The End of Us - Chapter 4

1K 19 0
                                    

Niyaya ni Alex sumama si Nathalie sa kanyang condo, kahit na alam niyang magiging mailap ito sa kanya. Malayo ang kanilang distansya kahit na naglalakad sila patungong condo ni Alex, mga isang salita na lang din ata ang sinabi nila sa isa't isa hanggang sa makarating sila sa kanilang pupuntahan.

Since ang alam ng tita ni Nathalie ay kasama niya ang lalaking ito, mas pinili na rin niya muna ang wag umuwi ng maaga dahil magtataka ang tita nito kung may nangyari ba sa kanila ni Alex o wala. Hindi na mahalaga, basta ang importante, nailigtas nanaman siya nito.

Pagbukas ng pinto ni Alex, mas nauna siyang pumasok at hinintay na makapasok si Nathalie, dahil para siyang isang pusa na naninibago sa lugar at sinisiguradong walang mangyayaring masama sa kanya. Dahan dahan siyang naglakad papasok ng condo ni Alex hanggang sa nakarating na siya sa sala na medyo makalat.

Samantala, mukhang natataranta si Alex, hindi niya alam kung saan niya ibabato ang mga kalat niya.

Sa loob din ng tatlong taon na siya lang ang nakatira dito, siguro, mga isa o dalawang beses pa lang siya nag uwi ng babae sa condo na 'to. At ngayon, hindi niya akalain na mag uuwi siya ng isa pa, pero wala silang gagawin.

Pinaupo niya si Nathalie sa kanyang sofa kung saan doon ang kanyang madalas na pwesto, sa mahabang upuan. Narealize naman ito ni Nathalie na ang ganda ng tirahan ni Alex, malambot ang sofa, mukhang mamahalin ang mga gamit, yung T.V. niya ang laki, halatang successful na siya sa buhay, yun nga lang, parang may kulang. Pamilya.

Wala pa yun sa bokabularyo ni Alex, ang mag asawa at ang bumuo na ng pamilya. Sa katunayan, hanggang one-night stand lang naman siya simula nung mag break sila ni Maya. Pero hindi ibig sabihin nun ay, hindi siya marunong mag mahal.

Sa sala ni Alex, hindi pa rin niya malapitan itong si Nathalie ng sobrang lapit lalo na nung nalaman niyang, ito na nga talaga si Nathalie Anne Cortez, ang dati niyang ka-schoolmate nung high school. Maraming bagay siyang gustong alamin tungkol kay Nathalie, pero mukhang ayaw nitong magsalita pa dahil hindi na siya pinagkakatiwalaan nito. Malamang nagtataka na kayo kung anong ginawang kasalanan sa kanya ni Alex nun at nagsisisi siya ng husto. Matindi lang naman.

Nung high school pa sila, bagong lipat si Alex at mabilis siyang nakahanap ng kaibigan noon. Habang itong si Nathalie ay matagal na sa school na yun, pero wala siyang naging kaibigan. Madalas, kasama si Nathalie sa mga school club kagaya ng, choir, acting, Math, Science, kahit na hindi siya makakahanap ng kasama sa tuwing may groupings. Ang school club na nagaganap sa kanilang paaralan ay isang activity kung saan mo gustong sumali or kung saan ka magaling, kahit anong section mo, pwede kang sumali at iba't ibang tao ang makakasalamuha mo dito.

Sa acting club noon, wala siyang makuhang ka-partner. Ni walang gustong maki-partner sa kanya kaya nagsabi siya sa teacher niya na mag-isa na lang siya. Pero may bagong dating sa club na yun, at yun ay si Alex. Silang dalawa na lang ang walang ka-partner, kaya silang dalawa ang pinag-pares ng teacher nila sa club na yun.

Alam ni Nathalie na may mga transfer noon sa kanilang school at nakikita na niya si Alex nun pero wala siyang pakielam, hanggang sa, sila pala ang magkaka-partner kahit hindi sila magkaklase. Siya yung lalaking crush ng lahat, kaya pag sa tuwing dadaan siya sa harapan ng mga babae, halos mamatay sila sa kilig habang nagbubulungan at naghahampasan. Kaya pag sa tuwing nakakarinig si Nathalie ng mga babaeng kinikilig, napapalingon lang siya kung saan sila naka tingin. Kaya... wala nang bago sa kanya pag nakikita niyang si Alex nanaman ang pinag-uusapan ng mga babae.

Mabait at masipag na estudyante si Nathalie, madalas siyang tumutulong sa mga teachers at magaling din naman kasi siya talaga, kaya siya ang madalas na top 1 sa school. Yun nga lang, may mga inggit, may mga bully na hindi matanggap ang galing ni Nathalie, kaya tinatawag siyang sipsip kahit na ang gusto lang niya ay ang, tumulong. Tsaka, ano bang magagawa niya kung lumalabas talaga ang tunay niyang galing?

The End of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon