The End of Us - Chapter 14

622 10 0
                                    

Nung gabing inabuso si Nathalie sa isang madilim na lugar nina Vernon at Brent, kinalimutan niya nang nakilala niya si Alex kahit na hindi siya nahawakan nito nung gabing nag durusa siya. Ilang ulit siyang humingi ng tulong kay Alex, pero wala itong ginawa, ni hindi rin siya matignan nito. At dahil hindi kinaya ni Alex ang kanyang naririnig at nasasaksihan, lumabas na lang siya ng kotse at naglakad palayo. Tumayo si Alex malapit sa poste na may liwanag at natantong pang habang buhay na siyang babangungutin sa kanilang pinag gagawa kay Nathalie. Isang bangungot na kahit kailan hindi na niya kayang gumising pa. Nung mga gabing 'yon, alam na rin niya sa kanyang sarili na malaking kasalanan ang nangyayari kahit na hindi siya kasali sa panggagahasa kay Nathalie. Kung sa tutuosin, mga bata pa sila, pero bakit naisip itong gawin ng munting isip nila?

Hindi mapakali si Alex hangga't alam niyang andun pa si Nathalie sa loob ng kotse kasama ng dalawa niyang kaibigan. Sa sobrang pag iisip niya, para na siyang sasabog sa kanyang nararamdaman... kaya hindi na niya napigilan ang umiyak. Hindi niya maintindihan ang kanyang nararamdaman kung bakit siya lubos na nasasaktan para kay Nathalie.

Mga ilang minuto pa ang lumipas, habang umiiyak siya, bigla niyang narinig ang pintuan ng kotse na bumukas at nagtago siya sa isang pader habang sinusubaybayan sila.

Nakita ni Alex na unang lumabas si Vernon at pangalawa naman si Brent habang hila hila na niya sa isang braso si Nathalie palabas ng kotse at sabay tinulak ito palayo.

"Umuwi ka na... uwi!" Sigaw ni Brent kay Nathalie habang tinutulak niya ito.

Sa pagod ni Nathalie, ni hindi na niya kayang maglabas pa ng luha kahit na sakit na sakit na siya sa mga nangyayari sa kanyang buhay. Naubos na ang kanyang luha nung gabing yun dahil mukhang nailabas niya na lahat ito sa makaawa na tigilan na siya. Habang nakikita naman ni Alex na palayo na si Nathalie, napansin niyang medyo naka angat pa ng konti ang kanyang palda sa likod. Naawa siya nung nakita niya ang itsura ni Nathalie, pero kung may ginawa sana siya para sa kanya, edi sana, hindi nangyari ang lahat ng ito... at malamang, wala siyang alaala ng mapapait na nakaraan.

Pag uwi ni Nathalie sa bahay ng kanyang adviser na si Ms. Torres, siya ay tulala pero alam niya ang kanyang gagawin. Dumiretso siya sa isang kwarto na tinutulugan nilang dalawa ni Ms. Torres at dahan dahan itong naglakad papunta dun para kunin ang kanyang mga gamit na nasa isang maliit na bag. Pagka kuha niya nito, tinupi niya ng maayos ang banig na hinigaan niya sa sahig. Pagtapos nun, lumakad siya sa pintuan ng kwarto at lumingon kay Ms. Torres sa huling pagkakataon na natutulog ng mahimbing sa kama... at ayaw na din niyang gisingin si Ms. Torres para mag sumbong. Kaya hinayaan na lang din ito ni Nathalie, dahil ayaw na niyang malaman ni Ms. Torres ang nangyari.

Sa ginawa nila sa kanya, sa isip isip niya nung mga panahong iyon, sana pinatay na lang din siya ng mga walang awa sa kanya.

Ang pader na naghahati ng mundo nilang dalawa, sa kabila nun, hindi mapigilan ni Nathalie ang maluha sa tuwing naaalala niya ang lahat ng mga ginawa sa kanya ng mga tao. Mas lalo pa niyang naaalala ang lahat nung nahawakan na niya ulit ang kanyang diary na nakay Alex lang pala. Gusto niyang tanungin si Alex kung bakit nag bulag bulagan siya sa mga nakikita niya, kung bakit hindi siya nagawang ipagtanggol nito dati, bakit ngayon lang niya narealize ang kanyang mali, at kung bakit wala siyang ginawa noon at naging duwag sa mga maaaring pagsubok na haharapin niya. Higit sa lahat, ano ang totoo? Nais rin niyang ipaalam kay Alex na ubod siyang nasasaktan sa tuwing may naaalala siyang hindi maganda na nangyari sa kanya. Since ngayon alam na ni Alex na nasaktan niya si Nathalie, oras na rin para ipaalam niya ang gusto pa niyang ipaalam kay Alex.

Alam din ni Nathalie na mali ang kanyang pinaplano... ang maka ganti man lang kay Alex. Pero sinabi niya na napatawad na niya ito dati pa. Ang tanong... totoo nga ba?

The End of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon