The End of Us - Chapter 7

731 9 0
                                    


"Bitawan mo 'ko!" Sabi ni Nathalie.

"Kailan ka pa natutong lumandi?" Tanong nung tito niyang si Bernard na namilit sa kanyang sumama pauwi sa kanilang bahay. Sa bahay kung saan siya ay hindi welcome, sa bahay na kung saan lahat dapat ay babayaran niya, sa bahay na maraming pangit na alaala. Nakatira siya sa kanyang tito na si Bernard at sa tita niya na si Cynthia simula nung iniwan siya ng kanyang mga magulang dito at nangibang bansa kasama ng iba niyang kapatid na hindi na niya kilala. Malamang, hindi na rin niya alam kung ano nang itsura nila o buhay pa ba silang lahat, maski ang kanyang mga magulang. Samantala, wala na rin naman siyang balak alamin kung nasaan na sila o kung ano nang kalagayan nila, dahil para sa kanya, matagal na siyang iniwan. Ni hindi nga nagpapadala sa kanya, basta iniwan na lang siya bigla.

"Hindi ko ginagawa yon!" Sagot ni Nathalie, kung saan, siya ay nasampal ng kanyang tito.

"Sige, sumagot ka pa. Tignan lang natin kung anong kayang gawin sayo ng tita mo. Baka naman gusto mo nang lumayas dito?" Hindi alam ni Bernard na binenta ni Cynthia saglit ang katawan ni Nathalie. Kaya nasasabi din ni Bernard ang mga bagay na yun, ito ay dahil sumasama ang loob niya na may ibang kasama si Nathalie.

"Mas mabuti pa nga... para wala ka ng ginagapang pag wala yang asawa mo!" Sagot ni Nathalie.

Dahil hindi kinaya ni Bernard ang sinabi ng kanyang pamangkin, hinila niya ang buhok ni Nathalie at sinikmuraan. Kagaya ng ginagawa niya sa kanya dati pa.

"Walang hiya ka! Ang kapal ng mukha mo para sabihin mo sakin yan. E gusto mo naman diba?" Sabi nung Tito niya.

Hanggang sa... "alin ang gusto niya?"

Napalingon si Bernard, ito ay ang kanyang tita na si Cynthia na bagong dating. Kitang kita niya ngayon kung pano hawak ni Bernard ang buhok ni Nathalie. Umawat ba siya? Ni minsan, hindi niya naipagtanggol ang pamangkin niya, kundi hinahayaan niya lang ito saktan. Yun nga lang, sa kasamaang palad, walang alam si Cynthia na pinag sasamantalahan ni Bernard ang pamangkin niya.

"Cynthia." sabi ni Bernard. "Eto kasing pamangkin mo, sumasagot nanaman." Dagdag niya habang unti unting binibitawana ng buhok ni Nathalie, at ito ay hindi maka hinga ng maayos.

Naglakad si Cynthia palapit kay Nathalie at hinawakan ang kanyang magkabilang panga at tila ba parang may chinecheck ito.

"Kamusta ang gabi mo?" Tanong ni Cynthia kay Nathalie na hindi naman mukhang concern talaga dahil naka taas ang isang kilay niya nung tinanong niya si Nathalie. Ngunit, hindi ito maka sagot ng dahil sa takot na nararamdaman niya kahit na pilit niyang ipakita na hindi siya natatakot sa kanila. Gusto niyang magsalita kaso ayaw na niyang masaktan ulit.

"A-ayos lang po." Sagot ni Nathalie na medyo kabado at medyo hinahabol pa rin niya ang kanyang hininga.

"Alam mo ba ang pangalan niya?" Tanong ni Cynthia.

Sa kabilang banda, naka tayo lang si Bernard sa likod ni Cynthia habang pinapanood na nag uusap yung mag tita.

Sa tanong ni Cynthia, hindi alam ni Nathalie kung sasabihin ba niya ang totoo sa kanyang tita. Pero kaya nga siya umuwi dahil ayaw niyang madamay si Alex.

"H-hindi po... hindi ko po siya kilala." Sagot ni Nathalie na naka sandal na sa pader dahil sobrang lapit na sa kanya ni Cynthia.

"Gusto kong bumalik ka sa kanya mamayang gabi... malaki ang inabot niya sakin. Baka naman pwede ko pa siyang hingian ng mas malaki kung mag iistay ka sa kanya ng matagal."

Sa pagkakataong yun, medyo nanlaki ang mata ni Nathalie, pero hindi niya pinahalata ito. Ito na rin ang pagkakataon na maka takas na ng tuluyan sa kanila. Sa bagay, mas gugustuhin na niyang sumama kay Alex kaysa ang tumira sa tito't tita niya na walang ginawa kundi ang saktan siya. Kahit na ang totoo ay, may inis at konting galit pa rin siyang nararamdaman kay Alex. Pero mas gugustuhin niya nang sumama dito, sa taong nanakit ng damdamin niya. Masakit pa rin ito sa kanya kahit matagal na, si Alex nga eh, hindi pa pala niya nakakalimutan si Nathalie, at naguilty siya ng husto kaya naman nung nagkita sila ulit, dun siya nakahanap ng pagkakataong maka bawi sa mga kasalanang nagawa niya kay Nathalie. Kaso, gaano katagal siya mag iistay kay Alex kung makaka balik nga siya dun. Siguro naman hindi madadamay si Alex, malamang gusto pa rin siyang tulungan nito. Siya na rin naman ang nagsabi na pwedeng humingi ng tulong si Nathalie sa kanya.

E kung bilhin na lang kaya niya si Nathalie para mabayaran na niya lahat ng nagawa niyang kasalanan dito?

"S-sige po."

"Sige, ihatid mo 'ko papuntang bahay niya."

Hindi nila pwedeng malaman kung saan nakatira si Alex, kaya nagkunwari nanaman siya.

"Tinakpan niya yung mga mata ko nung papunta at paalis na 'ko ng bahay niya."

"Pwes, hanapin natin siya."

"Sabi niya... magkita kami ulit mamaya." Sabi ni Nathalie kahit wala namang sinabing ganun si Alex. Sinabi niya lang naman ito para hindi nila malaman kung saan siya nakatira.

"Okay." Sagot nung Tita niya habang nakataas pa rin ang isang kilay nito. "Mag paganda ka naman para mas lakihan niya pa yung bayad sakin noh." Dagdag niya pa habang naglalakad palayo kay Nathalie at pumasok ng isang kwarto.

Samantala, si Bernard ay hindi alam kung tungkol saan ang kanilang pinag uusapan, ni hindi rin niya alam na binebenta ni Cynthia si Nathalie.

Kapatid ni Cynthia ang tatay ni Nathalie, habang hindi naman niya kadugo si Bernard. Matagal nang mag asawa si Bernard at Cynthia, pero parang wala na silang nararamdaman sa isa't isa sa tutuosin. Pero minsan, makikita silang magkasama sa isang lugar na parang isang normal na mag asawa. Yun nga lang din, marami na silang tinatago sa isa't isa at hindi ganun ang gawain ng isang mag asawa. Kung may tinatago si Cynthia, meron ding tinatago itong si Bernard... pero mas maraming alam at tinatago si Nathalie.

Pagka alis ni Cynthia, tumitig ng masama si Bernard kay Nathalie, at umalis na lang din ito at pumasok kung saan ang kanyang asawa.


-----------------------------------------------------------------------------

Thanks for reading my story, and don't be afraid to vote or write a comment. I truly appreciate it. Thank you. ^_^

You can now proceed to the next Chapter. :)

The End of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon