The End of Us - Chapter 4

Magsimula sa umpisa
                                    

Sa club kung saan si Nathalie at Alex ay nagkasama noon, halatang naiilang si Nathalie habang si Alex ang gumagawa ng effort para maging komportable siya sa kanya. Kagaya ng, may part kung saan may script sila by partner at love story ang tema nito. Kinakailangan nilang mag hawak ng kamay at mag palitan ng nakakasukang cheesy words. Tiniis ni Nathalie yun, pero... ang hindi niya alam, mas nag titiis si Alex. Bakit? Dahil pinagkatuwaan lang siya ng mga kaibigan niya na sumali sa acting club dahil andun daw si Nathalie. Tama sila, at nagtatawanan sila noon nung nalaman nilang naka-pares nga niya si Nathalie. Yun naman ang gusto nilang mangyari, kaya nag tagumpay nanaman silang pagka isahan si Nathalie.

Para kay Alex, haharapin niya kung ano man ang nasa harapan niya. Kaya alang-alang kay Nathalie, hindi siya nagpahalata na ayaw na niya, at pinagpatuloy ang pakikisalamuha kay Nathalie kahit alam nilang dalawa na hindi sila magiging mag kaibigan. Ayaw lang kasi niya talaga masaktan ang damdamin ni Nathalie.

Ang club sa school nila ay nangyayari lang isang beses sa isang linggo, at yun ay tuwing Biyernes kung saan tapos na lahat ng mga klase nila sa araw na yun. Pag tapos na lahat ng klase nila, hinahatid na nila si Alex sa room kung saan ginaganap yung acting club, at habang hinahatid nila ito sa room, naghihiyawan na sila dahil inaasar nila si Alex sa ka-partner niyang si Nathalie. Naririnig ito ng mga tao, at wala silang ginagawa kundi ang tumawa lang kahit na kitang kita kay Nathalie na nasasaktan siya.

Yun lang ang unang beses narealize ni Alex na mali ang ginagawa nila kay Nathalie, at ayaw sa kanya ng marami.

Bakit? Tanong ni Alex sa sarili niya habang nakikita si Nathalie na nasasaktan sa isang tabi.

Nilapitan niya ito at tinry kausapin.

"Tara na, mag practice na tayo." Sabi ni Alex, pero hindi kumikibo si Nathalie habang naka yuko lang ito.

Inabot ni Alex ang script, pero ayaw tanggapin ni Nathalie.

"Let's go?" Tanong ni Alex. Pero umiling lang si Nathalie at tumakbo palayo sa kanya.

Nagulat siya at ang mga kaibigan ni Alex, sabay nagtawanan. Habang si Alex ay hindi natutuwa sa nangyayari.

Tama ba 'ko ng pinasok?

Tama ba ang pinili kong mga kaibigan?

Pano na 'ko pag nilayuan ko sila? Mawawalan na 'ko ng mga kasama. Sa isip isip ni Alex noon.

Sa ganung pag-iisip niya noon, naging maka sarili siya, at ang hindi nila alam... magi-guilty sila ng pang habang buhay sa ginawa nila kay Nathalie. Lalong lalo na si Alex na mas pinili niya ang gumawa ng masama at sumunod sa mga kaibigan niyang hindi maganda ang impluwensiya.

Binigyan ni Alex si Nathalie ng inumin, isang juice na nasa baso. Pagka abot niya nun, aksidenteng nahawakan ni Nathalie ang kamay niya na sobrang lamig.

Sa lahat ng ginagawa ni Alex para kay Nathalie ngayon, hindi pa niya narinig na nagpa salamat ito sa kanya. Pero ayos lang yun kay Alex, alam naman niya kung sino si Nathalie. Isang mahiyain at tahimik na babae.

Na-aappreciate kaya niya ang mga ginagawa ko para sa kanya? Sabi ni Alex sa isip isip niya. Gusto ko lang naman ang maka bawi sa mga nagawa kong kasalanan.

Umupo si Alex sa sofa kung nasaan si Nathalie, at tinitigan niya ito. Nahalata ito ni Nathalie at bigla silang nailang sa isa't isa, kaya lumipat na lang ng ibang upuan si Alex at sabay kinausap siya.

"Buti naman... pumayag kang sumama dito." Sabi ni Alex. "Pagtapos ng mga nagawa ko sayo nun." Dagdag niya.

"Ayaw ko pa kasing umuwi. Pagagalitan lang ako... at tsaka yung tito ko lang ang nandun--" Sa sinabi ni Nathalie, napahinto siya habang si Alex naman ay nanlaki ang mata, pero hindi nahalata ni Nathalie. "Kaya mas pinili ko na lang ang sumama muna sayo."

"Pano ka ba tatruhin sa bahay niyo?"

Umiling si Nathalie at nilapag ang baso sa coffee table. "Wag mo ng alamin."

"Willing ako na alamin.. para matulungan ka." Halatang interesado si Alex sa kanya.

"Wala ka ng magagawa dun. Matagal na 'kong tinatrato na parang hayop."

Hindi nakapag salita si Alex sa sinabi ni Nathalie, at mas lalo pa siyang nagi-guilty.

"Sabihin mo sakin... kung anong pwedeng kong gawin para maka bawi sayo." Sabi ni Alex.

"Matagal ko nang kinalimutan ang lahat. Ang buong akala ko, wala na 'kong makikita ni isa sa inyo."

"Ako rin naman e. Pero nung araw na nakita kita ulit, yun na yung pagkakataon para maka hingi ng tawad."

"Sapat na yung ginawa mo saking tulong."

"Anong tulong?"

"Yung pagtatakip mo sakin nung nag nakaw ako. Pati na rin yung makaligtas sa tita ko at tsaka sa matandang lalaki na yun."

"Pero alam kong may kulang pa... anong gusto mong gawin ko? Sabihin mo, gagawin ko lahat."

Napatingin ng diretso sa kanya si Nathalie.

"Ilayo mo 'ko sa kanila." Sabi ni Nathalie habang naluluha na siya. "Ilayo mo 'ko sa lugar na 'to kung saan hindi na 'ko mahahanap ng tito at tita ko." Iyak niya. Kulang na lang rin, sabihin niya kay Alex na ilayo rin siya sa nakaraan.

Bago sumagot si Alex, nag isip muna siya.

"Sige... sige ilalayo kita, basta sabihin mo sakin kung pano ka nila tratuhin."

"Nakita mo naman na kung ano ginawa sakin ng tita ko diba? Wala pa yun, may mas matindi pa dun." Sabi ni Nathalie na parang may alam si Alex. Meron naman talaga, kaya sa tuwing natatamaan si Alex sa mga sinasabi ni Nathalie, hindi na lang siya kumikibo. Guilty eh.

"Tsaka yung asawa niya, yung tito ko... ayaw ko na... ayaw ko na silang makita." Hagulgol ni Nathalie.

"Anong ginagawa sayo ng tito mo?" Seryosong tanong ni Alex, kahit na alam niyang magiging sensitibo ito.

Umiling ng umiling si Nathalie at sinabing... "Pag wala na yung tita ko... nilalapitan niya 'ko." Sabi ni Nathalie habang umiiyak, at nag iingat sa mga salitang bibitawan niya dahil ayaw na niyang sabihin ng paulit ulit ang eksaktong salita dun sa ginagawa sa kanya ng tito niya, sa tuwing silang dalawa na lang ang magkasama.

Hindi mawari ni Alex kung ano bang nangyayari kay Nathalie ngayon, at pati na rin sa kanya. Kaya mas lalo pa siyang napapa isip kung siya ba ang may kasalanan ng lahat kung bakit nangyayari ito sa dati niyang ka-schoolmate nung high school.

Basta ang nasa isip niya ngayon, ay ang punong puno siya ng pagsisisi, at kung pano matutulungan si Nathalie.


--------------------------------------------------------------------- 

Thanks for reading my story, and don't be afraid to vote or write a comment. I truly appreciate it. Thank you. ^_^

You can now proceed to the next Chapter. :)

The End of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon