Chapter 28: Consistent

16.6K 410 8
                                    


"Bye, mommy!"

Nakangiti akong kumaway kay Kelly. Nasa loob siya ng kotse ni Keith at ihahatid siya nito sa school niya.

"Take care, anak. Love you!" Pahabol ko nung sinarado na niya ang bintana ng kotse sabay nagflying kiss pa siya sakin.

Tumingin ako kay Keith na ngayon ay nakatingin din pala sakin.

Umiwas agad ako ng tingin dahil meron na naman akong nababasa sa mga mata niya na alam kong kahinaan ko.

Tumalikod na ako upang pumasok sa apartment ko para makaalis na sila. At tama nga ako dahil narinig ko ang pag-alis ng sasakyan niya nung papasok na ako ng bahay.

"Where is daddy?"

Napangiti ako nung makita ang mukha ng anak ko na puro chocolate. Chocolate syrup kasi ang nilagay niya sa pancake niya na kinain niya for breakfast.

"Umalis na sila ng ate mo." Kinuha ko ang maliit niyang kamay saka inakay siya papunta sa banyo.

Kinuha ko ang towel saka binasa ng konti ito at pinunasan ang mukha niya.

"Ang daming chocolate na nakain mo anak," sabi ko sabay punas ng mukha niya. "Diba sabi ko too much is not healthy?"

Ngumuso siya. "It is yummy."

Natatawang napailing nalang ako sa ka-cutan ng anak ko. His lips reminded me of Keith. Parehong-pareho sila ng hugis.

"Mommy, are you okay?"

Natauhan ako nung nagtanong siya. Hindi ko napansin na natutulala na pala ko.

Tumango ako bilang sagot sakanya.

"Anak, maligo kana kasama si Nine. Mag-aayos na kasi si mommy para sa work."

Napangiti siya saka tumango. Tinawag niya agad si Nine. Ako naman ay nag-ayos na para pumunta sa trabaho.

* * *

Pag-uwi ko ng bahay galing sa trabaho ay siya namang dating ni Keith.

Huminto ako sa tapat ng gate para hintayin na bumaba si Kelly mula sa kotse.

Nung huminto na ang kotse ay agad bumukas ang pinto nito at lumabas doon ang nakangiting mukha ng anak ko.

"Mommy!!" Salubong niya sa akin sabay yakap.

"Hello, anak. Kamusta ang school mo? I am sure na mataas na naman ang grades mo sa test mo kanina."

Ngumiti siya. "Yes, mommy! I got a perfect score!"

"Wow! Ang galing naman ng anak ko! Congratulations! Dahil jan, magluluto si mommy ng favorite mo."

"Yeyy!!" Masayang sabi niya sabay talon pa at pumalakpak ng mga kamay.

Kelly is a very intelligent kid. Hindi yan nawawalan ng award every year. She's just like a girl version of Keith. Minsan nga nakakatampo na dahil sa kanya nagmana lahat ang mga bata pagdating sa itsura at talino.

"Uwian mo na din pala. Sana sinabi mo para nadaanan din kita."

Napatingin ako kay Keith na ngayon ay nasa gilid ko na.

"Okay lang. Sa mga bata kalang naman kailangang bumawi."

"Saiyo din naman. Above anything else, I have done worst to my wife," seryoso niyang sabi habang nakatingin sa akin.

Ang mga tingin niya na ganyan ang dahilan kung bakit nahulog ako sa kanya dati. Ganyan na ganyan ang binibigay niya na tingin sakin noon at ngayon. Seryoso pero parang mahuhulog ka sa lalim ng titig niya. Yung madadala ka sa tingin niya at ma i-inlove ka talaga.

Perfect Opposites (Book 1 and 2)Where stories live. Discover now