Chapter 19: Losing Grip

15.1K 399 15
                                    


Napatigil ako sa pagluluto nung may narinig akong umiiyak.

"Ako na."

Aalis na kasi sana si Nine para puntahan ang anak kong umiiyak pero pinabantay ko nalang siya ng niluluto ko.

Tinanggal ko ang apron ko saka dumiretso sa sala kung saan naabutan ko ang dalawa na may iba't-ibang ginagawa.

"Bakit umiiyak si Klyde?" Tanong ko kay Kelly na naglalaro ng blocks niya. 

"I don't know, mommy," sagot niya na hindi nakatingin sa akin at naka-focus lang sa  ginagawa niyang tower.

Linapitan ko si Klyde saka inalo ito.

"Bakit umiiyak ang baby ko ha?" Sabay haplos ko ng ulo niya para patahanin siya.

"Ate... Pinch me..." umiiyak na sabi niya pero naintindihan ko kung ano ang sinabi niya.

Tumingin ako kay Kelly.

"Kelly, totoo ba?"

Nagkibit-balikat siya saka bumalik sa ginagawa.

"Kelly," seryosong tawag ko sakanya.

Huminto siya saka tumingin sa akin na nakasimangot. "Fine. I did pinch him. He destroyed my tower that's why I did it."

Napailing ako sa narinig.

"I told you not to pinch or hurt your brother. Never hurt him physically. Bakit mo parin ginawa?"

"Sorry, mommy. I was just mad at that moment that's why I did that."

"Don't say sorry to me. Tell it to your brother."

Naka-pout na lumapit siya sa kapatid niya na karga ko saka sinabing, "I'm sorry, Klyde. Ate did not mean it."

Huminto sa pag-iyak si Klyde saka tumingin sa ate niya na parang naiintindihan talaga  nito ang sinasabi sa kanya. Nakakaintindi narin naman siya kahit papano.

"Then?" dagdag ko.

Tumango siya saka lumapit sa kapatid niya at niyakap ito.

Napangiti ako dahil nakita kong yumakap pabalik si Klyde sa ate niya.

Ganito silang dalawa lagi. Mag aaway pero magbabati din. Hindi nila matiis ang isa't-isa. Lalo na si Kelly, mahal na mahal niya ang kapatid niya kahit madalas ay sinisira ni Klyde ang mga gamit niya. Hindi nga siya makatulog pag hindi niya katabi si Klyde.

Nung magbitiw sila sa yakap ay agad kong kiniliti si Kelly na kinatawa niya.

"Klyde, tulungan mo si mommy. Go tickle your sister."

Ngumiti ito saka kiniliti sa bewang ang kapatid na kinatawa lalo ni Kelly ng malakas dahil dalawa na kami ni Klyde ang kumikiliti sa kanya.

"M-mommy! Stop it. Klyde!! Hahahahaha!!!  I said hahaha stop it!! Hahaha" parang naiiyak na sa kakatawa si Kelly.

Nagpagulong-gulong pa siya sa sahig dahil sa kakatawa at si Klyde naman ay tinatawanan ang ate niya. Nakitawa na rin ako sa kanila.

Nasa ganun kaming scenario nung may tumikhim kaya natigilan ako at napatingin sa taong tumikhim.

Nawala ang ngiti ko at tumigil agad ako sa kulitan namin ng mga bata. Agad akong tumayo at inayos ang sarili bago ko siya hinarap.

Pati ang mga bata ay tumigil din saka sinabing "Daddy!" nung makita nila ang daddy nila na nasa harapan namin.

Yumakap si Kelly sa daddy niya.

"How are you, my Kelly?"

Lumuhod siya para mapantayan ang taas ng anak niya.

Perfect Opposites (Book 1 and 2)Where stories live. Discover now