The End of Us - Chapter 22

575 7 0
                                    

Gabi na at busying-busy sina Vernon at Brent mag imbestiga kung sino ang gumawa nung article na yun. Si Vernon naman ang taga hanap ng mga maaaring mag trace kung sino yung journalist ni Alex na pinaghihinalaan nilang naglabas ng article laban sa kanilang dalawa ni Brent.

Dumiretso sila sa isang grocery store kung saan hinanap nila ang magazine na pagmamay-ari nina Alex, at naghanap ng pinaka latest magazine nila na andun ang kanyang pinsan na si Maya.

Agad naman nila itong nakita sa rack ng mga magazine malapit sa counter, at dahil kilala ang kompanya nina Alex. Higit sa lahat, front cover nila si Maya ng latest issue nila.

"Ito na yun." Sabi ni Vernon.

"Sigurado ka?"

Nakasarado yung magazine, kaya hindi nila mabuksan ito para silipin.

"Sigurado na 'ko. Tara na."

Binayaran na ito ni Vernon at umalis agad pagkabigay ng sukli sa kanya. Ni hindi na rin niya ito pinabalot, kundi bitbit lang ng isang kamay niya.

Pagsakay nila ng kotse, agad itong binuksan ni Vernon at nilipat lipat ang pahina ng magazine para makita nila agad kung sino ang journalist na pinaghihinalaan nila.

Kakalipat niya ng mabilis, nalagpasan niya yung pahina na kung saan andun ang lahat ng impormasyon tungkol kay Maya.

Nung napansin niya ang litrato ni Maya, binalikan niya yung pahina na yun at nakitang ang pangalan ng nagsulat ng article tungkol kay Maya, ay si Julien Hernandez.

"Para na tayong tumama ng Lotto nito." Sabi ni Vernon na naka ngiti.

Tinignan ni Brent ang magazine at napa ngiti din siya.

Pagtapos nun, nagdrive na ulit si Vernon pabalik ng bahay ni Brent para gumawa ng isang malaking imbestigasyon.

Sa Julien Hernandez ang pinaka trusted journalist ni Alex noon pa man. Ni minsan, hindi niya niloko ang kanyang boss, dahil una sa lahat, mabait si Alex sa kanya, at higit sa lahat... katotohanan at katotohanan lang ang ilalabas nilang impormasyon sa mga tao na nag babasa ng magazine nila.

Graduate si Julien ng Bachelor of Science in Journalism. May honor din siya, magna cum laude. Kaya naman walang pinagsisisihan si Alex pagdating sa kanya; matalino na ito at mapagkakatiwalaan pa.

Samantala, walang kinalaman si Julien sa ginawa ni Alex laban kina Vernon at Brent, at tahimik lang itong gumagawa ng panibagong artikulo.

Ilang beses na rin lumabas sa diyaryo at magazine ang mga sinulat ni Julien, kaya mas lalo pang humahanga si Alex sa kanya. Halos parang mag kaibigan na sila, pero hindi pa rin nawawala ang respeto ni Julien kay Alex. Para kasi sa kanya, isang malaking utang na loob yun, ang tanggapin siya sa trabaho ng isang malaking kompanya.

Bata pa lang si Julien, gustong gusto na niyang magtrabaho sa kompanya ng mga Buencamino. Kaya naman pinag sikapan niya talaga ang makapasok dito nung nakapag tapos na siya ng pag-aaral. May dalawang kapatid siyang sinusuportahan at kasali din sa suporta niya ang kanyang ina. Matagal nang wala ang ama ni Julien, at sa tutuosin, hindi ginawa ni Julien ito para lang sa kanya, kundi para na rin sa kanyang ama na walang ibang pinangarap kundi ang maging isang manunulat o journalist ang kanyang panganay na anak na si Julien.

Napatunayan niya ito sa kanyang pamilya, lalo na sa kanyang ama bago ito mamatay.

Pagtapos ng trabaho niya sa opisina, agad na siyang uuwi sa kanila para ipagpatuloy ang kanyang dapat gawin. Wala nang iba kundi ang mag research at mag sulat ng mag sulat.

Sa sobrang busy niya, halos madaling araw na siya nakakatulog kung saan tulog pa ang kanyang mga kapatid at ina.

Seryosong seryoso si Julien sa kanyang trabaho, at hangga't maaari, iniiwasan niya ang pumalpak sa trabaho.

Alas onse na at gising pa rin ito, habang yung mga kapatid niya ay tulog na.

"Magpapa-abot ka nanaman ba ng madaling araw? Maaga pa pasok mo bukas." Sabi ng nanay ni Julien.

"Okay lang, ma. Sige na, matulog ka na." Sagot naman ni Julien habang hindi siya naka tingin sa nanay niya, kundi sa screen lang ng laptop niya.

Pagkasabi niya nun, hinayaan na lang siya ng kanyang ina sa sala at dumiretso na ng kwarto para matulog.

Mga ilang minuto pa ang naka lipas, nakaramdam na rin ng antok si Julien, kaya natulog na rin ito.

Paggising niya ng umaga, ginawa na niya ang usual na gawain ng isang papasok sa trabaho. Ang maligo, kumain, at ang mag paalam sa kanyang ina at mga kapatid.

Nung naka labas na siya ng bahay, may napansin siyang isang lalaki na naka sandal sa kotse sa pintuan ng driver habang nasa bulsa ang isang kamay nito at may hawak na sigarilyo naman yung isa. Natanto ni Julien na ngayon lang niya ito nakita sa lugar nila, at parang iba ang mga tingin nito sa kanya. Matangkad siya na mukhang galing sa mayaman na pamilya, at hindi lang yun, mukhang spoiled brat din ito sa isip isip ni Julien.

Hindi niya kilala yung lalaki, at kahit na naiilang siya sa mga tingin nito sa kanya, kinakailangan niya pa ring dumaan dun kung saan nandun yung lalaki at yung kotse na sinasandalan niya.

Nung naglakad na siya malapit dun, nakita niya na may isa pang lalaki na naka sakay naman sa loob ng kotse na naka upo sa harapan.

Sino sila? Sa isip isip ni Julien. Pero hindi siya nagpaapekto ng husto sa mga nakikita niya, at binalewala na lang niya ito hanggang sa makalagpas siya sa mga ito.

Nung nakalagpas na siya, medyo nakahinga na siya ng maluwag.

Konting lakad pa niya, bigla siyang may naramdamang kamay sa isang balikat niya, at sa kanyang pag harap... nakita niya na ito yung lalaking naka sandal lang kanina sa kotse.

Nagulat siya, dahil hindi niya alam kung anong kailangan niya.


--------------------------------------------------------------------------

Thanks for reading my story, and don't be afraid to vote or write a comment. I truly appreciate it. Thank you. ^_^

You can now proceed to the next Chapter. :)

The End of UsWhere stories live. Discover now