Chapter 11: Missing People

23.3K 636 11
                                    


"Ria! Na missed ka namin! Grabe, na missed namin yang mga nakakahawang ngiti at tawa mo sa umaga!"

Napanguso ako.

"Ako po ba talaga ang na missed mo?"

Tumango si Ate Doris.

"Eh bakit parang mas inuuna niyo pa po kamustahin ang mga dala kong pagkain kaysa sa akin?"

Nung sinabi ko kasi kanina na may dala akong pagkain na luto ni nanay, mabilis nila akong tinulungan sa plastic bag na dala ko at dinala nila dito sa kusina saka binuksan.

"Syempre na missed ka namin pero mapag uusapan naman natin yan mamaya eh pero itong pagkain hindi na makakapag antay. Papangit na ito pag pinatagal pa."

"Uy, tirhan niyo po sina madame. Niluto talaga yan ni nanay para sa mga amo natin kaya itira niyo po ang iba para sa kanila ng matikman nila."

Kumain na sila at sinunod naman nila ang sinabi ko na ipagtabi sina madame.

"Ay, Ria. Alam mo ba hinanap ka ni sir nung araw na umalis ka."

Nagtaka akong humarap sa kanya. Yun ba yung araw na tumawag siya sakin at tinanong ako kung nasan ako?

"Bakit daw po?"

Hindi kasi niya sinabi kung bakit niya ako tinanong kung nasaan ako.

"Ewan. Hindi sinabi. Baka may kasalanan kang ginawa?"

Umiling agad ako kay Ate Doris.

"Wala naman akong naalala na meron."

"Eh bakit ka niya hahanapin? At alam mo ba. Sobrang kinilig si Ate Doris nung kinausap siya ni sir at tinanong kung asan ka," kwento ni Ate April.

Nakita ko naman na napangiti si Ate Doris dahil don at siniko pa si Ate April.

"Ano yan?"

Pumasok si Ate Pearl sa kusina at nagtataka na tumingin sa amin.

"Ate Pearl, hali po kayo. May dala po akong pagkain galing probinsya. Si nanay pa hu mismo nagluto. Halika po tikman ninyo."

Lumapit naman siya at kumuha ng pagkain. "Sigurado kang masarap to ah?"

"Opo."

Nag thumbs up naman siya nung tinikman niya ang pagkain. Mukhang gustong-gusto niya kasi naubos niya agad.

"Sige, akyat muna ako. Magpapakita ako kay madame na andito nako saka dadalhan ko din siya ng kakanin."

Naglagay ako sa plato ng kakanin na dala ko pati tubig na nasa baso. Nilagay ko lahat yun sa tray saka dinala sa taas.

Kumatok ako sa pinto ng kwarto niya bago ako pumasok.

"Ria?"

"Hello po, madame," nakangiting bati ko sa kanya.

"Kailan ka nakabalik?"

"Kanina lang po. Ito po oh may dala po akong pagkain sa inyo. Niluto po yan ni nanay. Gusto po niya na matikman ninyo."

Nilapag ko yung tray sa harap niya.

"Hindi niya naman kailangang mag abala."

"Pasasalamat po daw ni nanay dahil po sa tinanggap niyo po ako dito."

Parang kuminang ang mga mata niya saka yumuko at kinuha ang kutsara saka tinikman ang dala ko.

Hinihintay ko kung ano ang magiging reaction niya pero wala. As in blanko. Pero kumuha siya ulit saka kumain. Hanggang sa sunod-sunod na ang kain niya pero wala man lang sinabi. Naubos na nga ang dala ko pero tahimik parin siya.

Perfect Opposites (Book 1 and 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon