The End of Us - Chapter 3

936 25 0
                                    

Inabutan na ng gabi si Julien sa condo ni Alex, dahil nag usap pa sila ng matagal habang umiinom ng beer sa lata. Pagtapos nun, hindi sila nag lasing kundi umuwi na lang agad si Julien at nagpa salamat si Alex sa kanya dahil mabilis niyang nahanap ang binilin sa kanyang hanapin si Nathalie Anne Cortez.

10:00 na ng gabi at lumabas saglit si Alex ng kanyang condo at naglakad lakad ng konti malapit sa grocery store kung saan niya huling nakita ang babaeng pinaniniwalaan niyang si Nathalie.

Habang nagmumuni muni si Alex, hindi niya namalayan na malayo layo na rin pala ang narating niya. Napansin niyang sarado na rin ang store habang naka upo siya sa hagdan nito sa harapan ng entrance.

Hindi siya mapakali, kaya agad siyang tumayo at may sinilip sa kanyang cellphone. 10:43 p.m. na.

Paglagay niya ng cellphone sa bulsa ng jacket niya. Inangat niya ang kanyang ulo at tumingin tingin sa kanyang paligid hanggang sa... "Nathalie?" Tanong ni Alex sa sarili niya habang naka tingin sa babaeng naka sandal sa isang kotse.

Itong si Alex, hindi na nagdalawang isip na lapitan ito.

"Nathalie." Tawag ni Alex.

Napa lingon sa kanya ito, at siya nga ang babaeng hinahanap ni Alex.

"Teka sandali!" Sabi ni Alex dahil tatakbo nanaman ito palayo sa kanya, pero naabutan niya at nahawakan niya sa isang braso ito.

"Bitawan mo 'ko!" Sabi nung babae.

"Nathalie... alam ko ikaw si Nathalie."

"Hindi ko kilala yung sinasabi mo..."

"Nathalie Anne Cortez." Sabi ni Alex na nagpahinto sa babae na kumakawala sa mga kamay niya.

Napa tingin lang ito sa kanya ng medyo ilang, pero parang may sinasabi ang mga mata niyang namumugto.

"Ako 'to... si Alexander Buencamino."

"Ayoko na--" Sabi nung babae, pero napahinto siya nung hawakan siya ulit ni Alex sa magkabilang braso.

"I'm sorry..." Sabi ni Alex habang nakatingin ng diretso sa kanya. "I'm sorry sa lahat." Dagdag pa nito.

"Hindi nga ako si Nathalie."

"Alam kong natatakot ka. Alam kong galit ka sakin pagtapos ng mga ginawa ko sayo noon."

"Uuwi na 'ko..."

"Hindi... hindi ka uuwi hangga't hindi ka umaamin na ikaw nga si Nathalie."

"Hindi nga ako yun eh!"

Pagka sigaw nung babae, biglang may tumawag sa kanya na nasa likod lang nito.

"Nathalie!"

Huminto sa paggalaw yung babae at ganun din si Alex.

"Hoy Nathalie! May customer ka na!" Sigaw sa kanya ng isang babae na ang kapal ng make-up kahit na hindi naman ito kita sa dilim. May mga kasamang babae ang babaeng tumawag sa kanya, habang hindi napuna agad ni Alex na... iba ang suot nitong babaeng hawak niya ngayon. Naka pula siya na isang fitted dress at naka high heels ito na medyo makapal din ang make-up.

Tinignan siya ni Alex ulo hanggang paa.

"Nathalie. Ikaw nga si Nathalie."

The End of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon