The End of Us - Chapter 27

566 8 0
                                    

Biyernes (Friday)

Isang eroplano ang nasa himpapawid na akala mo'y pag mamay-ari na niya ang buong mundo sa laki nito, lalo na pag malapitan. Marami ang umuuwi ng Pinas ngayon galing ibang bansa kung saan nag trabaho sila ng matagal doon habang ang mga pamilya nila ay nandito sa Pilipinas, hinihintay ang kanilang pagdating. Maswerte nga yung iba dahil inuuwian pa, pero kawawa naman yung iba na hindi na binalikan kasi meron nang ibang pamilya sa ibang bansa. Masakit isipin na mas pinili nila ang pangalawang pamilyang binuo nila doon, kaysa sa pamilya na iniwan nila dito.

Nung iniwan si Nathalie ng kanyang mga magulang, wala pa siyang muang masyado sa mundo. Pero siguradong natatandaan pa ni Nathalie ang itsura ng tatay niya kaysa sa nanay niya.

Reunion Day – Carson Hotel

Ito na yung araw na hinihintay ng mga taong mahilig mag party na kagaya nina Vernon at Brent at nung iba pa nilang ka-batch. Hindi na sila makapag hintay lahat, dahil may kanya kanya silang pakay kung bakit sila aattend ng reunion at higit sa lahat, everyone is invited nga daw.

Si Maya ang co-organizer ng reunion, at ang main organizer nito ay si Diana, isa sa mga bestfriend niya simula pa nung high school na naging girlfriend ni Vernon, pero wala na sila dati pa. Naunang dumating ang mga nag aarrange nitong okasyon na 'to, at mamayang 7 p.m. naman ang dating nung mga dadalo. Samantala, may nararamdamang kaba si Maya habang nag-aayos siya kasama nang iba pa niyang mga kaibigan, at medyo tulala ito na halos hindi na niya naririnig ang mga pinag-uusapan nila.

"Maya? Are you okay?" Tanong ni Diana, ngunit di siya narinig nito. "Maya." Tawag ulit ni Diana na dun lang niya narinig.

"Huh?"

"I said... are you okay?'

"Yes, I'm okay."

"Parang ang lalim kasi ng iniisip mo."

"Si Vernon at Alex kasi eh."

"Hindi pa ba tapos ang alitan nilang dalawa?"

"Oo eh. Naiinis na nga 'ko, kasi pareho silang hindi nagpapatalo."

"Wow ah. Ibang iba na talaga si Alex ngayon."

"Ibang iba na nga siya... pero nakakainis na."

"Uy... bitter ka? Wag."

"Ako? No! Never. We're friends after the break up. Pero iba na talaga siya ngayon."

"Ano ba kasi naging sanhi ng break up niyo nun? Hindi mo pa sinasabi sakin, o saaming lahat."

Pagkasabi ni Diana nun, hindi alam ni Maya ang isasagot niya, kasi walang nakakaalam ng ginawa nina Vernon, Brent at Alex kay Nathalie. Nagawa niyang ilihim ang dahilan ng pagphihiwalay nila ni Alex, dahil pinagtatakpan pa rin niya ang mga ito, lalo na ang kanyang pinsan.

"Sabi mo di ka naman niya niloko... pero bat nakipag break ka sa kanya?" Tanong ulit ni Diana.

"I just... I just need some space. May pinag-awayan lang kasi kami noon kaya di ko napigilang makipag hiwalay sa kanya." Sabi ni Maya habang naka titig lang sa kanya ng seryoso si Diana at yung iba pang nakikinig sa kanila. "It's for the best." Dagdag ni Maya.

"So, niloko ka niya?" Linaw ni Diana.

"No."

Nagbuntong hininga si Diana at sinabing, "okay fine, hindi na kita tatanungin ulit of why you and Alex broke up."

The End of UsМесто, где живут истории. Откройте их для себя