Chapter 4: First Impression

25.7K 700 11
                                    


Pilit kong tinatanggal ang pagkakayakap sa akin ni Kelly pero agad din naman niyang binabalik sa bewang ko.

Ako kasi ang ngpatulog sa kanya. Hindi pa kasi maayos ang pakiramdam ni Nine.

Ganito pala matulog ang batang to. Parang takot iwan mag isa. Kung sabagay sa laki ba naman kasi ng kwarto niya kahit ako sa edad niya matatakot din ako.

Inaantok na ako. Gusto ko ng bumaba at matulog na dahil sa pagod pero paano ako aalis kung hindi niya ako binibitawan.

Mabuti nalang bumukas ang pinto at pumasok si Nine na nakapantulog na.

"Ako na jan. Ako na magbabantay sa kanya. Salamat, Ria ah," mahinang sabi niya para hindi marinig ni Kelly.

Baka magising nanaman kasi. Ang hirap pa naman niyang patulogin.

"Sige, inaantok na rin ako eh. Walang anuman." Tumayo na ako saka pinalitan ni Nine ang pwesto ko.

Sumulyap muna ako sa kanya ng saglit.

Napaka-sweet pala ng batang to. Gusto niya may katabi at kayakap. Paano kaya pag nandito si Maam Elizabeth? Tinatabihan din kaya niya ang anak niya?

Napailing nalang ako dahil sa kung anu-ano ang naiisip ko. Makababa na nga para makatulog na.

Pero nakaramdam ako ng uhaw kaya imbis na sa kwarto ako dumiretso, dumaan muna ako sa kusina para kumuha ng tubig na maiinom.

Hindi ko na inabalang e-On ang ilaw dahil kabisado ko naman kung nasaan ang ref at saan ang baso nakalagay.

Nung nasa kusina na ako, naglakad ako papunta sa ref at binuksan ko yun tapos  kumuha ako ng pitsel na may tubig saka sinarado. Tumalikod ako at kumuha ng baso tapos nilagyan ko yun ng tubig saka uminom.

Dahan-dahan lang ang pag inom ko. Habang umiinom ako, napakunot ang noo ko nung  may parang nakikita akong gumagalaw pero  hindi ko parin tinigilan ang pag ubos ng tubig sa baso. Napapikit ako ng kaunti baka kasi namamalikmata lang ako. Ganun kasi talaga pag madilim madami kang na i-imagine. Pero ngayon hindi ako nag i-imagine dahil pagkabukas ko ng mga mata ko, may bulto ng tao na nakatayo sa harapan  ko kaya sa gulat ko, nabuga ko sa kanya ang tubig na iniinom ko.

"What the??!"

Napanganga ako? May tao talaga! Nagsalita  at sumigaw kasi. Wait, sino to? Boses lalaki. Wala namang lalaki dito sa bahay maliban nalang sa drivers nila.

Agad akong tumakbo papunta sa switch ng ilaw at agad na pinaandar. Halos mapaatras ako sa gulat ng liningon ko ang lalaki na galit na galit na nakatingin sa akin. Parang namutla ako nung may maalala ako.

S-Siya siguro si Sir Keith. Alam na alam ko kasi may hawig sila ni Kelly.

"S-Sorry p-po," nauutal na sabi ko dahil sa kaba.

Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin at galit na galit.

"What?! Are you just gonna stand there??"

Naguguluhan akong napatingin sa kanya. Ano ang ibig niyang sabihin? Nakakatakot naman pala ang lalaking to.

"Give me something to wipe this!"

Napapitlag ako sa sigaw niya at tarantang kumuha ng paper towel. Kumuha ako ng marami at tarantang lumapit sa kanya sabay punas ng damit at mukha niya pero marahas na hinablot niya sa akin yun at siya na mismo ang nagpunas sa sarili niya habang ako ay nakayuko dahil sa kinakabahan akong tumingin sa kanya.

Napansin ko nalang ang paggalaw niya siguro tinapon yung paper towel sa basurahan.

Napaangat nalang ako ng mukha nung nakita ko ang sapatos niya na tumigil ulit sa harapan ko.

Perfect Opposites (Book 1 and 2)Where stories live. Discover now