The End of Us - Chapter 30

693 8 0
                                    

Before you embark on a journey of revenge, dig two graves.

- Confucious

Natapos ang gabi na nauwi lang ang reunion sa isang malaking trahedya. Samantala, tumawag ng ambulansya at pulis ang mga security na hindi naka saksi sa pangyayari, at higit sa lahat, huli na ng malaman nilang may mga nadawit sa party na 'to.

Sa kabilang palad, naka labas na si Maya matapos niyang masaksihan ang buong pangyayari. Iniwan niya sina Alex at Nathalie na nasa sahig dahil hinila na siya ni Diana sa balikat para lumabas. Tulala pa rin siya habang nasa mabuting kamay na siya ng kanyang mga kamag anak na alalang alala matapos nilang marinig ito sa balita kahit hindi nakuhanan ang buong pangyayari sa loob. Ang narinig lang nila sa balita ay merong isang babae ang nagtatangkang pumatay sa mga tao sa isang reunion na ginaganap sa Carson Hotel. Sa alala nila, agad silang nag tungo kung saan naganap ang trahedya na hindi inaasahan ng lahat. Pagdating sa hotel, dun lang nila nalaman na may dalawa siyang pinatay kung saan dun na nagtatapos ang lahat.

Yun nga lang, hindi matanggap ng mga kaanak ang nangyari kay Vernon, siyempre; pero nung oras na nalaman nila ang rason kung bakit pinatay si Vernon, wala na silang nasabi na tila ba parang ang paghihiganti ay isang natural na bagay kahit na ang paghihiganting ginawa ay ang pumatay.

May mga pulis na sa labas kung saan hinalughog nila ang hotel kung saan ginanap ang reunion para hanapin at hulihin si Nathalie. Ngunit, pumalpak sila dahil hindi nila agad naharangan ang lahat ng pwedeng labasan ng suspek, dahil nung hinahanap nila si Nathalie, di nila ito makita pati na rin si Alex na huling kasama niya.

"Mag masid kayo ng maige, baka nasa labas lang yun, tumatakas." Sabi ng isang pulis sa kasamahan niyang pulis din.

Tama siya, nasa labas lang sila kanina at naka takas na.

Nung kumonti ang tao sa paligid nila, habang yakap yakap ni Alex si Nathalie sa sahig, bumulong siya dito na itatakas daw niya si Nathalie, kahit na mali ang kanilang gagawin. Pero bago pa yun, may isang lalaki ang humawak sa balikat ni Alex. Paglingon niya, isang lalaki na naka sumbrero, matangkad at may manipis na bigote.

"Anak ko siya." Sabi ng lalaki.

Pero hindi naniniwala si Alex kaya hindi niya mabitaw-bitawan si Nathalie. Hanggang sa nag hubad ng sumbrero ang lalaki at umupo para magpakilala kay Nathalie. Nagulat ito, "papa?" Iyak ni Nathalie habang si Alex ay nagugulat din at mas lalo pang naguguluhan.

Namumukhaan ni Nathalie ang kanyang ama kahit pa na matagal na panahon na silang di nagkikita. At pagtapos nilang magkita, yumakap si Nathalie sa kanyang ama habang nasa sahig pa siya.

"Halika na. Lumabas na tayo dito. May mga parating nang pulis." Bulong ni Alan.

"Hayaan mong hulihin na lang nila 'ko. Pumatay ako. Pumatay ako." Sabi ni Nathalie na parang mababaliw siya sa nagawa niya.

"Hindi. Hindi ka magpapahuli. Tama lang ang ginawa mo."

Sa sinabi ni Alan, huminto sa pag iyak si Nathalie at napa tingin sa kanyang ama habang pinupunasan ang kanyang luha. Si Alex naman ay ganun din, napa tingin lang sa sinabi ni Alan sa kanyang anak.

"Sino ka?" Biglang tanong ni Alan kay Alex.

"B-boyfriend po niya 'ko." Sagot ni Alex habang may mga tingin siya na parang litong lito pa rin.

Maya maya pa, tumayo na sila sa sahig at lumingon lingon sa paligid bago tuluyang maka takas ang mag ama kasama si Alex.

Kung nagpakita si Alex sa labas at dumiretso sa kotse niya, malamang hinahanap na sa kanya ngayon si Nathalie, kaya buti na lang din na sumama siya sa pagtakas ng mag ama. Sumakay sila sa kotseng dala ng kaibigan ni Alan na tinawagan niya para humanap kay Nathalie na si Selmo. Pano niya nahanap ito? Simple lang, mga kasabwat na pulis. At oo, totoong nangyayari ang mga bagay na yun.

The End of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon