Chapter 27: Planned

17K 423 17
                                    


Ria's POV

"How are you?"

Napasmirked ako sa tanong niya. Mabuti naman at naisipan niyang tanungin ako niyan.

"Okay lang," sagot ko kahit hindi naman ako okay talaga. Mabilis kasi ang tibok ng puso ko dahil nandito siya ngayon sa tabi ko. Ayoko malaman niya na ganito ang nararamdaman ko ngayon habang kaharap siya.

Nakita ko ang paglunok niya. Tumingin siya sa likuran ko na para bang may hinahanap siya kaya nagtaka ako.

"May hinahanap ka?"

Tumingin siya sa akin. Ako lang ba ang nakakapansin na parang hindi siya mapakali?

"Where's our kids?"

Akala ko kung ano na. Hinahanap lang pala niya ang mga bata.

"Namasyal sila sa labas kasama si Nine. Doon ata sa park na malapit lang dito."

"Why did you let them go out—" natigilan siya saka tumikhim at inayos ang sarili. Tataas na sana ang kilay ko dahil ayan na naman siya sa pagka-overprotective niya. "Im sorry. I didn't intend to summon you."

Hindi ako sumagot.

Madami na kaming napagdaanan. Marami na din kaming pinagsamahan pero ngayon parang feeling ko bago ulit ang lahat. Parang ibang tao na siya kung tratuhin ko. Siguro dahil bihira na kaming magkita. 

"Ria, don't file for a divorce. We can fix this. I don't want this marriage to end. I want to be with you and the kids until I die."

"Sana naisip mo yan dati pa. Anyways, Loraine and I talked, and she told me about Sarina."

Nalungkot siya bigla.

"I'm sorry for keeping it from you." Nakita kong napamulsa siya saka nagsalita. "Sorry kung hindi ako nagkaroon ng lakas ng loob na sabihin yun sayo."

Hinarap ko siya. "Iniisip mo ba talaga na hindi kita maiintindihan? Mag asawa na tayo, Keith. Kahit ano pa yan, kailangan kong malaman. Hindi mo kailangang harapan mag isa ang problema mo."

"I knew I was wrong. My pride eaten me up. I hope it's not too late for us yet." Nakikiusap ang mga mata niya na nakatingin sa akin.

Kung alam niya lang na mahal na mahal ko parin siya. Siya lang ang lalakeng minahal ko kaya hindi madali sa akin na iwan siya. Pero tao parin ako. Nasasaktan ako sa mga pinanggagawa niya.

May naalala ako na gustong-gusto kong itanong sa kanya kaya nagsalita ako.

"A-Ano yung ibig sabihin ni Loraine na tungkol sa inyong dalawa na kailangan ay ikaw daw ang magsabi?" Napalunok ako dahil kinabahan ako sa maaaring isagot niya sa tanong ko.

Hindi ko alam kung kakayanin ko ba ang isasagot niya. Sana talaga mali ang nasa isipan ko.

"Ria, there's nothing special going on between Loraine and I. I admit I make out with her five years ago but that was not my intention. I was so depressed that time. I knew it was wrong and I regret doing it. You broke up with me and she happened to be there. I was drunk and did not know what I was doing."

Napanganga ako.

"May nangyari sainyo?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"We only kissed."

Nagsimula ng manubig ang mga mata ko. "Gusto kaba niya?" Hindi naman kasi papatol si Loraine kung hindi niya gusto si Keith.

Nagulat siya sa tanong ko. "Of course not. She hated me since her sister died. She was also drunk that time."

Perfect Opposites (Book 1 and 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon