Chapter 14: Weird Feelings

22.6K 620 29
                                    


"Ano yang suot mo?"

Nakakunot noong tanong sa akin ni Nine. Sinabi ko kasi sa kanya na niyaya ako ni Sir Keith mag swimming ngayon.

"Damit."

Tinaasan niya ako ng kilay. "Alam ko. Pero mag swi-swimming kayo diba? Bakit yan ang suot mo? Mag swimsuit ka!"

"Ayoko! Saka hindi naman ako maliligo eh. Sasamahan ko lang siya."

"Ria, ano kaba. Manhid kaba? Sa tingin mo ba niyayaya kalang ni sir para panuorin siyang lumangoy?"

Nagtataka ko siyang tiningnan.

Napailing siya saka lumapit sa akin. "Hay napaka inosente mo talagang babae ka. Eto, may baon akong swimming shorts saka tops. Suot mo yan. Hindi naman masyadong showy yan."

"Wag na. Okay na ako sa damit ko."

"Sige na, isuot mo na to. Nakakahiya kay sir pag yan ang suot mo lumangoy."

Wala akong nagawa kundi ang isuot ang binigay niya sa akin.

Cycling shorts siya na hindi naman sobrang ikli. Sinuot ko rin ang pantaas pero pinatungan ko ng tee shirt dahil hindi ako sanay sa ganitong damit.

"Good luck!" Sabi ni Nine sabay kindat niya sa akin nung umalis ako.

Dumiretso na ako sa dagat kung saan kami magkikita ni Sir Keith. Napansin ko na nandoon na siya at lumalangoy na. Umahon lang siya nung makita niya ako.

Natigilan ako sa nakita. Para siyang model habang naglalakad palapit sa akin.

"You came."

Napalunok ako dahil sa kaba na nararamdaman ko. Bakit ako kinakabahan ng ganito eh ilang beses ko naman nakita at nakausap si sir?

"Sorry, natagalan po ako."

Ngumiti siya ng tipid saka nagulat ako nung hinila niya ang kamay ko at dinala doon sa beach mat at umupo kami.

"Sorry kung drinks and fruits lang ang pagkain natin ngayon."

"Okay lang po. Kumain naman po ako kanina eh."

Nawala ang ngiti sa mukha niya.

"Bakit po?"

"Please stop calling me po. Feeling ko ang tanda-tanda ko na."

"Ay sorry, sir."

Mas lalong kumunot ang noo niya.

"Don't call me sir, too."

"Eh ano ang itatawag ko sainyo? Eh boss ko po kayo."

"Just call me Keith."

"Hindi po pwede."

"Why? You're working for my granny. Not for me," kunot-noong sabi niya.

"Amo ko parin po kayo."

"Okay, ganito nalang. Pag tayong dalawa lang, call me by my name, okay?"

Napatango nalang ako kasi naman parang pursigido talaga siya na wag ko siyang tawaging sir.

"Let's go swim?"

"Kayo nalang po malamig po kasi—Ayyy!"

Napatili ako nung sapilitan niya akong hinila saka dinala sa dagat.

"Sir Keith! Malamig!"

Tumawa siya dahil nagpupumiglas ako pero dinala niya parin ako sa dagat. Babalik na sana ako sa gilid pero hinawakan niya ang braso ko para hindi ako makaalis.

Perfect Opposites (Book 1 and 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon