Chapter 10: Stay Focus

25.9K 665 25
                                    


"Andito nako!!!"

Malakas na sabi ko pagkababa ng tricycle. Agad na lumabas ang mga kapatid ko ng bahay at nagulat na nakita ako. Ganun din sina nanay at tatay pagkakita nila sa akin.

"Ateeeee!!"

Tinakbo ko ang agwat namin saka niyakap silang lahat.

"Na-missed ko kayo," sabi ko habang niyayakap ang dalawang kapatid ko at sina nanay at tatay.

"Na miss ka din namin, anak!"

Halos hindi matigil ang yakapan naming lahat. Wala kasing gustong bumitaw.

"Naghanda kami ng pagkain para sayo, anak. Mga paborito mo lahat."

"Nay naman, hindi na sana kayo nag abala pa. Parang daig ko pa ang balikbayan niyan, eh balik probinsya lang naman po ako."

Natawa si nanay sa sinabi ko.

"Ate talaga, corny parin," sabi ni Mario, ang kapatid kong lalaki na kasunod sakin.

"Hindi si ate yan pag hindi siya corny," natatawang sabi ni Marjorie, ang bunso sa aming magkakapatid.

Hinampas ko nga. Mahina lang naman pero syempre exaggerated yang kapatid ko.

"Aray, ate!"

"Corny pala ha? Pwes wala kang pasalubong sa akin."

"Okay lang. Alam ko namang wala kayong pasalubong na dala eh."

Sinamaan ko siya ng tingin. Bakit niya alam? Wala pa kasi ako masyadong ipon para ibili sila ng gamit. Saka hindi pa ako naka pasyal dahil nasa trabaho ako lagi.

Bumaling nalang ako sa mga magulang ko.

"Nay, kamusta na po?"

"Ok lang, anak. Maayos na kahit papano ang tinda kong gulay. Minsan may mga pumapakyaw na."

"Okay po yan ah. Kayo, tay? Kamusta na po ang pamamasada?"

"Nako, anak. Ilang araw na akong hindi namamasada dahil nasira ang tricycle ko. Pinaayos ko pero hindi ko pa nakukuha dahil dalawang libo ang dapat bayaran."

"Hala! Paano natin yan makukuha tay? Eh wala po akong budget para jan."

Napangiti si tatay. "Wag mo na problemahin yan, nak. Ako na bahala jan. Marami ka ng napadala sa amin at sa mga kapatid mo. Sarili mo na muna ang isipin mo para makapagtapos ka. Para sa pag aaral mo ang ipunin mo at paggamitan mo ng sweldo."

Napanguso ako.

Hanggang ngayon ako parin ang iniisip ni tatay. Kaya ako na lang ang nagpupumilit na tumulong kasi hindi niya kayang humingi ng tulong sa akin. Siya daw kasi ang ama at siya dapat ang kumayod para sa amin pero dahil makulit ako, tumutulong pa din ako lalo na at kaya ko naman.

"Tara na sa loob. Baka lumamig na ang pagkain na hinanda ko," sabi ni nanay kaya pumasok na kaming lahat.

Ang dami ng niluto ni nanay ha. May pulang itlog na may kamatis, may adobong manok, may nilagang baboy at syempre ang pinakapaborito ko, ginataang kangkong na may bagoong.

Nagdasal muna kami saka kumain.

"Anak, kamusta naman ang trabaho mo don?" tanong ni tatay habang kumakain na kaming lahat ng tanghalian.

"Okay naman po, tay. Mababait naman po ang mga amo ko saka mga kasamahan ko sa trabaho. Ang gaganda at gwapo po ng mga amo ko, tay! May mga pictures po nila ako. Pakita ko po sainyo mamaya."

Perfect Opposites (Book 1 and 2)Where stories live. Discover now