Chapter 7: Klyde

19.2K 415 14
                                    


"Grabe, ate. Ang cute-cute ng pamangkin ko. Mana sa tita niyang cute din."

"Anong mana sayo? Mana sakin. Lalake kaya yang anak ni ate," sagot naman ni Mario kay Marjorie.

Napailing nalang ako sa dalawang kapatid ko. Dito talaga sila nagtatalo tungkol sa bagay na yan sa harapan namin.

Kakapanganak ko lang kagabi. Pinasundo agad ni Keith sina nanay at tatay sa probinsya. Nandito sila ngayon sa hospital, ang pamilya ko at pamilya ni Keith.

"Can I hold my baby brother?"

Lahat kami napatingin kay Kelly dahil sa sinabi niya. Napaka-cute niya sa suot niyang pink na dress. Simula malaman niya na buntis ako sa kapatid niya, sobrang alaga niya sa akin. Hindi niya ako pinapahirapan. Excited daw kasi siya magkaron ng kapatid kaya inaalagaan niya daw ako ng mabuti para lumabas na ang baby. Siya ang nagre-remind sa akin araw-araw na uminom ng gamot at pinapainom ako ng gatas sa gabi.

"Oo naman. Ito aalalayan ka namin, Kelly," sabi ni Marjorie kay Kelly saka tinuruan ito paano hawakan si Baby Klyde bago niya nilagay ito sa braso niya. Inaaalalayan parin siya ni Marjorie dahil mahirap na baka mabitawan ni Kelly.

Tuwang-tuwa si Kelly habang tinitingnan ang kapatid niya na nasa mga braso niya.

Napatingin ako kay nanay at tatay na kausap si lola. Halata din sa mukha nila ang saya. Pinag-uusapan na nga nila ang binyag, eh hindi pa nga lumalabas ng hospital ang baby namin.

Napalingon ako sa taong biglang humawak ng balikat ko.

"Keith," aniya ko.

Ngumiti siya saka hinalikan ako sa pisngi. Napangiti narin ako.

Nung buntis pa ako, lagi niyang sinusunod ang mga gusto ko lalo na nung ako na ang naglilihi. Ang dami kong gustong kainin at kusa naman niyang binibigay ang mga yun. Alam niya daw kasi na mahirap ang kalagayan ko pag hindi naibigay agad ang gusto kasi napagdaanan niya yun sa konting panahon.

Madalas, hindi kami nagkakasundo sa mga gamit ni baby. Pag bumibili kami, gusto niya yung mahal talaga. Pero ako, yung mura lang kung okay naman ang itsura. Gusto niya daw ang pinakamaganda para sa anak naman niya iyon pero sa huli, ako parin ang nasusunod kung ano ang bibilhin.

"Thanks for giving birth to my mini me," malambing na sabi niya.

Tama siya, mukhang magiging kamukha nga niya ang baby namin.

Hindi ko ma pigilan na yakapin siya ng mahigpit. Nagpasalamat din ako sa kanya dahil sa haba ng pasensya niya sakin.

Sa mahigit isang taon na kasal kami ni Keith, sobrang saya ko dahil hindi lumilipas ang ilang araw na hindi niya pinaparamdam sa akin kung gaano niya ako kamahal. Minsan may tampuhan pero naaayos din naman.

***

"We should held the reception in a resort," suggestion ni Mama Elizabeth.

"No, it should be in a five star hotel," sabi naman ni lola.

"Dito nalang kaya sa bahay nila?" Singit ni tatay. "Malaki naman ang likod ng bahay pwedeng mag-party."

"No, balae. Dapat maganda ang location para sa binyag ng unang apo nating lalake," sabi ni Mama.

Si nanay naman tahimik lang sa gilid dahil wala naman ata siyang sasabihin. Kanina kinausap ako ni nanay at nag-sorry siya na wala daw siyang maitutulong sa gastusin sa binyag. Sabi ko naman sa kanya na okay lang. Kaya naman namin ni Keith eh. Kaya lang sigurado na pipilitin nina Mama at lola na mag-ambag para sa binyag.

Perfect Opposites (Book 1 and 2)Where stories live. Discover now