The End of Us - Chapter 17

625 14 0
                                    

Back to work nanaman si Alex. Iniwan niya si Nathalie sa kanyang condo na hindi alam ang kanyang kalagayan, pero nag-iwan siya ng sulat sa pintuan nito kung sakaling lalabas siya ng kanyang kwarto.

 Nathalie, I'm so sorry sa nangyari. Call me if you need anything. - Alex

Samantala, habang naka upo siya sa kanyang opisina, iba ang nasa isip niya, at wala nang iba kundi si Nathalie. Hindi niya alam kung tatawagan pa ba siya nito o kung umalis na. Ayaw naman niya ng bahala na.

Bakit kaya? Siguro, hindi niya kayang pakawalan si Nathalie hangga't hindi sila nagkaka-ayos. Hindi rin siya galit kay Nathalie kahit na nag wala ito kagabi. Apektadong apektado si Alex sa pinakita ni Nathalie sa kanya, dahil dun lang niya nakitang magalit ito kahit na tahimik at mabait si Nathalie.

Hindi si Nathalie 'yun. Alam kong hindi siya sa Nathalie nung nakita ko siyang nagalit ng ganun. Sabi niya sa kanyang sarili habang nag-iisip ng malalim. Bakit may iba akong nararamdaman? Isip niya ulit.

Sa kakaisip niya, hindi niya agad namalayan na may kumatok sa kanyang pintuan.

"What is it?" Tanong ni Alex sa kanyang sekretarya na si Andrea.

"Sir, you have visitors."

"Sino?"

Umalis si Andrea sa pintuan para papasukin ang mga bisita ni Alex.

Nagulat siya... si Maya at Vernon.

Hindi siya nakapag salita agad, lalo na nung makita niya si Vernon na kasama ni Maya. Matagal na kasi silang hindi nagkita dahil matagal niya na rin itong iniwasan.

"Alex." Sabi ni Maya.

"Can I help you?" Tanong ni Alex na may taka sa kanyang mukha.

"We need to talk to you." Sagot ni Maya.

"If this is about my journalist, then you're probably wasting your time."

Tumingin si Maya kay Vernon bago ito sumagot, at nag buntong hininga.

"High school... merong reunion ang batch nating lahat na gaganapin sa Carson Hotel. We are all required to attend." Sabi ni Maya.

"I'm sorry, but--"

"That's the only way para mapatawad na kita... and your journalist. I didn't mean to say na tanggalin mo siya sa trabaho niya. Alam ko namang work is work. So... what do you say?"

"Marami pa 'kong gagawin. I'm processing a lot of things. Maybe next time na lang." Sa pagkasabi ni Alex ng next time na lang, napa tingin siya kay Vernon na may seryosong tingin sa kanyang mga mata at mukha. Halatang ayaw na niyang makasama ang mga tulad ni Vernon.

"Brent will be there too." Sabi ni Maya.

I don't care. Sa isip isip ni Alex habang nilalagay niya ang dalawa niyang kamay sa magkabilang bulsa ng kanyang pantalon.

"Well, have fun." Sagot ni Alex na walang emosyon.

"Alex, what is wrong with you? Everyone is invited. It's required!" Sabi ni Maya.

"Everyone? Required? Sigurado kang everyone? Alam mo ba ang ibig sabihin ng everyone?"

Nagulat si Maya sa sagot ni Alex, dahil parang may gusto siyang sabihin sa kanila.

The End of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon