The End of Us - Chapter 28

572 6 0
                                    

Gabi na at madilim nung may biglang kumatok sa pintuan ng bahay nina Bernard at Cynthia.

"Sandali!" Sigaw ni Cynthia.

Habang naglalakad ito papuntang pintuan, may binubulong siya sa kanyang sarili. "Ano ba yan... gabi na nangangapit bahay pa."

Pagbukas niya nung pintuan... "Ano ba yun--" napahinto siya at natulala sa gulat.

"K-kuya?" Sabi ni Cynthia.

"Cynthia... kamusta na?" Tanong ni Alan, na may ngiting hindi mo maintindihan kung seryoso o hindi.

"Kuya, anong ginagawa mo dito? Diba linggo pa ang dating mo?" Kabadong tanong ni Cynthia.

At kahit hindi pa siya pinapatuloy ni Cynthia, agad na siyang pumasok.

Pagpasok ni Alan, tumitingin tingin siya sa paligid dahil may mga pinagbago ang bahay habang may bitbit siyang dalawang bagahe at isang backpack na naka sukbit pa sa likod niya. Sa kabilang palad, si Cynthia ay nanginginig sa takot.

"K-kuya... tulungan na kita." Sabi ni Cynthia habang hinihila niya yung ibang gamit ni Alan.

"Si Bernard at Nathalie?" Biglang tanong ni Alan.

"Si Bernard?" Tanong ni Cynthia na halatang kinakabahan ito. "Bernard!" Sigaw ni Cynthia. Maya maya pa lumitaw na si Bernard, at nagulat din ito dahil nakita niya si Alan na naka tayo na sa sala. Hindi lang yun, mas lumaki ang katawan niya na parang nanliliit si Bernard... at mukhang kayang kaya niyang patumbahin ang kahit sino.

"K-k-kuya Alan?" Nauutal na sabi ni Bernard. "Biyernes pa lang ah. Napa aga ka yata ng dating?" Tanong nito.

"Oo eh. Gusto ko kasi kayong sorpresahin. Lalo na si Nathalie. Nasaan ba siya?"

Hindi maka sagot ang mag asawa.

"Kumain ka na ba kuya?" Biglang tanong ni Cynthia.

"Kanina."

"Nagluto ako ng tinola. Baka gusto mo ulit kumain?"

"Sige. Kumain na ba kayo?"

"Oo kuya. Kakakain lang namin."

"Si Nathalie?"

Ito nanaman sila, mga hindi maka sagot.

"May nangyari ba? Asan ang anak ko?"

"Kuya... kasi..." Sabi ni Cynthia.

Hinubad ni Alan ang bag na naka sukbit sa likod niya at naging seryoso ito.

"Cynthia, asan ang anak ko?" Alalang tanong ni Alan.

"Lumayas siya, kuya."

"Huh? San na siya nagpunta?"

"Hindi namin alam, kuya."

"Bakit lumayas si Nathalie? Ano bang nangyari?"

Tumingin si Cynthia kay Bernard, at hindi ito maka sagot.

"Bernard?" Sabi ni Alan.

Lumapit si Alan kay Bernard at hinila ang damit niya.

"Magsalita ka Bernard? May kinalaman ka sa pag layas ng anak ko? Anong ginawa mo sa kanya?"

"Kuya, sandali. Mag papaliwanag ako." Sabi ni Bernard.

The End of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon