Chapter 21: Strong Woman

16.2K 455 8
                                    


Claudia's POV

"Positive, madame. Hindi na nakatira si Ria sa bahay nila ng apo niyo. Umalis na ito kasama ang mga bata."

Napatayo ako sa sinabi ng tauhan ko.

"Are you sure about that?" The guy nodded. "Do you have proof?"

Nilabas niya ang pictures na nasa loob ng envelope saka pinakita sakin. My eyes were  wide open in shock.

Biglang kumulo ang dugo ko dahil sa nakita.

"Ayun po sa sources ko, mahigit isang buwan na silang lumipat. Sa hotel sila unang tumira. Lumipat lang sila sa isang apartment noong nakaraang linggo."

I knew it.

Alam kong may kahina-hinala sa kilos ni Keith pagtinatanong ko siya kung kamusta na ang mga anak niya at ang asawa niya. Hindi siya makatingin sakin ng diretso.

Noong isang linggo, inutusan ko ang isa sa mga tauhan ko na mag-imbistiga saka kinausap ko rin si Rey, ang driver ni Kelly, at tinanong kung nasaan ang mga apo ko at sinabi niya sa akin na si Keith nalang daw ang tanungin ko.

With what he said, I knew that there was something wrong. Tinanong ko agad si Keith pero ayaw niya sabihin sakin ang totoo, so I have to find it out myself. I had everything investigated.

"Saan sila ngayon nakatira?"

Sinabi niya sa akin ang address ng apartment kung nasaan sina Ria. Tumango ako at nagpasalamat sa kanya.

"Walang anuman po, madame. Aalis na po ako."

Tumayo na din ako saka pinatawag ang driver na aalis na kami ngayon din.

Tumigil ang kotse sa isang bahay na hindi kalakihan. Magkakadikit ang pader ng mga bahay dito at mukhang simpleng  community lang ito. May mga taong naglalakad at mga batang naglalaro sa kalsada.

Mukhang maayos naman ang lugar pero hindi dapat dito nakatira ang mga apo ng isang Edison. They deserved more than this. Pero bago ko problemahin ang tinitirahan nila, kailangan kong makausap muna si Ria kung ano ba talaga ang totoong nangyari.

Iniisip ko palang na nagkakalabuan ang relasyon ng dalawa ay hindi nako mapakali. Ayoko na nag aaway sila at mas lalong ayoko na maghiwalay sila.

Kunatok ako sa pinto. Nakakarinig ako ng mumunting tawa at ingay na sa tingin ko ay boses ng mga apo ko ito.

Bumukas ang pinto pagkatapos ng ilang sandali at nanlaki ang mga mata ng taong bumukas sa akin ng pinto.

"Nine," umpisa ko.

"M-Madame?"

"Ako nga. Nanjan ba si Ria?"

Tumango siya saka agad na binuksan ang pinto ng tuluyan at pinapasok ako.

"Nine, sino ang kumatok?"

Tumingin ako sa babaeng lumabas mula sa tingin ko ay ang kusina nitong bahay.

Natigilan siya nung makita ako.

Bigla siyang natauhan nung tumikhim ako. "Lola," sabi niya saka mabilis na lumapit sa akin saka nagmano.

"Granny?? Granny!!"

Napatingin ako sa apo ko na tinawag ako. Ngumiti ako nung makita siya. 

"Hello, apo. How are you?"

Tumakbo siya papunta sa akin saka niyakap ako. "I miss you, granny. How's Spain?"

Nagbakasyon kasi ako sa Spain ng ilang linggo. Sinabi ko yun sa kanila dahil alam kong hahanapin nila ako at baka magtaka sila kung bakit hindi ko sila nadadalaw. 

Perfect Opposites (Book 1 and 2)Where stories live. Discover now