Chapter 29: Disappointments

16.5K 406 21
                                    


Umalis na ako ng hospital dahil tapos na ang day shift ko.

Tahimik na nagdadasal ako habang palabas na sana sa paglabas ko ay nanjan ulit si Keith para sunduin ako.

Three days straight na kasing sinusundo niya ako pauwi. Hindi ko maitago na gusto ko at kinikilig ako sa ginagawa niya. Feeling ko bumalik kami sa dati nung nanliligaw palang siya sa akin o kaya noong nag-aaral palang ako at sinusundo niya ako at hinahatid sa dorm ko.

Nilibot ko ang paningin ko sa paligid nitong building pagkalabas ko pero hindi ko siya nakita. Wala siya.

Baka na-late lang. Baka hinintay pa si Kelly sa school. Minsan kasi ang batang yun, pag nakikipaglaro sa kaklase eh ang hirap yayain na umuwi. Kaya baka late lang sila nakaalis sa school niya.

Naghintay ako ng ilan pang sandali.

"Uwi na kaya ako?" Tanong ko sa sarili ko nung mag-iisang oras na wala parin siya.

Magdidilim na ksi. Hindi naman ganito ka-late si Kelly umuuwi kahit pa makipaglaro yun at lalo na, hindi naman ganun ka-traffic ang dinadaanan pauwi galing sa school niya kaya impossible na matagalan sila ng higit isang oras.

Palinga-linga ulit ako sa paligid at nag-aasam parin na darating siya. Pero wala parin.

Parang pinagbagsakan ng langit. Tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa hagdan. Walang gana akong nag-abang ng jeep.

Ang energy ko kanina ay biglang na-drain na lahat dahil sa disappointment at pagod kakahintay sa wala. Excited pa naman sana ako makita siya. On time pa akong nag-off sa trabaho kasi akala ko nasa labas na sila at naghihintay sa akin.

Wala pala. Nag-assume lang pala ako.

Asa kapa kasi, Ria. Alam mo naman yung asawa mo, kung saan kailangan mo, saka siya laging wala.

Pinagalitan ko ang sarili ko ng ilang beses habang pauwi dahil umasa na naman ako. Kasi naman, dapat hindi ako umasa agad na tuluyan na siyang nagbago.

O baka naging praning lang ako? Baka naman nasa bahay lang sila ni Kelly at naghihintay sa akin?

Baka nga...

Nabuhay na naman ulit ang puso ko dahil pinilit ko ang sarili ko na maniwala sa sinasabi ng isip ko. Nagmadali na akong umuwi para malaman kung tama nga ako.

Nung nasa tapat na ako ng gate ng apartment ay nagmadali akong pumasok sa loob nung may makita akong kotse. Ibang yung kotse. Hindi iyon ang kotse ni Keith.

Saktong nakapasok na ako ng gate saka naman lumabas ng front door ng bahay si Kuya Rey. Tumigil pa siya at ngumiti sa akin nung makita ako.

"Hi, ma'am. Hinatid ko lang po si Kelly."

Napatango ako at napakunot-noong nagtanong, "Asan si Keith?"

"May importante daw pong lakad. Pinadala niya po ako para sunduin si Kelly dahil hindi niya daw ma-cancel ang lakad niya ngayon."

Napatango ako kahit sa loob-loob ko ay sobrang disappointed ako kay Keith. Hindi man lang siya nagsabi na hindi niya masusundo si Kelly ngayon

"Sige, kuya. Salamat sa paghatid sa anak ko. Ingat po kayo pauwi."

"Salamat po, ma'am," huling sinabi niya saka lumabas na ng gate. Sinarado ko ang gate nung makaalis na siya.

Napabuntong-hininga ako sa naiisip. Hindi siya nagmintis ng ilang linggo. Ngayon lang. Siguro nga importante talaga ang lakad niya at hindi pwedeng e-cancel iyon. Baka may malaking client siya na hindi pwedeng pagpaliban. Tama. Baka yun nga. Iintindihin ko nalang na may ibang mga importanteng bagay din siyang inaasikaso.

Perfect Opposites (Book 1 and 2)Where stories live. Discover now