The End of Us - The Last Chapter - Part 1

727 9 3
                                    

Kahit ano pang klaseng paghihiganti ang gawin mo para lang maibsan ang sakit na nararamdaman mo; ito ay hindi tama, ito ay hindi ka palalayain kailan man at ito na rin ang maaaring maging katapusan mo. Kung ikaw ay nagbabalak mag higanti sa mga taong nanakit sayo, siguraduhin mong hindi mo sila sasaktan kagaya ng pananakit nila sayo. Kundi, siguraduhin mo na ang tulad nila ang ayaw mo maging. Ang pinaka magandang higanti na hindi makaka sakit sa iba, ay ang higanting walang galit na dumadaloy sa dugo mo.


Ang isang kasabwat nila na pulis ay tahimik sa buong pangyayari, ni hindi niya sinabi kung saan nila iniwan ang mag kasintahan. Ngunit nung bumalik na si Alan at Selmo sa lugar kung saan iniwan nila ang dalawa, hindi na nila ito kasama dahil bumalik siya sa crime scene sa Carson Hotel para hindi halata ang pagtulong niya sa pag takas ng suspek na si Nathalie.

Matapos ang mga masasakit na pangyayari na mga nasaksihan ni Alan, hindi siya makagalaw sa kanyang kinatatayuan habang naka tingin na lang sa wala nang buhay niyang anak na hawak hawak ni Alex sa kanyang mga braso. Samantala, nakita rin niyang lumuluha na si Alex dahil labis itong nasaktan nung makitang wala nang buhay si Nathalie.

Sa kabilang palad, hindi alam ni Alan kung magagalit siya kay Alex o hindi dahil meron siyang mga katanungan dito.

Pero bago pa niya maitanong kay Alex ang buong pangyayari, bigla itong may dinampot sa sahig na malapit sa kanya kung saan naka luhod pa rin siya habang hawak si Nathalie.

"Ibaba mo 'yan." Sabi ni Alan habang naka tutok nanaman ang baril kay Alex. Dahil nakita ulit ni Alan ang hawak na baril ni Alex kanina na ngayo'y hawak nanaman niya. Ngunit, hindi ito para kay Alan. Para ito sa kanyang sarili.

Ngumanga si Alex at pinasok ang dulo ng baril sa bibig niya.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ni Alan kay Alex na hindi naging hadlang sa kanya para tuluyan na niyang tapusin ang kanyang sariling buhay.

*bang!

Nagulat si Alan at si Selmo sa kanilang nakita, ulit.

Bumulagta si Alex sa sahig habang nasa braso pa rin niya si Nathalie. Yun nga lang, wala na rin siyang buhay.

3:00 a.m.

Inabutan na ng umaga si Alan sa lugar kung saan dalawang tao ang nakita niyang namatay. Matapos ang buong pangyayari, si Alan naman ang may hawak kay Nathalie sa sahig habang umiiyak siya sa lungkot. Dahil yung akala niyang pagkakataon na sila ay magkakasama ng masaya, ay mauuwi lang sa isang bangungot. Lahat ng hinangad niya para sa kanyang anak, ay wala na. Naglaho na ito ng parang isang bula at tila ba parang hindi niya alam kung sino ang sisisihin sa nangyari sa kanyang anak. Samantala, di niya maiwasan ang sisihin ang kanyang sarili kung bakit nagka ganito ang naging buhay ni Nathalie. Sana hindi na lang niya iniwan ang anak niya sa kamag-anak niyang walang ginawa kundi ang apihin siya. Sana hindi na lang siya umalis.

Nung pumasok sa isipan ni Alan ang mag asawa na sina Cynthia at Bernard habang naka tingin sa wala nang buhay na si Nathalie, nakaramdam siya ng sobrang galit at pagka lito kung saan hindi niya alam ang kanyang pwedeng gawin sa mag asawa para pagbayarin sa naging buhay ni Nathalie. Dahil kung meron mang dapat sisihin dito, wala nang iba kundi sina Cynthia at Bernard.

"Selmo." Tawag ni Alan sa kaibigan niyang naka sandal sa kotse, at lumapit ito nung pagkatawag sa kanya.

"Alam mo na ang gagawin." Sabi ni Alan.

The End of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon