The End of Us - Chapter 27

Mulai dari awal
                                    

"Thanks." Sagot ni Maya na sarcastic ang dating at natawa ang mga kaibigan niya.

Naiwan ulit si Nathalie sa condo ni Alex habang nasa trabaho ito. Ngayong sila na, hindi na kakabahan si Nathalie tanungin si Alex kung anong gusto nito pag-uwi, pero nung tinanong niya ito, wag na daw siyang magluto dahil meron naman daw kakainin mamaya sa reunion nila sa Carson Hotel. Tama nga naman si Alex, so hindi na nag aksaya ng oras si Nathalie para mag isip kung ano ang lulutuin niya sa pag uwi ng kanyang kasintahan.

Pagtapos ng trabaho ni Alex, dadaanan niya si Nathalie sa harapan ng building ng condo niya at dideretso na sila sa reunion. Kaya bago pa dumating si Alex, kailangan ay naka bihis na si Nathalie at nasa baba na siya.

Naghanda ng susuotin si Nathalie, at sinigurado niya na magiging komportable siya dito at kahit ano pa man ang suotin niya, makikita at makikita pa rin siya ng mga tao doon at wala naman nang saysay kung mahihiya at matatakot pa siyang magpakitang muli sa mga taong nanakit sa kanya. Basta ang para sa kanya ngayon ay, gagawin na niya ang gusto niyang gawin para mailabas na niya ng tuluyan ang mga sakit na nararamdaman niya dati pa, sa paraang alam niyang magpapalaya na sa kanya.

5:00 p.m. ang off ni Alex sa trabaho. Kaya makakarating siya sa condo niya ng mga 5:45 at maaaring makarating ng mas maaga sa Carson Hotel.

Nasa baba na siya ng building nung tumawag siya sa telepono ng condo niya sa taas para sabihin kay Nathalie na nasa baba na siya. Nung sinagot ni Nathalie, ready na ito at sinabing saglit na lang at susunod na siya.

Habang naghihintay si Alex sa loob ng kanyang kotse, hindi niya maiwasan ang tumingin sa kanyang relo dahil parang ang tagal ni Nathalie.

Mga ilang minuto pa ang naka lipas, dumating na si Nathalie na simpleng simple lang ang suot. Naka puting dress lang siya na sumusunod sa hangin, walang heels ang sapatos niya at may maliit siyang bitbit na bag na naka sukbit sa katawan niya.

At kahit ganun pa kasimple ang suot niya, hindi maalis ang tingin ni Alex sa kanya.

Pag sakay nito ng kotse, naka tingin lang sa kanya si Alex at tinanong niya ito ng: "Hindi pa ba tayo aalis?" Tanong ni Nathalie ng naka ngiti.

Pagkatanong niya nun, agad umayos si Alex at nag drive patungong Carson Hotel.

Sa kalagitnaan ng pagdadrive ni Alex, bigla itong nagsalita ng, "ayos ka lang?"

Napatingin si Nathalie sa kanya at sumagot ng, "ayos lang ako."

"Alam mo... hindi mo naman kailangang pilitin ang sarili mo kung hindi mo pa sila kayang harapin."

"Gusto ko naman talaga ang pumunta. At tsaka... kayang kaya ko na."

Tumango ng ilang beses si Alex habang naka tingin sa kalsada at hindi kay Nathalie. Hanggang sa... "Anong gagawin mo pag tinanong ka nila kung ano 'ko sayo at kung bakit tayo magkasama?" Biglang tanong ni Nathalie.

Ang tagal bago makasagot si Alex. "Sasabihin ko ang totoo sa kanila."

"Pano?"

Nakagat ng konti ni Alex ang labi niya bago niya sagutin ulit ang tanong ni Nathalie.

"Sasabihin ko na... tayong dalawa na."

"Mahal mo ba talaga 'ko?"

Napa dobleng tingin si Alex kay Nathalie habang nagdadrive. "Ano ba namang klaseng tanong 'yan?"

"Wala lang, natanong ko lang."

"Oo naman. Mahal kita. Ikaw ba?"

"Kung alam mo lang." Bulong ni Nathalie.

"Ano yun?"

"Sabi ko, oo. Ganun din ako, mahal din kita."

Hindi na sumagot si Alex, at yun na ang huli nilang usap sa kotse bago sila makarating sa Carson Hotel.

Pagtungtong nila sa hotel, may mga kasabay silang bagong dating habang nagpapark ng mga sasakyan. Kaya naman nung makita ni Nathalie ang mga tao sa paligid niya, medyo nakaramdam siya ng hilo at kaba habang dinig na dinig sa labas ang malakas na tugtog galing sa loob. Malapit lang kasi sa lobby ang venue ng reunion nila.

Samantala, nahalata ni Alex na medyo hindi maganda ang pakiramdam ni Nathalie.

"Nathalie, are you okay?" Tanong ni Alex. "Kung gusto mo... umuwi na tayo?" Alok ni Alex na nag aalala.

"H-hindi... ayos lang ako. Tara na."

"Sigurado ka?"

"Oo naman. Ikaw? Sigurado ka?" Tanong ni Nathalie kay Alex na parang alam niya na may pakay ito kung bakit aattend siya ng reunion.

Tumango si Alex at binigay ang isang kamay kay Nathalie.

Hinawakan niya ito at sabay silang naglakad papasok ng hotel.

Habang papalapit na sila sa venue, mas lalong lumalakas yung tugtog at yung mga boses ng mga tao sa loob.

Sa kabilang palad, si Alex ay lumilingon lingon dahil hinahanap niya ang mga taong dahilan kung bakit siya nandito ngayon sa reunion.

Nung lumingon siya sa kanan niya bigla niyang nakita si Maya habang si Nathalie ay naka hawak sa kanang kamay niya at natatakpan niya ito na halos di siya mapansin.

Napansin ni Alex na papalapit si Maya sa kanila, kaya hinigpitan ni Alex ang hawak niya sa kamay ni Nathalie.

"Alex." Sabi ni Maya habang medyo ilang pa rin ito sa kanya, ganun din si Alex. "Looking for Vernon?"

"Sinabi mo ba sa kanya?"

"Nope. Bakit hindi ikaw ang mag sabi sa kanya?"

Hindi sumagot si Alex, habang si Maya ay naka titig lang sa kanya at napansing may kasama ito.

"So... you have a guest with you?" Sabi ni Maya habang hindi niya makita kung sino ito, at ang fact na magka holding hands sila.

Ngunit... "Maya... I need you here." Biglang sabi ni Diana.

"Excuse me." Sabi ni Maya at umalis.

Hindi napansin ni Nathalie si Maya, at ganun din ito.


-----------------------------------------------------------------------


Thanks for reading my story, and don't be afraid to vote or write a comment. I truly appreciate it. Thank you. ^_^

You can now proceed to the next Chapter. :)

The End of UsTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang