Chapter 37: Happier

18.5K 456 20
                                    


Hindi ko mapigilan na mapangiti kanina pa. Parang mapupunit na nga ang labi ko sa kakangiti dahil hindi mabitawan ni Keith ang kamay ko habang nagdra-drive siya.

Panaka-naka din siyang napapasulyap sa akin habang nagmamaneho. Hindi ko maiwasan kiligin dahil sa ginagawa ng asawa ko. Feeling ko ay teenager ako kung kiligin.

"Tama na nga yan. Kanina kapa tingin ng tingin baka mabangga tayo," kunwari nagagalit na sabi ko.

"I really like looking at your face."

Biglang namula ata ako sa sinabi niya kaya kinuha ko ang kamay ko na hawak niya saka hinawakan ang mukha ko sabay tingin sa salamin.

"Bakit ano ba ang meron sa mukha ko?"

Napatingin ako sa kanya nung tumawa siya. "Don't worry, you look good. You look fresh and radiant. In short, blooming."

Inirapan ko siya pero sa loob ko ay kinikilig ako. Hindi ko lang pinahalata. Umiwas ako ng tingin at bumaling sa labas ng bintana sabay tingin sa dinadaanan namin.

Ang lalim ng iniisip ko buong byahe. Naaalala ko ang mga araw na magkasama kami ni Keith. Ang saya namin nitong nakaraang mga araw. Bumalik ako sa reyalidad nung huminto ang kotse. Nandito na pla kami sa school ni Kelly.

Bumaba kami ng kotse sak nilapitan ang anak namin na nakikipag usap sa mga kaibigan niya.

"Kelly," tawag ko.

Lumingon naman siya sa akin ng nakangiti. Pero nung bumaling siya sa daddy niya ay mas lalo pang lumiwanag ang mukha niya at todo ngiti siya.

Linapitan ko siya saka hinalikan ng madiin sa pisngi.

"Hello, anak ko. Pwede na bang umuwi ang prinsesa namin?"

"Mommy, bati na po ba kayo ni daddy?" Tanong ni Kelly na may ngiti sa labi na lalo pang lumawak nung tumango ako. "Yey! Bati na ang mommy at daddy ko!! Bati na sila!!"

Natawa ako dahil sa pinagsigawan niya talaga ito. Marami tuloy ang nakarinig sa kanya. Ang iba ay tumawa at ang iba na nakakilala sa amin ay bumati sa amin.

"I didn't realize how much our misunderstanding affected her."

Napatingin ako kay Keith nung magsalita siya. Napansin ko na nalungkot siya sa nalaman. Ngayon niya lang kasi na-realized ang bagay na yan.

"Wag kang mag-alala, matalino ang mga anak mo at naiintindihan nila ang situation."

Napatingin siya sa akin dahil sa sinabi ko.

"Yeah, and it's all because of you. You did good in guiding them. Hindi mo hinayaan na sumama ang loob nila sa akin even though I failed them many times. If I know, you even build me up in them. You're really a good person, honey, and I'm happy to have you as my wife and my partner."

Niyakap ko siya bilang sagot sa sinabi niya. Hindi ko naman kasi pwedeng idamay ang mga bata sa nangyayari sa amin ni Keith. Hindi dapat sinisiraan sa mga anak ang pagkukulang ng isang magulang kahit gaano pa kalaki ang alitan ng mag asawa. Saka ayoko rin na gawin ni Keith sakin yun kung sakali na ako naman ang magkamali.

"Dad, mom, let's go na po."

Natatawa akong bumitaw kay Keith at kinuha ang bag ni Kelly.

"Tara," sabi ko sabay buhat ng bag niya.

Tumigil kami ni Kelly nung biglang lumuhod si Keith sa harapan namin.

"Hop on, Kelly. Daddy will give you a ride."

Perfect Opposites (Book 1 and 2)Where stories live. Discover now