Chapter 30: Bye

22K 554 22
                                    


Ilang araw na akong hindi pinapansin ni Keith. Simula nung umuwi kami galing sa lakad namin, ni minsan ay hindi na niya ako kinikibo.

Nakakalungkot dahil papalapit na ang araw ng pag alis ko dito sa bahay nila.

Gusto ko sana na magkaayos kami o kahit mag usap man lang bago ako umalis. Pero paano? Hindi niya ako kinakausap.

Gumising ako ng maaga para maabutan siyang mag-breakfast. Pero nung akmang lalapit palang ako sa kanya ay tumayo na agad siya saka sinabing aalis na. Hindi pa ako ang sinabihan niya nun kundi si Ate Pearl pero feeling ko ay parang saakin narin niya pinaparinig yun.

Nasa ganung situation kami nung dumating si madame sa kainan.

Nakita ko ang awa sa mukha niya.

Lumapit siya sa akin saka ako nginitian. "Hindi kaparin niya kinakausap?"

Sa aming lahat, kay madame ako mas nagkwe-kwento. Alam na niya na sinabi ko na kay Keith ang tungkol sa pag alis ko at  alam din niya kung ano ang plano ko at kung kailan ako aalis.

Malungkot akong umiling bilang sagot.

"Bigyan mo pa siya ng konting panahon. Kakausapin ka din niya."

"Kailan pa po kaya niya gagawin yun? Sa susunod na araw na po ang alis ko, madame," malungkot na sabi ko.

"Alam ko pero wala tayong magagawa, Ria. Kailangan nating tanggapin kung kailan handa na si Keith tanggapin ang desisyon mong umalis."

Tumango nalang ako kay madame kahit nalungkot ako sa sinabi niya.

Tinulungan ko siya na umupo sa upuan at saka nagsimula na siyang kumain nung dumating si Kelly na sobrang bibo kahit kakagising niya lang. Binibiro pa niya ako pero wala ako sa mood tumawa pero pinilit ko para lang hindi niya mahalata na malungkot ako ngayon.

Nung sumunod na araw ay nag ayos na ako ng mga gamit ko.

"Ria, aalis kana ba talaga?"

Tumigil ako sa pag iimpake saka hinarap sina Ate Doris, Ate April at Ate Pearl na ngayon ay tahimik din at malungkot.

"Opo eh." Pinilit kong ngumiti sa kanila.

"Talagang hindi na magbabago ang isip mo? Iiwan mo na ba talaga kami?"

Natawa ako ng konti. "Hindi na po. Mag aaral lang naman po ako, hindi naman po ako mangingibang bansa kaya makakadalaw parin ako ulit dito sainyo para mangulit," biro ko sa kanila para gumaan ang pakiramdam naming lahat.

"Ganun narin yun kasi minsan nalang tayo magkikita," sabi pa ni Ate April.

"Dadalaw parin naman po ako dito pag may oras."

"Siguraduhin mo yan, Ria," sabi ni Ate Doris sa akin.

Nagbiruan pa kami bago ako matapos sa pag iimpake at tumayo na para dalhin na ang mga gamit ko sa labas. Tinulungan naman nila ako na ilagay sa sala ng mga ito. Mamayang hapon pa kasi ang alis ko. Ni ready ko lang ng maaga.

Nasa sala kami nung biglang nagsalita si madame mula sa likod namin. "Ria, can we talk first?"

Nagpaalam ako sa kanila saka sumunod kay madame sa office room niya.

"Madame?" Umpisa ko nung pumasok kami kasi nakita ko lang siyang nakatingin sa akin.

Tumikhim siya bago nagsalita.

"Ria, gusto ko lang magpasalamat sayo sa lahat ng naitulong mo sa amin. Hindi ka lang nakatulong sa akin, tinulungan mo din ang apo ko at si Kelly kaya sobra-sobra ang pasasalamat ko sayo. Kaya sana wag ka mahiyang humingi ng tulong sa akin pag nangailangan ka ha?"

Perfect Opposites (Book 1 and 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon