Chapter 3: New Playmate

26.4K 764 2
                                    


Pagkagising ko, magkasalubong na kilay na naman ni Ate Pearl ang nakita ko.

"Buti naman at gising kana. Kanina kapa hinihintay ni madame."

Napabangon ako ng wala sa oras nung marinig ang sinabi niya.

"Ano? Gising na siya??" Napatingin ako sa orasan baka kasi napahaba ang tulog ko pero hindi eh, alas sais palang ng umaga. Tapos gising na siya???

"Malamang, tinawag ka nga diba?" Irap niya sakin at tumalikod na.

Ang sungit talaga minsan ni Ate Pearl. Iintindihin ko nalang dahil menopausal stage na siya.

Wala na akong sinagot. Mabilis nalang akong tumayo saka naligo. Pagkatapos ko magbihis ay patakbo akong pumunta sa kwarto ni madame.

"You're late."

May diin ang pagkakasabi niya nun. Para siyang teacher ko na pinagalitan ako dahil  na-late ako sa klase.

"Sorry, madame. Hindi ko po kasi—"

"I don't want to hear your explanations, late is late and there is no excuse. Sa susunod, I want you to be responsive. Understood?"

Tumango ako bilang sagot.

Feeling ko tuloy palpak ako. Kabago-bago ko pa lang dito pero ang dami ko ng mali.

Huwag naman sana ako matanggal agad. Wala pa akong ipon.

"Say something. Don't just nod," striktong  pagkakasabi niya.

"O-Opo."

May halong kaba sa pagkakasabi ko nun. Nakakatakot naman kasi siya magalit. Ang lola ko nga eh ang bait-bait sa akin. Pag may mali ako, pinipingot lang ako sa tenga tapos ilang sandali lang tatawa na.

"...and don't stutter!"

Agad akong napatayo ng tuwid at sumagot agad nung medyo tumaas na ang boses niya.

"Opo."

"Now, help me get up," utos niya saka umupo siya sa kama.

Tinulungan ko siyang lumipat sa wheelchair niya saka dinala sa bathroom para mag-toothbrush. Ako ang taga abot ng kakailanganin niya. Abot niya naman ang sink kaya siya na ang bahala doon. Tapos tinulungan ko siyang magbihis mula sa robe  niya tapos nag palit siya ng pambahay na bistida. Ang simple lang ng damit pero nung sinuot niya ay mukhang napakamahal tingnan. Sabagay mahal naman talaga yan. Ganyan siguro pag maganda ang tao, kahit anong isuot mo ay sopistikada tingnan.

Usual na routine niya ang ginagawa namin araw-araw.

Pagkatapos magbihis ay bumaba na kami sakay ng elevator para kumain ng breakfast kasama si Kelly na sobrang ganda at cute sa pink na damit niya. Pagkatapos ay dinala ko na si madame sa office room niya.

"I'm good. You can leave the room. I'll call you when I need you here."

"Sige po."

Iniwan ko siyang nakaupo dun sa couch niya kung saan ang lagi niyang inuupuan pag nanunuod ng TV sa office niya.

Bumaba ako at naabutan kong naglalaro si Kelly sa sala nitong bahay nila.

"Hi Kelly!" Bati ko sa bata.

"Hello po!" Masigla ding bati niya na abot tenga ang ngiti.

Napakabait at masayahin nitong batang ito na parang walang problema sa mundo. Mas lalo tuloy siyang gumaganda.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ko.

Ngumuso siya saka sumagot. "Naglalaro po hindi po ba obvious?"

Perfect Opposites (Book 1 and 2)Where stories live. Discover now