Epilogue

27.6K 657 77
                                    


"Keith, maingay sa labas. Patahimikin mo nga."

Natutulog pa kasi ako tapos may naririnig akong ingay sa labas ng kwarto.

"Naglalaro lang siguro ang mga bata. Hayaan mo na," sagot ni Keith na inaantok rin ang boses tapos niyakap ako sabay hila sakin palapit sa kanya.

Hinayaan ko lang siya dahil antok na antok pa talaga ako. Sobrang napagod kasi ako kagabi at late na din kaming natulog.

Halos makatulog na ulit ako nung napadilat ako agad ng mga mata nung may narinig akong nabasag. Nabuhay ang diwa ko. Halos sabay kaming bumangon ni Keith tapos nagkatinginan pa kaming dalawa at sabay umalis ng kama.

Sinuot ko ang pajama pants at ang robe ko. Si Keith naman ay naka-boxer shorts lang kaya kumuha siya ng t-shirt saka sinuot yun. Ako ang unang bumukas ng pinto at hinanap kung saan ang ingay nanggaling.

"Mukhang nasa kusina sila," sabi ni Keith na nasa tabi ko na pala.

Bumaba kami ng hagdan at dumiretso sa kusina. Naabutan naming nagluluto ang mga bata. Si Kelly ay naglalagay ng icing sa cupcake habang si Klyde naman ay tagalagay ng toppings sa cupcake at si Kirby naman ay nakaupo sa high chair nito at kumakain ng isang cupcake kaya puro icing na ang mukha niya.

"Ano yung nabasag?" Bungad ko sa kanila.

Napatingin sila sa direksyon namin tapos bumaling sila sa isa't-isa.

"Mommy, nabasag po kasi namin ang bowl. Sorry, gusto lang naman namin magbake para sa inyo."

Nilapitan ko si Kirby. He's two year old. Lalaki ang pangatlong anak namin ni Keith. Kinuha ko ang tissue at pinunasan ang mukha niya dahil sobrang dumi nito.

"Okay lang. Basta mag-ingat kayo. Hindi ba kayo nasaktan?" Nag aalalang tanong ko.

"Hindi naman po, mommy," sagot ni Klyde. Klyde was already 5 year old. Magaling siyang magsalita at napakatalino ding bata.

"Mommy..."

Kinuha ko si Kirby sa highchair niya saka kinarga sa bewang ko.

"Oh?"

Lumapit si Kelly sa akin bitbit ang ginawang cupcake tapos si Klyde ay lumapit din sa akin na may dalang balloon.

Kumanta sila ng happy birthday na kinagulat ko. Napatingin ako kay Keith na nakangiti tapos hinalikan ako sa pisngi.

"Happy birthday, mommy!!"

Kinuha ni Keith si Kirby sa akin kaya yumuko ako para e-blow ang candle sa cupcake na ginawa nila.

"Thank you, mga anak. Mahal ko kayo."

I was touched sa ginawa ng mga anak ko. Nag effort talaga sila para e-surprised ako. I was so blessed to have them.

Agad yumakap silang dalawa sa akin pati narin si Kirby at Keith ay nakisali sa amin.

"Tara, kainin na natin ang cupcakes, mommy." Tumango ako kay Kelly.

Akmang susundan ko na si Kelly nung lumapit sa akin si Keith at niyakap ako sa bewang.

"Thank you for taking care of us," sabi niya sa akin. "Happy birthday, hon. May surpresa pala ang mga bata para sayo. Mabuti nalang nauna akong batiin ka kaninang madaling araw," sabi niya saka kumindat pa ito.

Hinampas ko siya sa dibdib. "Wag ka nga. Pero salamat, Keith. Mahal ko kayo ng mga anak natin."

Keith changed a lot. He became the perfect man in my eyes. Sobrang maalaga siya kahit busy siya ay nagbibigay parin siya ng oras sa amin. Lagi pa nga kaming may family day tuwing weekend.

Perfect Opposites (Book 1 and 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon