The End of Us - Chapter 5

859 14 0
                                    

Pinatulog niya si Nathalie sa kanyang sofa, habang siya ay nasa kwarto. Paggising niya nung umaga, nakita niya itong natutulog pa rin na mukhang dito pa lang siya nakatulog ng maayos simula nung tumira siya sa tito at tita niya. Hindi rin niya maimagine kung pano siya tratuhin na parang isang hayop lalo na nung tito nito; as if na hindi nga niya maimagine ang lahat. Nanggigigil si Alex pag naiisip niya yun, kahit na maling mali talaga ang nagawa niya kay Nathalie noon, hindi naman niya kayang gumawa ng ganung bagay sa kanya.

Naka kumot si Nathalie dahil binigyan niya ito kagabi bago sila matulog. Yun nga lang, hindi pa siya nakakapag palit ng damit niya dahil wala namang damit na pambabae si Alex. Gusto man niya pahiramin ng panlalaking damit si Nathalie, nahihiya siya kaya hinayaan na lang niya matulog ito ng hindi nagpapalit ng damit.

Dumiretso siya sa kanyang kusina at hindi niya mapigilan ang wag tumingin kay Nathalie habang natutulog ito. Napapa isip siya ulit kung ibabalik pa ba niya si Nathalie kung saan sila nagkita kagabi.

Pero nangako na siya dito na ilalayo na niya si Nathalie sa mga mapang abuso niyang tito at tita. Malamang hindi rin niya mawari kung ano na lang ang mangyayari sa kanya kapag hinayaan niya si Nathalie na bumalik doon sa kanila.

Awang awa siya, sising sisi rin siya sa mga nagawa niya noon.

Naging duwag siya noon kaya mas pinili niya ang kanyang mga kaibigan imbis na gawin ang alam niyang tama. At sa kagustuhan niyang maka bawi talaga, paninindigan na niya talaga ang pag tulong kay Nathalie, at wala na siyang pakielam kung ano man ang maaaring gulo na papasukin niya ulit.

Sa kusina, hindi marunong mag luto si Alex kaya hindi niya alam kung pano pag sisilbihan si Nathalie. Kaya eto nanaman ang taranta niya, hanggang sa hindi niya namamalayan na gising na pala ito at nasa likod lang niya.

"Aray." Sabi ni Alex dahil nahiwa siya ng kutsilyo dahil tinatry niyang mag hiwa ng sibuyas.

"Kailangan mo ng tulong?" Tanong ni Nathalie kaya nagulat si Alex.

"Okay lang ako."

Pero hindi naniwala si Nathalie na ayos lang siya, kaya lumapit ito malapit sa lababo at kumuha ng tissue at inabot kay Alex.

"Thanks." Sabi ni Alex pagtanggap niya nung tissue.

At habang pinipigilan niya ang dugo sa kanyang daliri, umupo muna siya sa upuan habang pinapanood ang bawat galaw ni Nathalie. Siya na kasi ang nag tuloy sa pag pe-prepare ng almusal. Halatang sanay na siya sa mga gawaing bahay, at humahanga na sa kanya si Alex tuloy. Hindi rin napapansin ni Nathalie na nakatingin lang sa kanya si Alex habang mukhang alam na niya ang kanyang gagawin sa kusinang unang salpak pa lang niya.

Sa hiya ni Alex, nag alok siya na magpa deliver na lang ng pagkain sa condo niya, pero tumanggi si Nathalie para tipid daw sa gastusin. Nakikita naman daw niya na kompleto siya sa mga kagamitan at sangkap sa pagluluto. May bigas siya pero hindi pa niya nagagalaw 'yon, yung tray ng itlog niya ay siguradong bugok na, may coffee maker rin siya, may toaster, microwave, oven, at automatic dishwasher. Pati yung kalan ni Alex, walang pihitan, kundi pindutan na parang touch screen na ito. Mas madaling kontrolin ang init dahil wala itong apoy at hindi nasusunog ang niluluto.

Pinag aralan ni Nathalie ang lahat kahit na hiyang hiya si Alex sa kanya. Gumawa na lang siya ng paraan para hindi masayang ang mga sangkap ni Alex sa pagluluto. Samantala, nakahanap siya ng tasty sa isang cabinet ng kusina ni Alex at nag toast siya ng tama lang, nag prito siya ng dalawang itlog at nag timpla ng kape. Pagtapos niyang maghanda ng almusal, nilapag niya ito sa mesa habang hindi maka paniwala si Alex dahil, hindi pa pala tapos si Nathalie at ang galing niyang mag multi task. Nakita rin niya ang box ng pancake sa isa pang cabinet at gumawa siya ng dalawa.

Pagtapos ng lahat, nakalapag na lahat ng almusal sa lamesa at ready nang kumain si Alex. Pero... mukhang hindi siya sasabayan ni Nathalie, kaya tinignan niya si Nathalie na parang nagtatanong ang tingin niya dito.

"Kailangan ko nang umuwi." Sabi ni Nathalie.

"Teka, sandali... sabi mo ilayo kita sa kanila? Bakit uuwi ka na?"

"Kasi... baka madamay ka pa."

"Hindi naman nila alam kung saan ako nakatira."

"Sorry, pero narealize ko na baka mapano ka pa ng dahil sakin. Hindi mo kilala ang tito at tita ko. Lalo na si Tito."

"Pero sinasaktan ka nila, lalo na yung tito mo na--" Napahinto si Alex dahil nakita niya si Nathalie na naiiyak na.

"I'm sorry." Sabi niya, "Sige, kung yan ang gusto mo. Pero andito lang ako pag kailangan mo ng tulong. At bago ka sana umalis, sabayan mo muna 'ko sa pag kain?"

Tumahan sa pag iyak si Nathalie, at tumango siya.

Pagtapos nilang kumain, tinawagan ni Alex si Julien para pumunta sa kanyang condo at binibilin na dalhin ang isa pa niyang kotse na naka park sa parking lot ng kompanya nila. Pagdating ni Julien sa condo ni Alex, sinabi niyang pinark na niya iyon sa parking lot ng condo.

Samantala, pagpasok ni Julien sa loob ng bahay ni Alex, nagulat siyang may babaeng umiinom ng tubig sa kusina at maganda ito. Medyo nanlaki ang mga mata niya, dahil ngayon lang niya nakita ang babaeng 'to. Pero ang hindi niya alam, ito pala yung babaeng binilin sa kanya ng kanyang boss kahapon lang.

Nagka titigan sila ni Nathalie at nginitian niya ito, pero bigla siyang nahiya at tumalikod. Ang buong akala lang kasi niya ay, babaeng inuwi ng boss niya, or bagong girlfriend, ka one-night stand. Tama, inuwi nga ng boss niya, pero may isang malaking pader ang naka harang sa kanila simula pa nung high school sila. Gusto man niyang magtanong sa kanyang boss kung sino siya, pero mas pinili na lang niya ang tumahimik dahil mukhang seryoso si Alex.

Pero nagulat siya ng biglang nagsalita ang kanyang boss, "Julien, I know what you're thinking." Sabi ni Alex habang nakatingin lang si Julien kay Nathalie na nagliligpit ng pinagkainan nila sa kusina.

Napatingin siya kay Alex.

"S-sir?"

"She's Nathalie Anne Cortez." Sabi ni Alex habang may smirk sa kanyang ngiti at kinindatan niya si Julien.

Siya pala si Nathalie Anne Cortez. I wonder why he's looking for her. Sabi ni Julien sa isip niya.

"Oh, I see. Ito na po pala yung susi ng kotse niyo." Sabi ni Julien.

Kinuha ni Alex ang susi at nilapag niya sa isang lamesa at biglang tinawag si Nathalie para ipakilala sa kanya si Julien na kanyang pinagkaka tiwalaang journalist na gagawin ang lahat para sa kanya.

Nginitian lang ni Nathalie si Julien at bumalik na sa kanyang gawain.

Paglabas ni Julien ng condo ni Alex, nag usap sila sa labas at nilinaw ng kanyang boss na wala silang ginagawang masama at panibagong buhay nanaman ito para sa kanilang dalawa lalo na sa kanya, ang magsimula ulit at ang maging mag kaibigan.

Tumango lang si Julien at nagpa salamat sa kanyang boss.

"Ako dapat ang mag thank you sayo. Kung wala ka, pano na 'ko."

"Trabaho ko naman po yun, sir. At kahit ano pang ipagawa niyo sakin, gagawin ko."

"Salamat. You're the best, Julien." Sabi ni Alex.

Tumango si Julien at ngumiti, "sige po, mauna na 'ko."


------------------------------------------------------------------

Thanks for reading my story, and don't be afraid to vote or write a comment. I truly appreciate it. Thank you. ^_^

You can now proceed to the next Chapter. :)

The End of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon