The End of Us - Chapter 25

Magsimula sa umpisa
                                    

"Alex." Tawag ni Nathalie na naghihintay sa kanya. "Kamusta ka?" Tanong ni Nathalie, dahil parang hindi maganda ang pakiramdam ni Alex.

"Ayos lang ako." Sagot nito habang inaalis ang relo. "Ikaw... kamusta ka dito?" Tanong ni Alex.

"Ayos lang din naman. Nagluto pala 'ko ng adobo. Ikaw na lang ang hinihintay."' Biro ni Nathalie ng may konting ngiti sa mukha niya.

Si Alex naman ay napa ngiti rin, at hindi dahil sa biro ni Nathalie, kundi, sa ganda ng ngiti nito.

"Kumain ka na?" Tanong ni Alex.

"Hindi pa. Hinihintay kasi kita para sabay tayo."

Hindi naka imik si Alex dahil bigla siyang may naramdamang kaba at saya, pero hindi niya ito pinakita kay Nathalie.

Nung kaninang sinabi niya na mahal niya si Nathalie ngunit di siya narinig, feeling ni Alex ay hindi talaga sila para sa isa't isa. Pero ngayong nasa harapan na niya si Nathalie, ito na ang pagkakataon para sabihin na niya ang totoong nararamdaman niya para kay Nathalie. Kaya naman, feeling din ni Alex ngayon ay, naibabalik yung dati na magka harap sila habang naka tingin sa mata ng isa't isa at may mga sinasabing linya. Pero ngayon, totoo na. Totoong totoo na ang mga sinasabi at nararamdaman nila.

Tumingin ng seryoso si Alex sa mga mata ni Nathalie, habang ganun din ito sa kanya.

Ang mata niya. Sa isip isip ni Alex. Ito rin ang linya na natatandaan ni Alex na sinabi niya kay Nathalie sa acting club noon. At mas naalala pa niya lalo ang linyang ito: "Ang mga mata mo... mapungay at mapang akit. Saakin ka na lang, pati ang mga tingin mo... saakin mo lang ibaling ang mga hinaing sa buhay. Nandito ako para alalayan at mahalin ka ng walang alinlangan."

Nakaka suka. Diba? Pero ayos lang, mas tumugma ito sa nararamdaman nila ngayon kaysa sa nararamdaman nila noon.

Lumakad si Alex ng konti palapit kay Nathalie at ngumiti, hanggang sa hindi na niya mapigilan ang kanyang nararamdaman.

"Sinabi ko sa sarili ko na hinding hindi na 'ko magsisinungaling sayo." Lumakad pa ng mas malapit si Alex habang sa unti unting napapasandal si Nathalie sa pader na nasa likod niya. Hindi rin nakakaramdam ng takot si Nathalie, at wala siyang ibang nakikita kundi ang lalaking nasa harapan niya.

"May problema ba?" Tanong ni Nathalie.

Umiling si Alex at nagsalita. "Wala naman, gusto ko lang ang magpaka totoo na sa mga nararamdaman ko... para sayo. Kaya sana wag kang magalit sa sasabihin ko."

"Ano yun?"

"Pwede bang... pwede bang..." Nagbuntong hininga si Alex dahil parang nahihiya siya. At nung naka hanap na siya ng pagkakataon para sabihin na ito ng diretso, agad na niyang sinabi ang nasa isip niya.

"Pwede bang maging tayo?" Sabi ni Alex habang naghihintay si Nathalie kung ano ang ibig niyang sabihin. "Ang ibig kong sabihin... pwede ba kita maging girlfriend?"

Namula si Nathalie sa sinabi ni Alex at hindi siya makagalaw dahil hindi siya makapaniwala na meron nang lalaki ang nanliligaw sa kanya.

Kung sakaling sasagutin niya si Alex, siya ang magiging first boyfriend ni Nathalie. Samantala, biglang nahiya ng husto si Alex.

"Kung hindi ka pa ready... willing ako maghintay kahit gaano pa katagal. Or kung ayaw mo... ayos lang din." Sabi ni Alex. "I'm sorry... I'm so sorry kung nawiwirduhan ka sa--" Napahinto si Alex.

"Sige. Ayos lang sakin." Sagot ni Nathalie.

"Ano?" Gulat ni Alex.

"Wala namang masama kung itatry natin diba?" Sabi ni Nathalie.

Napalunok si Alex at hindi niya alam kung ngingiti ba siya o hindi. Kaya naman kahit nag uumapaw ang tuwa niya, kinailangan niya pa rin ang mag dahan dahan sa paglapit kay Nathalie para mag offer ng yakap. Nung yayakapin na niya ito, agad naman siyang niyakap pabalik ni Nathalie. Ang yakap na 'to... ay hindi pang mag kaibigang yakap, kundi ang nag-iibigang yakap na. Sa kabilang palad, ilang beses na nila nayakap ang isa't isa, at ito ang mas kakaiba sa lahat, na kahit kailan ay hindi na sila mapaghihiwalay ng kahit sino.

Inangat ni Nathalie ang kanyang ulo para tignan sa mukha si Alex habang magka yakap pa rin sila. Sa tangkad ba naman ni Alex, hindi maaaring magpapantay ang ulo nila sa isa't isa, kaya nagsisilbing alipin si Nathalie sa taas ni Alex.

"I love you." Sabi ni Alex habang naka tingin sa nanliliit na si Nathalie na naka yakap sa kanya.

"I love you, too." Sagot ni Nathalie. Pagkasabi niya nun, bigla siyang nahiya at binaba ang ulo niya at sinandal sa dibdib ni Alex.

Ito na ata ang gabing nakaramdam siya ng saya at yung pakiramdam na parang wala nang pwedeng manakit sa kanya kahit kailan. Lalo na't kasama na niya ang lalaking matagal na niyang gusto, ang lalaking nanakit sa kanya, na muli niyang pinatawad at pinagkatiwalaan; at ngayo'y mahal na rin niya ito kagaya ng pagmamahal nito sa kanya.


-------------------------------------------------------------

Thanks for reading my story, and don't be afraid to vote or write a comment. I truly appreciate it. Thank you. ^_^

You can now proceed to the next Chapter. :)

The End of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon