Chapter 13: Family Getaway

23K 650 18
                                    


Parang wala lang may nangyari nitong nakaraang araw. Bakit ko nasabi?

Kasi nung sumunod na mga araw matapos ng birthday ni Kelly, parang umiba na naman si Sir Keith.

Wala na ang parang zombie ko na nakikita na malayo ang iniisip. Ngayon, balik Sir Keith na ulit siya na normal na ang kilos.

Umalis pa nga siya nung nakaraang araw. Rinig ko kay Madame na may business trip  daw ito abroad at matatagalan na namang bumalik.

Lumipas ang isang buwan bago bumalik si Sir Keith pero umalis din agad pagkatapos ng tatlong araw.

Tapos si Maam Elizabeth naman ang dumating at namasyal pa sila ni Kelly sa theme park nung isang araw. Pero umalis din siya agad matapos ang ilang araw at si Sir Keith na naman ang umuwi. Hindi lagi nag pang abot ang mag ina.

Nami-miss din kaya nila ang isa't-isa?

Pumupunta din kami ni Madame sa hospital para sa check up niya maliban dun sa physical therapist niya na pumupunta mismo sa mansion.

Ang babait pa ng mga doctors ni madame lalo na yung mga Davis. Ang gwapo pa nga nung anak nung doctor ni madame na si Dr. Terrence tapos may asawa na pala. Sinungitan pa nga ako nung asawa niya nung nakita niya akong nakatingin sa asawa niya.  Hindi naman masama ang tumingin eh. Hanggang tingin lang naman yun.

Lumipas ang ilang buwan at ilang beses na din akong nakauwi sa probinsya namin.

Nakakalakad na si madame. Halos araw-araw ba naman na therapy niya kaya siguradong gagaling siya. Hindi na kasi siya gumagamit ng walker o kung ano man na walking equipment.

Nung araw nga na opisyal ng tinanggal ng doctor ang walker niya ay biniro ko pa siya.

"Madame, papaalisin niyo na po ba ako? Hindi na ba ninyo ako kailangan kasi nakakalakad na kayo?"

Seryoso ang pagkakasabi ko nun pero nilagyan ko ng may halong biro para hindi niya mapansing nagda-drama ako.

"Of course not. Pwede kaparin namang magtrabaho dito. Kahit nakakalakad na ako, pwede parin kitang kailanganin. O kaya pwede ka tumulong dito sa bahay. Isa pa, napamahal na sayo si Kelly. And besides, mag iipon kapa ng pang tuition mo, diba?"

"Opo!" sabi ko sabay tango ng ilang beses para mag agree sa kanya.

"See? Kaya hindi kapa aalis. Don't worry, ganun parin naman ang sweldo mo. Pwede rin kitang gawing assistant ko pag bumalik na ako sa trabaho."

Napangiti ako sa sinabi ni madame.

"Talaga po??"

"Yeah."

"Salamat po!" Hindi ko na napigilan ang pagyakap kay madame. Sa sobrang tuwa ko kasi hindi ko naisip kung ano ang ginawa ko.

Doon lang ako natauhan nung maramdaman ko ang kamay niya na nasa likod ko na at nakayakap narin sa akin. Ibig sabihin, ginantihan niya ang yakap ko. Nakakatuwa naman na yakapin niya.

Napangiti ako dahil sa tuwa.

Isang araw, bigla nalang dumating si Maam Elizabeth sa bahay.

Masaya siya at may binalita pa sa amin. Sinabi niya na matagal pa bago siya makaalis ulit ng bahay dahil sa naayos na niya ang mga negosyo nila sa abroad at ang iba ay si Sir Keith ang namamahala. Dito na daw siya sa Manila mag be-based muna.

Kaya nagpasya siya na bilang treat niya daw sa lahat, magbabakasyon daw kaming lahat sa isang private island resort na pagmamay-ari nila sa loob ng isang linggo.

Perfect Opposites (Book 1 and 2)Where stories live. Discover now