The End of Us - Chapter 14

Magsimula sa umpisa
                                    

Sa gigil ni Nathalie dahil sobra sobra na ang kanyang naalalang pinagdaanan, naibato niya ang kanyang diary at nagwala habang umiiyak. Sa kabilang kwarto naman, hindi niya alam na narinig siya ni Alex dahil hindi niya alam na dumating na pala ito.

Sa alala at takot ni Alex, agad siyang tumakbo sa kwarto ni Nathalie at binuksan agad ang pintuan.

"Nathalie!" Sabi ni Alex habang nagugulat siya sa ginagawa ni Nathalie na binabato lahat ng mahawakan niya.

Nung narinig ni Nathalie si Alex, tumingin siya kung saan ito nanggaling. At nang makita niya si Alex na naka tayo na sa pintuan, nanumbalik ang galit niya dito kaya binato niya si Alex ng kung anu ano.

"Hayop ka!" Sigaw ni Nathalie habang may binabato siya kay Alex.

"Nathalie... anong nangyayari sayo?" Alalang tanong ni Alex.

"Hayop kayong lahat! Mga hayop!" Sigaw ni Nathalie na mas malakas pa.

Hindi alam ni Alex kung anong nangyayari at kung paano niya pakakalmahin si Nathalie. Kaya naman lumakad siya ng konti dito at sinasangga lahat ng binabato sa kanya ni Nathalie.

"Nathalie... tama na!" Sabi ni Alex.

"Kulang pa 'yan!" Sagot ni Nathalie.

"I'm sorry." Sabi ni Alex habang nakikita niya si Nathalie na mas nagiging demonyo pa.

"Walang kapatawaran ang pinaggagawa niyo saking lahat! Mga hayop kayo! Akala niyo ba nakalimutan ko na ang lahat? Tao rin ako, Alex. Tao rin ako! Tao ako pero tinrato niyo 'ko na parang isang hayop!"

"Akala ko ba napatawad mo na 'ko? Bakit bigla kang nagkaka ganyan?"

"Bakit? Wag mong sabihin na nakalimutan mo na ang ginawa sakin ni Vernon at ni Brent... pati ikaw!"

"N-Nathalie... hindi kita gina--"

"Kahit na Alex... pero parang ganun na rin yun. Alam ko na rin naman na wala kang gagawin kaya hinayaan mo na lang akong ganunin ng basta basta. Oo hindi tayo mag kaibigan para gawan mo 'ko ng pabor. Pero naging mabait ako sayo Alex!" Sabi ni Nathalie na mas lalo pa siyang naiyak.

"Pati yung diary ko... nasayo lang pala."

Hindi maka sagot si Alex, dahil sa isip isip niya, paano nalaman ni Alex na nasa kanya nga ang nawawalang diary ni Nathalie.

"A-anong diary?"

Dahil nag maang-maangan si Alex, pinulot ni Nathalie ang diary sa sahig kung san niya ito binato.

"Ito! Itong diary ko na nasa drawer mo!" Sabi ni Nathalie habang pinapakita niya ito kay Alex.

"T-teka... pano mo nakuha yan? Nag halungkat ka ng gamit ko?"

"Bakit hinde? E hindi pa kita pinagkakatiwalaan ng husto. Malay ko ba, baka mamaya may pinaplano ka palang hindi maganda."

"Nathalie... kung ano man yun... nagbago na 'ko."

"Nagbago ka na? Pero bakit nakuha mo pa ring mag sinungaling sakin? At nasayo lang pala ang diary ko?!" Sigaw ni Nathalie.

"Balak ko na ibalik sayo yan dati pa... kaso... masyadong maraming humahadlang."

"Humahadlang? O naduduwag ka lang?"

Sa tanong ni Nathalie, hindi nakapag salita si Alex. At sa sobrang galit ni Nathalie, hindi niya napigilan ang kanyang sarili at pumulot siya ng isang mabigat na bagay at nag aakmang ibabato ito kay Alex. Yung istatwang kalahati ng tangkad ni Nathalie. Sa sobrang galit niya, hindi mo akalain na kaya pala itong buhatin ng isang babaeng katulad niya na medyo payat at maliit ang pangangatawan. Pero bago pa niya ito tuluyang maihagis kay Alex, naka tiyempo si Alex na hilain si Nathalie sa likod at ilayo sa istatwang gusto niya pang ibato.

"Nathalie, tama na." Bulong ni Alex sa kanya habang naka yakap siya sa likod ni Nathalie. "I'm sorry... I'm so sorry." Makaawa ni Alex habang medyo hinihingal na ito dahil sa nag sama-samang takot at kaba.

"Bitawan mo 'ko!" Sigaw ni Nathalie habang nagpupumiglas ito sa mahigpit na yakap ni Alex sa kanya. Pero hindi pa rin siya pinakawalan nito.

Pareho na silang hinihingal sa pagod, kaya naman medyo humina na ang katawan ni Nathalie kakalaban at ganun din si Alex na napa upo sa sahig habang yakap yakap pa rin niya si Nathalie sa likod.

"Patawarin mo 'ko." Bulong ni Alex ulit habang naka yakap pa rin siya sa likod ni Nathalie. Pero hindi ito nagsalita dahil puro iyak na lang siya.

"Gagawin ko ang lahat para sayo, Nathalie. Kahit hindi mo na 'ko mapatawad... nangangako pa rin ako na kaya na kitang ipagtanggol kahit saan o kahit kanino pa." Sabi ni Alex sa tenga ni Nathalie habang yakap yakap pa rin niya ito ng mahigpit.


------------------------------------------------------------------------

Thanks for reading my story, and don't be afraid to vote or write a comment. I truly appreciate it. Thank you. ^_^

You can now proceed to the next Chapter. :)

The End of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon