The End of Us - Chapter 12

600 8 0
                                    

Dear Diary,

Simula nung naging mag partner kami ni Alex, siya lang ang lalaking nagbukas ng pintuan para sakin. May taga print na rin ng mga scripts kasi sinabi ko na wala kaming computer at printer sa bahay. Nalaman ko rin lately na mayaman pala sila. Pero bakit nag-aaral siya sa mumurahing school? Anyway, hindi naman na importante yun, ang importante ay... masaya 'kong kasama siya.

Dear Diary,

IN LOVE NA'KO!!! Ewan ko... pero mababaliw na ata 'ko. Kanina lang kasi, hinawakan ni Alex yung kamay ko nung nagpapractice kami. Dati lang wala akong paki sa kanya, pero ngayong madalas kaming nagkakasama, parang humihinto yung tibok ng puso ko. Cheesy na kung cheesy, pero yun talaga yung nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko siya. Minsan pag kausap ko siya, alam kong nakikita niya na hindi ako makapag salita ng maayos dahil naiilang ako. Ni hindi ko nga siya matitigan ng diretso sa mata eh. Hindi ko rin akalain na magkaka gusto ako sa kanya, kahit kaibigan niya yung mga sira ulo dun. Siguro yun ay dahil... iba siya sa kanila, mas mabait siya, gentleman, matalino... at malamang... mas gwapo.

Ilan lang ito sa mga sulat ni Nathalie sa kanyang diary na tinatago tago niya, pero may makakabasa lang din pala. Sa dinami rami ng pwedeng makabasa, yung mga tao pa sa eskwelahan niya, yung mga taong malupit sa kanya.

Nung araw na napansin niyang may butas ang kanyang bag, nalaglag ito ng di oras dahil sa kakamadali niya. Hindi niya tuloy namalayan na may gamit siyang naiwan. Simula din nung nawala ang kanyang diary, hindi na niya alam kung saan iyon napunta or namalik mata ba siyang andun yun sa bag niya nung huling chinek niya ito.

Ang totoo niyan, matapos siyang pagkaisahan sa school... nung akala niyang wala nang tao at nung nalaglag ang kanyang gamit dahil butas pala ang kanyang bag... ito ay sinadya ng kung sino man, ang butasin ito sa ilalaim. Samantala, hindi niya napansin ang kanyang diary sa sahig dahil nagmamadali nga siyang makaalis ng school bago pa siya makita ng iba. Pero ang totoo niyan, may isang tao ang nagbabantay sa kanya nung araw na yun.

Kung sino man ang nasa isip niyo... maaaring tama kayo.

Si Alex.

Tinitignan niya si Nathalie habang nasa malayo ito na nagmamadali habang medyo lumuluha. Nung naka alis na ng tuluyan si Nathalie, may napansin si Alex na nasa sahig kaya naman agad niya itong nilapitan.

Naiwan nga ni Nathalie ang kanyang diary, kaya pinulot ito ni Alex agad at tinago sa ilalim ng jacket niya.

Simula ng mapulot niya iyon, nagiguilty siya dahil paulit ulit niya itong binabasa na parang isang libro. Gusto rin kasi niya malaman kung totoo ba ang sinasabi ng mga tao tungkol kay Nathalie, na kung may gusto nga siya talaga sa kanya. At totoo nga... kaya nung nabasa niya yun, nalulungkot siya na medyo napapa ngiti. Dahil sa mga sulat ni Nathalie, parang nakikilala niya na ito ng konti.

Nung mga araw na balak na niya itong ibalik kay Nathalie at sabihin ang totoo, dun naman hindi na siya biglang nagpakita sa school. Hindi na niya alam kung saan ito hahagilapin. Wala ding address na nakalagay sa diary niya para mapuntahan man lang.

Nung araw din na nakita nila ang isa't isa sa mall na naka uniform si Nathalie, halata niya na nasaktan ito dahil magka hawak sila ng kamay ni Maya. May gusto siyang sabihin kay Nathalie nung araw na yun, at yun ay tungkol sa kanyang diary na napulot niya.

Kaya simula nung hindi na siya nagpapakita sa school, araw araw 'yon dala ni Alex sa kanyang bag in case na bumalik na si Nathalie. Nag practice na rin siya kung ano ang sasabihin niya dito pag iaabot na niya, pero sa tuwing gusto na niya itong ibalik, maraming humahadlang. Pero hindi siya nawawalan ng pag-asa. Dahil lagi itong bitbit ni Alex, naisipan niya ang dumiretso ng library para basahin pa ng basahin ang diary ni Nathalie kahit alam niyang mali ito. Kahit na nagi-guilty siya, patuloy pa rin siya sa pag-basa. Nung natapos na niya lahat basahin, binuklat niya ito ulit pabalik simula sa umpisa, at may napansing may naka tiklop na pahina kung saan hindi niya ito napansin nung una at mukhang hindi pa ito nagagalaw. Sa sobrang curious niya, pati yun hindi niya pinalampas. At sa kanyang pagbuklat, may nabasa siyang ikinagulat niya pa lalo.

Dear Diary,

Oo sige na, cheesy na ang tawag ko sayo. Pero ikaw lang ang meron ako, ikaw lang ang nakaka usap ko kahit hindi ka nagsasalita at gusto kong malaman mo na mahirap ang kalagayan ko. Kahit na wala kang isip, alam kong naiintindihan mo 'ko. Alam ko rin na hindi mo sasabihin ang mga sikreto ko sa buhay.

Isa sa mga sikreto ko ay si Tito Bernard. Pag wala si Tita Cynthia, lagi siyang nasa kwarto ko, buti na nga lang, madalas nang nasa bahay si Tita kahit sinisigawan at sinasaktan niya 'ko. Wala akong mapagsabihan ng mga ginagawa nila saakin lalo na yung ginagawa sakin ni Tito Bernard (kahit sa mga teachers, kahit pa kay Ms. Torres). Feeling ko kasi, lahat ay kasalanan ko, feeling ko pag sinabi ko sa kanila, malalaman ng buong school... alam mo naman dun. Kasalanan ko ba talaga? Kasi hindi ko alam kung saan ako lulugar sa mundo. Sana lang talaga, tigilan na nila 'ko.

Pagkatapos mabasa iyon ni Alex, nagulat siya dahil biglang nawala sa harapan niya ang diary ni Nathalie. Pag angat niya ng kanyang ulo, si Vernon pala iyon.

"Ano 'to?" Tanong ni Vernon kay Alex habang binabasa ang pahinang 'yon. "Wow... walang taste yung tito ni Nathalie." Sabi niya.

"Akin na 'yan, Vernon." Sabi ni Alex habang kitang kita sa kanya na hindi siya natutuwa.

"Alam na this." Sabi ni Vernon at ibinalik na din agad ang diary ni Nathalie matapos niya rin itong basahin. Bumulong siya kay Alex. "Alam mo ba kung saan nakatira si Nathalie?"

Umiling si Alex habang hinahawakan na niya ng maige ang diary ni Nathalie.

"Why oh why my friend?"

"Hindi ko nga alam."

"Okay fine... pero pag nahanap natin siya. Baka pwede namang maka usap."

"Hindi ko alam... sige na... mauna na 'ko, may klase na maya maya."

Pagka alis ni Alex, napa iling lang si Vernon at napa ngiti.

Ito ay nangyari bago nila planuhin ang kawawain si Nathalie sa isang madilim na lugar. Ito rin ang mga naging puno't dulo ng lahat, kung bakit hindi sila matahimik. Lalo na ang babaeng pinagkakaisahan ng marami.


--------------------------------------------------------------------

Thanks for reading my story, and don't be afraid to vote or write a comment. I truly appreciate it. Thank you. ^_^

You can now proceed to the next Chapter. :)

The End of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon