Chapter 34: Condo Visit

17.3K 418 22
                                    


Nagbihis agad ako pagkabasa ko ng balita sa newspaper tungkol sa company. I hate to admit na kahit galit ako sa kanya ay hindi ko maitatanggi na nag-aalala ako. Mahal ko kasi siya kaya dama ko na nahihirapan siya ngayon. Isa pa, gusto ko din malaman kung ano ang nangyayari.

Kilala ko si Keith. Importante sa kanya ang companya niya. Alam ko kung ano ang nararamdaman niya ngayong may problema siya sa companya.

Alam ko na sa ganintong situation ay kailangan niya ng may masasandalan. At isa ako sa taong pwede niyang masandalan dahil asawa niya ako.

"Nine, ikaw na muna ang bahala sa mga bata. May kailangan lang akong puntahan."

"Opo."

Lumabas na agad ako ng bahay saka pumara ng taxi sa labas. Mabuti nalang at may tumigil agad kaya nakasakay ako.

Siguro maaabutan ko pa si Keith sa bahay kasi maaga pa naman. Baka hindi pa siya nakaalis ng bahay.

"Dito nalang po ako."

Tumigil ang taxi sa tapat ng bahay. Nagbayad muna ako saka lumabas.

Napatigil ako nung nasa labas na ako ng bahay Tinitigan ko ang bahay namin ni Keith. Bahay kung saan kami nagsimula bilang mag-asawa at bumuo ng sarili naming pamilya. Nakakamiss.

Ang tagal narin simula nung huling nakatungtong ako dito. Yung huli ay nung araw na umalis kami ng mga bata. Maayos naman ang itsura nito at mukhang inaalagaan ng mabuti ang bahay.

Ilang minuto rin akong nakatayo sa labas ng gate bago ako pumasok.

Hindi ako kumatok sa pinto dahil may susi parin naman ako ng bahay. Binuksan ko ang pinto at wala akong tao na nakita.

Tumuloy ako papunta sa hagdan. Baka kasi nasa kwarto si Keith at nag-aayos palang para sa trabago. Nasa pangalawang baitang palang ako nung may nagsalita.

"Maam?"

Lumingon ako sa tumawag sa akin.

Isang medyo may edad na babae na naka uniporme. Pamilyar siya. Teka, kailan pa kumuha ng katulong si Keith? Malamang simula nung umalis ako dahil alam kong hindi niya kayang gawin ang gawaing bahay.

Bunaba ako at lumapit sa kanya. "Bago po ba kayo dito?"

Tumango siya. "Dalawang buwan na po ako dito, maam," sagot niya.

Nginitian ko siya. "Ako nga pala si Ria, ako ang asa—"

"Asawa po ni sir," nakangiting sabi niya na kinataka ko. Kilala niya ako? "Napakaganda niyo po pala kahit sa personal. Lagi ko po kasi kayong nakikita sa pictures dito sa bahay tuwing naglilinis ako."

Napatango ako. Ngayon alam ko na paano niya ako nakilala.

"Babalik na po kayo dito, maam?" Tuwang tanong niya.

Ngumiti lang ako sakanya saka biglang naalala ang pakay ko kung bakit ako nandito sa bahay.

"Nasan si Keith? Nasa taas ba?"

"Wala po siya sa taas."

"Pumunta na ba siya ng trabaho?" Tanong ko. Sayang hindi ko siya naabutan. Ang aga naman niyang umalis.

"Hindi ko po alam. Baka po."

Napakunot ang noo ko sa sagot niya.

"Hindi mo ba siya nakitang umalis? Nakapang-office suit ba siya o may pinuntahan lang?"

Umiling siya. "Hindi ko po alam, maam, kasi hindi naman po dito umuuwi si sir."

Mas lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Anong ibig mong sabihin?"

Perfect Opposites (Book 1 and 2)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin