The End of Us - Chapter 23

528 7 0
                                    

"Sinabing hindi nga ako ang naglabas nun." Sabi ni Julien na nasa loob ng kotse.

"Umamin ka na... wag mo nang pinagtatakpan yang sarili mo at yang boss mo." Sabi ni Vernon.

"Kahit ano pang gawin niyo sakin, wala akong dapat aminin sa inyo. Hindi ko nga kayo kilala pati yung babae na tinutukoy niyo eh." Ang babaeng tinutukoy nina Vernon at Brent ay si Nathalie. Nabanggit din nila ang pangalan na yun kay Julien, at ang hindi nila alam, pinahanap ito ni Alex sa kanya at nakilala na niya ng personal. Samantala, nag lihim si Julien kina Vernon at Brent, dahil alam niyang malalagot na siya, ang boss niya, at siyempre pati na rin si Nathalie. Kung sakaling aaminin man niya ang totoo na may kilala siyang Nathalie, baka ito na ang katapusan ng career niya. Pero kaya ba siyang sibakin sa pwesto ni Alex?

"Wag mo na kami gawing tanga. Boss mo si Alex, malamang may alam ka tungkol saamin tsaka sa babaeng yun." Sabi ni Vernon.

Ito naman si Brent ay medyo kabado sa ginagawa nila.

"Wala nga 'kong alam sa inyo tsaka sa babaeng yun." Sabi ni Julien.

"Alam mo, Julien Hernandez." Sabi ni Vernon habang may kinukuha sa likod ng pantalon niya, at sabay naglabas ng baril at tinutok kay Julien.

Nagulat ito pati na rin ang kasama ni Vernon na si Brent.

"Umamin ka na, walang masasaktan." Sabi ni Vernon.

"Vernon, anong ginawa mo?" Tanong ni Brent.

"Bakit? Natatakot ka? Kung hindi aamin ang langgam na 'to, alam na." Sagot ni Vernon.

"Wala naman 'to sa plano natin ah. Bakit may dala kang baril? Ano nang gagawin mo? Papatay ka ng tao?"

"Gusto mong masira ang buhay mo ng dahil dun sa article na yun?"

"Di bale na..." Sabi ni Brent. "Basta hindi ako papatay ng tao, Vernon. Hindi ka ba natatakot sa gagawin mo?"

"Una sa lahat, tayong dalawa ang nag plano nito. Kaya ano pang kinakatakot mo diyan?"

"Wala tayong napag usapan na papatay tayo kung sakaling siya nga ang may gawa nun. Ang buong akala ko, kakausapin lang natin siya, tatakutin para umamin at tanggalin ang article na yun. E pano kung wala nga siya talagang alam? Pano na kung napatay mo siya ng walang alam? Sige nga, Vernon?"

Napa isip din si Vernon dun, kaya dahan dahan niyang binaba ang baril na naka tutok kay Julien.

Pagkababa ng baril, humarap si Vernon sa manibela ng kotse at may napansin sa side mirror na dalawang bata, isang babae at isang lalaki na naka uniform at papasok na ng eskwelahan.

"Kung sakaling isa sa mga kapatid mo ang tutukan ko ng baril... aamin ka kaya?" Tanong ni Vernon habang naka tingin sa side mirror ng kotse niya.

Nagulat si Brent sa klase ng tanong ni Vernon, at mas lalo na si Julien.

"Kung kinakailangang idamay ang mahal sa buhay... then I'll do it." Dagdag ni Vernon.

Napalingon ng seryoso sa kanya si Brent, at parang natatakot na rin siya dito.

"Vernon... wag." Bulong ni Brent.

"Kung gago ang kuya nila... mas gago ako." Sabi ni Vernon.

"Please wag... wag mong idamay ang pamilya ko. Lalo na yung mga kapatid ko." Makaawa ni Julien. "Wala naman talaga 'kong alam dun eh. Tsaka isa pa, kahit kailan... hindi ako gumamit ng username sa isang totoong balita." Matapang si Julien, kaya nga ang lakas ng loob niya para maglagay ng totoong impormasyon pati yung buong pangalan niya, kahit pa na, ang trabaho niya ay buwis buhay.

Nagulat si Vernon at Brent sa sinabi ni Julien, at sabay silang napalingon sa likod ng kotse kung saan naka upo si Julien.

"Not that I know anything about it. Is it true?" Sabi ni Julien. "Sino ba yung ExCONVICT na yun? There's no way na gagamit ako ng ganung username. Mas mabuti pang gamitin ko na lang ang totoo at buong pangalan ko." Dagdag ni Julien.

Sa mga sinasabi ni Julien, nakukumbinse na niya ng paunti-unti ang dalawa, na wala nga siyang alam dun (wala naman talaga). In fact, may clue pa lang naman siya kung sino ang may gawa nun, pero mas maganda kung tatahimik na lang siya.

Matapos ng pananakot sa kanya, binaba na siya nina Vernon sa isang tabi na malayo sa kanyang pinagtatrabahuhan. Malamang late na rin siya, pero meron siyang valid reason kung bakit late na siya sa trabaho.

Nung nawala na yung kotse sa paningin ni Julien, agad niyang kinuha ang kanyang cellphone at nag dial.

"Sir, I have an excuse why I'm late." Sabi ni Julien. "This is really important."


---------------------------------------------------------------

Thanks for reading my story, and don't be afraid to vote or write a comment. I truly appreciate it. Thank you. ^_^

You can now proceed to the next Chapter. :)

The End of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon