The End of Us - Chapter 13

609 9 0
                                    

Sa kwarto na binigay ni Alex kay Nathalie, unti unti nang umaayos dahil inaayos ito ni Nathalie ng siya lang ang mag-isa. Nagpaalam siya kay Alex kaya nung pumayag ito, agad niyang sinimulan. Maraming box na patong patong, mga paper bags na mukhang hindi pa nabubuksan at madalas may mga brand ito. Hanggang sa napansin niyang mga sponsors ito ng company na pinagtatrabahuhan ni Alex. Samantala, wala siyang ideya na tatay ni Alex ang may ari nung kompanya at boss si Alex doon.

Dumiretso si Nathalie sa maliit na cabinet at binuksan ito. Naguluhan siya kaya tiniklop niya ng isa isa yung mga damit na hindi naman ata ginagamit ni Alex. Hinanger din niya yung ibang damit, may mga kumot din, tuwalya at iba pa.

Yung cabinet na inaayos niya ay may mga drawers, kaya naman pagtapos niyang mag tupi at mag sabit ng mga damit, agad naman niya itong pinagka abalahan. Pero, hindi niya mabuksan lahat ng drawer kaya hindi na niya pinilit at sinara na lang ang cabinet.

Pagtapos niyang ayusin ang lahat, umupo siya sa comforter niya na nasa sahig at tumingin sa kawalan.

Siya ay naka tingin lang sa bintana habang blangko ang kanyang pag-iisip. Hanggang sa hindi niya namalayan agad ang katok ni Alex sa kanyang pintuan.

"Bukas." Sabi ni Nathalie na mahinhin ang kanyang boses.

Sumilip ng dahan dahan si Alex at ngumiti kay Nathalie.

Hindi alam ni Nathalie kung mag fifeel at home ba siya at magiging komportableng kasama si Alex... kaya naman medyo hindi pa rin siya maka tingin sa mga mata niya.

"Umm..." Sabi ni Alex. "May pupuntahan lang ako. Babalik din ako agad."

Tumango si Nathalie.

"See you soon." Sabi ni Alex at umalis na.

Pagka alis ni Alex, dahan dahan lumabas si Nathalie ng kanyang kwarto at umikot ikot kung saan saan. Sa sala, sa kusina, sa reading area, at ang katabi nun ay ang maliit na office ni Alex.

Sa atmosphere ng bahay ni Alex, hindi malayong macu-curious ka. Kada sulok kasi ng bahay, may mga cabinet na maliit pati mga drawers. Dahil gusto niyang makilala si Alex ng husto at hindi pa niya ito pinagkakatiwalaan ng husto, hindi na siya nag alinlangang pakielaman ang mga gamit ni Alex, lalong lalo na yung desk ni Alex sa mumunti niyang office sa condo.

Nag bukas ng drawer si Nathalie at dahan dahan inangat yung mga folders at papel para hindi halatang may nag bukas nito. Samantala, wala siyang nakitang bagay na pwedeng pagtuunan ng pansin kundi ang isang susi na hindi niya pinansin, kaya agad naman siyang lumipat ng drawer na mas mababa sa unang binuksan niya. Yun nga lang, ito ay naka lock.

Naka lock... teka... may susi dito kanina eh. Sabi ni Nathalie sa isip niya.

Kinuha niya ang susi sa isang drawer kanina at tinry susian ang drawer na naka lock. Pagkapasok niya nung susi, himalang nag kasya ito at inikot niya... at bumukas!

Pagka bukas niya nung drawer, dali dali siyang nag halungkat. Mas maayos din ito kaysa sa unang drawer na sinilip niya. Nagtataka siya bakit parang may pamilyar na bagay siyang napansin na natatabunan ng iba pang gamit. Kaya naman... hinila niya ito sa ilalim at nakitang... ito ay ang kanyang nawawalang diary.

Nagulat siya, at ng dahil sa gulat niya, napa iyak siya ng makita niya itong muli. Hindi rin niya akalain na nakay Alex lang pala ito. Hindi rin niya malaman ang kanyang nararamdaman; magagalit ba siya o matutuwa. Pag nagalit naman siya, mahahalatang nangielam siya ng mga pribadong gamit ni Alex. At kung matutuwa naman siya, mukhang magiging mahirap ito dahil... wala siyang tuwang nararamdaman sa kabila ng mga nangyari sa buhay niya na hindi maganda.

The End of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon