Chapter 10: I'm Back

16.9K 366 12
                                    


Pagkatapos kong magbihis ng pantulog ay lumabas na ako ng banyo.

Dumiretso ako sa kama kung saan nakahiga ang asawa ko. Nakapikit na siya pero alam kong hindi pa siya tulog.

Umusog ako palapit sa kanya at saka niyakap siya ng mahigpit sabay higa ng ulo ko sa dibdib niya.

"Keith..."

Hinigpitan ko ang yakap sa kanya saka hinalikan siya sa pisngi at binalik ang ulo ko sa dibdib niya.

"Mahal kita, Keith."

Pinikit ko ang mga mata ko nung wala akong makuha na sagot.

Hindi ko alam bakit naiiyak ako. Hindi ko alam bakit kinakabahan ako na ganito ang pakikitungo niya sa akin. Parang may kakaiba akong nararamdaman.

Anong ibig sabihin ng kutob na ito?

Ayoko matulog na hindi kami magkaayos ni Keith. Hindi ako comportable na ganito.

Nagulat ako nung may humaplos sa pisngi ko kaya napadilat ako ng mga mata at nakita ko ang nag-aalalang mukha ng asawa ko na nakatingin sa akin.

"Why are you crying, sweetheart?"

Napangiti ako habang pumapatak ang mga luha ko na agad naman niyang pinunasan saka niyakap ako.

"Shh. Stop crying. I don't want you to cry."

"K-Kasi akala ko galit kapa sakin," naiiyak na sabi ko.

Hinaplos niya ang likod ko saka hinalikan ang ulo ko kaya medyo napanatag ang loob ko dahil sa ginagawa niya.

"I'm sorry for the way I acted earlier."

Napatango ako sa sinabi niya.

"Kinabahan ako, Keith. Akala ko magagalit kana ng tuluyan sakin. Akala ko hindi mo ako mapapatawad. Akala ko iiwan mo na ako. Akala ko hindi muna ako papansin—"

"Shh. Don't say that. Hindi ako mawawala sayo. Galit man ako pero hindi ibig sabihin nun ay iiwan na kita. Don't think like that, sweetheart," sabi niya saka hinalikan ulit ang ulo ko.

Tumango ako saka pinunasan ang mga luha ko. Tumigil narin sa wakas ang pagpatak nito. Napanatag ang loob ko dahil sa mga sinabi niya.

"You really have that magic powers to melt my heart," sabi niya saka niyakap ako ng mahigpit at dinikit sa kanya.

Napangiti ako dahil sa ginawa niya. Nakatulog kaming dalawa na magkayakap.

***

"Mommy, hotdog please."

Inabot ko ang hotdog at nilagay sa pinggan ni Klyde. Hinati ko muna sa maliliit na slices ang hotdog para hindi siya mabulunan.

"Tenk you, mommy," sabi ni Klyde.

Masaya ako na lumalaki siyang magalang. Yun kasi ang gusto ko sa kanila ni Kelly.

"Mommy, I miss my friends. Can we go back to your province, so I can play with them again?" Tanong ni Kelly habang kumakain ng pancake niya na may strawberry at blueberries syrup.

Napatingin ako kay Keith na napatigil sa pagkain ng almusal dahil sa sinabi ng anak namin. Alam kong hindi niya ito nagustuhan.

Ayoko na mag-away ulit kami dahil jan kaya iniba ko ang usapan.

"Keith,  pwede bang ipasyal ko ang mga bata mamaya?"

"Yes! Yes! Let's go to the mall, mommy!"

Perfect Opposites (Book 1 and 2)Where stories live. Discover now