pakielam sa nararamdaman ng iba!" Iyak ng iyak si Maya, dahil kahit kailan hindi niya napag salitaan ng masakit si Vernon.

"Alam mong mahal kita, Vernon. Parang mag kapatid na tayo sa tutuosin. Pero hindi sa lahat ng oras ay kaya kitang pagtakpan. I'm so sorry." Punong puno na si Maya, at umalis na lang siya agad para iwan si Vernon habang umiiyak.

Hindi nakapag salita si Vernon sa kabila ng mga salitang binitawan ni Maya sa kanya. Nasaktan din siya dahil parang tinatalikuran na siya ng mga taong malapit sa kanya. Sa galit na kanyang nararamdaman, parang sasabog na ang dibdib niya. Sa totoo lang, matagal nang parang sasabog ang damdamin niya lalo na sa tuwing naaalala niya si Nathalie at yung ginawa nila sa kanya, at mas lumala pa ngayon na parang wala na siyang kasama sa buhay para ipagtatanggol siya.

Kaya para makalimot saglit, lumabas siya ng bahay at nag drive palayo kahit na hindi niya alam kung saan siya pupunta.

Si Brent ay mag-isa na lang din sa buhay niya. Matagal tagal na rin siyang bumukod sa kadahilanang hindi naman siya tinrato ng maganda ng kanyang mga magulang. Hindi masaya ang kanyang kabataan kaya sa tuwing may galit siya sa ibang tao, dinadaan na lang niya sa sakitan, at pag may matinding problema, iinom na lang siya ng mag-isa.

Matagal na rin niyang hindi nakaka usap si Alex, habang silang dalawa naman ni Vernon ay magkasundo pa rin.

Sa kabilang palad, hindi rin alam ni Brent ang kanyang gagawin dahil sa mga nangyayari ngayon. May kutob rin siya na may galit lang sa kanila ang gumawa nun pero hindi sumagi sa isipan niya si Alex. Dahil ang Alex na kilala niya ay mabait na sunod-sunuran lang sa kanila na hindi kayang gumawa ng kahit anong katarantaduhan. Pero nagkakamali siya, dahil iba na si Alex ngayon. Kung nakagawa man ng mali si Alex noon, mas kaya pa niya ulit gawin 'yon... ng mas matindi.

The End of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon