Chapter 25: Next Spot

20.6K 537 24
                                    


"Saan tayo sunod na pupunta?"

"Secret," sabi niya saka kami tumigil sa paglalakad at may humintong kotse. Kotse ni Keith ang huminto sa harapan namin.

Lumabas doon ang lalake kanina at saka binuksan ang pinto para sa akin saka naman ako pumasok sa kotse at sumunod na din si Keith sa loob.

Kalahating oras lang ay nakadating na kami sa isang port. May nakita akong isang malaking yate na nandoon.

Kanino kaya yun? Ang ganda kasi.

Lumabas si Keith kaya lumabas na din ako ng kotse. Hinawakan niya ang bewang ko at naglakad kami papunta doon kung saan ang yate.

Akala ko tatayo lang kami habang nanunuod sa dagat pero nanlaki ang mata ko na tinatahak namin ang daan kung nasaan ang yate!

Nanlaki ang mga mata ko na tumingin sa kanya. Para akong nagtatanong sa klase ng tingin ko sa kanya at mabuti na intindihan naman niya dahil tumango siya bilang sagot. Nanlaki ang ngiti ko dahil makakapasok ako sa yate na yun.

"Wow ang ganda!" Manghang sabi ko nung makarating kami sa loob. "Sino ang nandito, Keith?"

Kasi wala akong makitang tao sa ilang minuto na naming nilibot ang yacht.

"The captain of this yacht and two of us."

Nanlaki ang mata ko.

"Seryoso?"

"Yeah. Look." Tinuro niya ang umaalon na dagat at mas lalong nanlaki ang mata ko na makitang umaandar pala ang yate at medyo nasa gitna na kami ng dagat.

"Wow!"

"I'm glad you like it," sabi niya na nakangiti.

Nag-picture ako gamit ang phone ko ng mga view na nadadaanan naming magaganda. Nag-volunteer pa nga siya na siya na daw mag-picture sa akin.

"Selfie tayo," sabi ko pagkatapos kong magsawa sa  pagkuha ko ng litrato ng view.

Tinapat ko ang camera ng phone ko sa harap namin saka ngumiti kami.

"Ang ganda ng kuha natin dito," sabi ko habang tinitingnan ang kuha namin.

"Let's take a picture using my phone too," sabi niya saka nilabas ang phone niya saka tinapat sa harap naming dalawa at biglang nag-click. Nagulat pa ako.

"I love this one," sabi niya saka ngumiti.

Nanlaki ang mata ko na makitang sobrang pangit ko sa picture dahil sa nagulat ang mukha ko dun dahil bigla ba naman niya akong niyakap.

"Uy, delete mo yan. Ang panget ko jan."

"No, I like this better."

"Sige na. Mag-picture nalang tayo ulit."

"No need, you look so cute here," sabi niya saka nakita ko na ginawa niya pang wallpaper yun.

Hinayaan ko nalang kasi wala naman akong magagawa. Sana lang wag niya ipakita sa iba yun. Nakakahiya kasi ang mukha ko dun para akong nakakita ng multo. Tapos ang daya pa kasi ang ganda ng kuha niya doon.

Pumunta kami sa cockpit kung saan ang captain at sinubakan namin ni Keith na kami mag-maneuver nun. Tinuturuan niya ako dahil marunong na pala siya. Ang saya lang kasi nasubukan kong magmaneho ng yacht. Pero matapos ang ilang oras na pamamasyal sa dagat ay bigla kaming napagod kaya pinabalik na ni Keith ang yacht sa port.

Pareho na kami ngayong nakaupo sa bench na kita ang view ng dagat.

"Nag enjoy kaba?"

Tumango ako sa kanya.

Perfect Opposites (Book 1 and 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon