Chapter 16: Back to Work

15.2K 398 19
                                    


"Room 254"

"Thanks." Kinuha ko ang key card na inabot ng receptionist.

Sumakay kami ng elevator paakyat sa kwarto kung saan kami naka-assign.

"Ate, sure kaba na dito talaga kayo sa hotel matutulog? Eh ang mahal dito. Pwede naman kayo sa bahay nalang."

Tiningnan ko ang kapatid ko na buhat-buhat ang natutulog kong anak na si Klyde.

"Alam mong ayaw ko maabala sina nanay. Saka mag-aalala lang sila pag nalaman ang  nangyari. Kaya, Marj, nakikiusap ako na wag mo muna sabihin sa kanila ito. Maghahanap ako ng tamang oras na sabihin sa kanila."

"Pero hanggang kailan mo naman ililihim sa kanila ito, ate? Malalaman din naman nila kahit hindi mo sabihin."

Bumukas ang elevator at lumabas na kami. Malapit lang mula dito sa elevator ang kwarto namin. Ini-scan ko ang key card sa door scanner saka automatic na bumukas ang pinto kaya nakapasok na kami sa loob.

Iniwan ko muna ang bagahe namin sa sala saka kinuha si Klyde kay Marj at pinahiga siya sa kama. Hindi naman gaano kalaki ang kwarto namin. Regular suite lang ang kinuha ko para kasya sa budget ko.

Umupo ako sa gilid ng kama saka humarap kay Marjorie.

Napabuntong-hininga ako saka nagsalita, "Alam ko na malalaman din naman nila. Hindi ko naman papatagalin na sabihin sa kanila eh. Gusto ko lang muna makapag isip-isip. Alam mo namang mahal ko ang kuya mo at masakit pa sakin ngayon pag usapan ang nangyari. Gusto ko na buo na ang puso at isip ko pag sinabi ko na sa kanila ang nangyari."

"Ate, bumalik kanalang kasi kay kuya. Mahal ka naman nun eh. Baka nabigla lang siya at hindi sinasadya ang sinabi niya sayo lalo na at pagod siya dahil galing siya sa trabaho."

"Eh kung gusto niya pa akong manatili sa kanya eh bakit hindi niya ako pinigilang umalis?"

Hindi agad siya nakasagot kaya tumahimik nalang din ako.

"Mommy..."

Umupo si Kelly sa tabi ko.

"Bakit, anak?"

Alam ko na may idea na siya sa nangyayari ngayon at hanga ako sa kanya dahil napakatibay ng loob niya. Hindi siya umiyak o ano. Tahimik lang siyang nakikinig at minamasdan ang mga pangyayari.

"Maghihiwalay na po ba kayo ni daddy? Hindi kana ba niya mahal? Hindi na ba niya kami mahal?"

Nagulat ako sa tanong niya. Napatingin ako kay Marjorie na nakatingin din sa amin habang nakaupo sa couch.

Si Nine ay tumigil din sa pag-aayos ng gamit namin at tumingin dinkay Kelly.

"Kelly," umpisa ko sabay ayos ng buhok niya. "Wag mong sabihin yan. Mahal kayo ng daddy niyo."

"Eh kayo po, mommy? Mahal din ba kayo ni daddy? Bakit niya po kayo inaway kanina?"

Hindi ako nakasagot.

Ayoko sabihin sa anak ko ang dahilan ng pinag-awayan namin ni Keith. Labas na sila sa problema namin. Ayoko na mas lalo pa siyang maapektuhan pag nalaman niya ang dahilan ng away namin ng daddy niya.

"Basta po, mommy, pag naghiwalay kayo ni daddy, sainyo po ako sasama. Hindi niyo naman po ako iiwan, diba?"

Napangiti ako sa narinig kaya niyakap ko  siya. "Hindi kita iiwan. Baka ikaw ang mang iwan sa akin pag hindi ko kayang ibigay  lahat ng gusto mo katulad ng ginagawa sayo ng daddy mo. Hindi naman kasi ako mayaman gaya ng daddy mo, anak. Ngayon palang ay sinasabi ko na sayong hindi ko kayang pantayan ang binibigay niya sayo."

Perfect Opposites (Book 1 and 2)Where stories live. Discover now