Chapter 24: More Damage

16.1K 412 23
                                    


Ria's POV

"Mommy, gusto ko ng toys."

"Mommy, gusto ko yun oh."

"Mommy, can I buy one of these please?"

Napailing nalang ako sa mga pinapabili ng mga anak ko.

Nandito kasi kami sa mall dahil linggo ngayon at gusto ko silang ipasyal. Kakatapos lang namin magsimba tapos kumain kami at dumiretso dito.

"Sige, bibilhin ko kayo. Basta isa lang ha? Ikaw din, Klyde, just get one," nakangiting sabi ko sa kanila.

May ipon naman ako kahit papano. Saka gusto kong maibigay parin sa kanila ang buhay na kinalakihan nila kahit may konting pagbabago lang hindi na gaya noong nakatira pa sila sa magarang bahay at may magarang pamumuhay. Ngayon, simpleng bahay nalang ang meron kami.

"Yay! Thank you, mommy. You're the best!" Masayang sabi ni Kelly saka niya ako niyakap sa bewang.

Kinuha na namin ang pinapabili nila saka binayaran ko na ang mga ito sa cashier.

"'Mommy, do we still have money?"

Napatingin ako sa anak ko dahil sa biglang tanong niya. "Oo naman. Bakit, anak?"

Ngumiti si Kelly. "Baka po kasi wala na tayong savings. Sorry, mommy. Nakalimutan kong nagse-save po pala tayo. Sana pala hindi nalang ako nagpabili."

Napangiti ako sa sinabi niya. Yumuko ako ng konti para magkapantay kami.

"Okay lang, anak. Minsan kalang naman nagpapabili eh at saka good girl ka naman kay mommy at good job ka sa school kaya deserve mo yung toy mo, okay?"

"Talaga, mommy?" Tumango ako. "Ang bait talaga ng mommy ko saka maganda pa at very gorgeous!"

Natawa ang cashier sa sinabi niya.

"Shhh," saway ko sa kanya. "Secret lang dapat natin yun," biro ko.

"Sabi ng classmates ko sa school ay maganda po daw kayo kaya hindi na secret yun."

Natatawang napailing nalang ako sa kainosentehan nitong anak ko. Hindi niya na-gets ang biro ko.

Pagkatapos naming bayaran ang mga pinamili namin ay pumunta kami sa arcade dahil gusto nilang maglaro doon.

Papasok na sana kami doon nung may tumawag sa akin kaya napalingon ako at nakita ko kung sino ito.

"Loraine."

Ngumiti siya sa akin. Yung ngiti na lagi niyang pinapakita sakin. Yung pang kontrabida na may halong pang-iinis.

"Hi there, Ria. Nice to see you again. Hindi kanaman nagre-reply."

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

Kailan pa kami naging close na dalawa? Hindi ata ako aware na close pala kami. Diba sabi niya hindi niya ako gusto?

"Nine, dalhin mo na ang mga bata sa loob. Mauna na kayong maglaro." Bumaling ako kay Kelly. "Susunod si mommy ha?" Tumango naman siya saka sumunod kay Nine sa loob.

"Yun naba si Kelly? Ang laki na niya at ang ganda. Manang-mana talaga sakin."

Napakunot ang noo ko.

"Bakit naman sayo nagmana ang bata? Hindi naman ikaw ang ina niya." Tumawa siya ng pagak. Yung nang-iinis na tawa.

"Anong nakakatawa?" takang tanong ko.

Tawang-tawa parin siya at napahawak pa sa tiyan niya bago nagsalita, "Oh my gosh, Ria. Hanggang ngayon hindi parin sinasabi sayo ng asawa mo? Hahaha! Ang totoo, mahal kaba talaga niya?"

Perfect Opposites (Book 1 and 2)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora